Crush
"GO MONTEMAYOR !!!" malalakas na sigaw ang naririnig sa loob ng gymnasium. Teh, practice palang yan kala mo naman intrams na, halos mapuno na din yung mga bleachers sa dami ng estudyante.
"Giiirls!!!" tinawag kami ni Sophia dun sa bleacher na malapit sa players, wow buti nalang di kami mahihirapan makahanap ng spot para manood.
Cleah and Christa brought snacks for us, ako naman gatorade, water and tinapay para kay Marcus.
"Kanina pa nagsimula bat ngayon lang kayo?" tanong ni sophia samin, nauna na siya dito kasi sila yung tumulong sa mga players sa pag ayos ng gym at pag ushers sa mga estudyante.
"Eto kasing si Matilda ang tagal kumilos" sabi ni Christa sabay kagat ng chichirya niya. Natawa nalang ako at umiling. Pagtingin ko sa score board 25-38 ang score, mas lamang ng points yung kalaban nila marcus.
"Hoy alam niyo ba yang kaibigan niyo sa Engineering Department ayaw pumasok sa game, kanina pa kinukulig ni Coach nila ayaw niya pero nung pinilit siya ayon pumasok pero after 5 mins. wala olats parin ang shooting points niya" sabi ni sophia habang nakiki kain kila cleah.
"Bakit daw?" tanong ko naman habang hinahanap ng mata ko si Marcus.
"Masakit daw paa niya,eh baka may pilay o ano" sabi ni sophia at kumain ulit.
"Woooh!!! Go Number 4!" sigaw ni Sophia
"Goooo Red Team!!" sigaw ni Christa
"Ang ingay ha, ano yan nagpra practice na rin para sa intrams?" natatawang tanong ni Cleah
"Hindi, nainggit ako gusto ko din sumigaw " sabi ni Christa at tumawa
Nang makita ko yung 'Antonino 22' sa likod ng isang player alam ko na agad ang gagawin ko. Naka upo siya at nakayuko.
"Wait lang ha, puntahan ko lang yung mokong na yon" paalam ko at parang wala silang narinig dahil busy sila sa kapapanood at cheer.
Dere deretso ang lakad ko mga konti lang naman ang distansya mula sa kinauupuan namin. Nang narating ko na ang barriers na namamagitan sa bleachers at upuan ng players sa harap nito ay hinampas ko yung dala dala kong tinapay sa likod niya.
"Ay putc-- Matilda?" gulat na lingon niya sakin
"Oh ano? Gulat ka?" tanong sabay namewang
Tumayo siya at humarap sakin papalapit konti,muka namang walang pilay ang bilis nga maglakad e.
"Akala ko di ka manonood e" sabi niya at gamit ang malungkot na boses,kumunot ang noo ko sakanya.
"Ako nga akala ko may pilay ka daw" sabi ko insert sarcasm.
"Ahehe" nagkamot siya ng batok "inaantay nga kasi kita" sabi niya na medyo nag aalangan
"At bakit? Hawak ko ba ang bola ha Mister Antonino? Oh ayan,pampagana" sabay abot ko ng pagkain at inumin niya. Tinanggap namna niya ito at ang laki ng ngiti.
"Wala bang kiss jan?" tanong niya
Nanliit mata ko sakanya "Baka gusto mo sapak?" angas kong sagot.
Lumayo siya "sabi ko nga maglalaro na"
"Dapat lang, ganyan ba ang Team Captain? Ha?" pabalang kong tanong
Lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko at tinitigan ng malapit, may naririnig na akong nag hihiyawan pero di ko na pinansin pa.
I equally meet his stare, those dark brown eyes, thick eyebrows, pointed nose and redish lips, his skin is tan. Damn, wait why is my heart beating so freaking loud?
"Hinahamon mo ba ako?" tanong niya with his deepest and husky voice, and I can't even answer him instantly, bakit naiimagine ko yung ganyang boses tuwing gigising ako ng u-- what the hell matilda?
"Y-yes?" napakurap ako sa sagot ko. Why am I even stuttering.
"My poor baby loose her bravery huh?" tanong niya at hinalikan ako sa noo. "If that's what you want" sabi niya at pumunta mismo sa coach niya.
Pumito ng malakas at doon lang ako bumalik sa aking ulirat. What is that?
Bumalik na ako sa upuan at walang imik ang mga kaibigan ko. I feel so hot my gosh feeling ko namumula ako ng husto,tuwing naiisip ko yung nangyari kanina napapapaypay nalang ako sa sarili ko.
"Alejandro out,Antonino coming in" mas dumoble pa ang ingay ng pumasok na siya sa laro. Pumito ulit at nagsimula ng maglaro
"Bes, kayo na ba?" medyo nahihiya pang tanong ni sophia sa tabi ko.
"H-huh? Ah ano hindi, bat sana magkaibigan lang kami niyan no" sabi ko which is true. Geez
"Talaga? Pero why naman may pa kiss sa noo? Yung totoo ha" intriga pa niya, nawala na ng tuluyan ang atensyon ko sa laro at naituon na sakanya.
"Ha ha,bakit? Di ba pwedeng sign of respect or thank you lang?" medyo awkward kong sagot, yumakap ulit siya sa braso ko at ako naman ay nanuod na ulit, naka 3 points siya agad
"Eh nililigawan meron ba? Or girlfriend? Ano ba trip niya sa mga babae? Alam mo ba? Diba super close kayo?" tanong niya, naningkit ako sa tanong niya
"Bakit trip mo siya?" tanong ko, maarte niyang nilayuan ag braso ko at nag cross arms pa siya
"Eh kasi nga he's so gwapo, tapos mabait, kita mo naman respectful super active sa school and very mature" sabi niya habang nakatitig sa court or kay marcus.
"Ewan ko ba, ayaw niya pa yata e" sabi ko nalang at nanuod ulit.Siniko naman ako ni Christa at pag tingin ko ay kinusilapan niya ako. Luh.
"Bakit?" tanong ko na siya lang nakakarinig.
"Crush niya si Engineering Department mo " sabi niya sabay kain ulit.
Tumawa nalang ako at umiling bago itinuon ang atensyon sa laro.
------
Trust me, I promise I'll make it worth it.
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
Fiksi PenggemarMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...
