XXVII

489 16 0
                                    


Cheater


Days passed by so fast, and I'm home in our house.

"Ate naimarinade na yung barbeque, ipapaayos ko nalang kay manang esther yung ihawan" sabi ni Alpha.

Maria is on 3rd year College at si Alpha ay 4th year College. While Veronica , well I don't know. The only thing that I know is that she's an athlete during her college days, she graduated as Accountant pero ewan ko ba kung may trabaho siya ngayon.

While me turning 25 on October. Veronica will turn 23 next month.

Daddy is his office, habang kami ay andito sa kusina nag preprepare for barbeque party.

"Hmmm, bango a, Manang anong---" napalingon ako sa kapapasok lang ng kusina. Veronica wearing a terno pajama came in. I smile at her.

"Tss, andito ka pala" aniya at pinag krus ang kamay sa harap ng kanyang dibdib.

"Goodmorning Veronica, how's sleep?"

"Tss" pumunta siya sa ref which is katabi ko lang.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Sabay kuha ng tubig sa ref at uminom.

"I'm on a 3 days Vacation. And uhm...gusto nila Alpha na--"

Binaba niya ang baso at lumapit sakin. "Tss, mali pag tusok mo sa karne, dapat ganto" aniya at kinuha sakin ang stick. Tumabi siya sakin.

Tinitignan ko lang ang ginagawa niya. She's like a pro doing such things.

"Tss, tanda mo na di ka parin natututo" aniya

I chuckle "You really are good at kitchen things huh?"

At sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang ngisi sakanya.

"Mom's best cook" she laugh and so I did too.

Kumuha na din ako ng stick at ginaya siya ng bigla kaming tawagin ni Maria dahil ok na daw ang ihawan. Pumunta na kami sa pool side kung saan nakalagay ang ihawan at nagsimula ng mag ihaw habang si Veronica ay nagtutusok ng karne.

Maria is sitting in a lounger with her 1 piece on while reading some book, while alpha is helping manang esther in preparing the other foods.

"Thanks manang, you the best!" Ani ni alpha "Magbihis ka na din manang alam kong may tinatago ka pa jan na swimsuit mo"sabay hagikhik nito. Nakitawa na din kami sa kulit ni Alpha.

"Ikaw talagang bata ka, osya, maiwan ko na kayo tawagin nalang ako pag may kailangan kayo" at umalis na si manang. Nilabas ni Alpha ang speaker at nagpatugtog doon ng kanta.

Bigla siyang tumayo sa isang lugar na medyo malayo saamin at nang nagsimula na ang kanta ay ginawa nito ang routine na ginagawa niya lagi. She's a dancer and she's good at instruments but a smart kid too.

Tinaas niya ang kaliwa niyang paa at nagbend ang katawan, umikot siya na parang balerina at ganon din sa kabila.

"She'll be having their competition nextweek, that's why she keeps on dancing." Sabi ni Maria na papalapit saamin , kumuha siya ng isang naluto na barbeque at kinain ito. Nakatingin kaming lahat kay Alpha, she's so graceful in dancing.

Nang matapos siya ay ngumiti siya saamin.

"Bilib nanaman kayo sakin niyan" pagmamayabang niya.

Natawa naman kami "Ang boring nga e, paulit ulit routine mo" pagbabasag trip ni Veronica na pabiro.

"Whatever ate, atleast dancer, unlike you, parang kawayan ang katawan when you dance" pang aasar din niya.

"Kapal a, atleast ako maganda" pang babara naman niya.

Matilda (Montemayor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon