Ladies, we are all worth than any gems in the world. (Read 'till the end to be enlighten)
Nagising ako sa isang puting kwarto, maliit at malinis. Asan ba ako? Nasa clinic? Nang mag flashback lahat ng nangyare sakin ay agad agad kong hinawakan ang aking tiyan. Anak. How is my baby?
Nakahiga parin ako habang hawal hawak ang aking tyan ng bumukas ang pintuan at niluwal non si Miguel, may pasa sa gilid ng bibig at at may sugat. Nakaka awa naman yung tao, tinutulungan na nga ako ganyan pa masasapit niya.
"You're awake" ngisi niya. May hawak siyang parang folder na bakal. Naka coat na din siya.
Lumapit siya at tinignan ako ng maigi. "Doc , kamusta ang anak ko?" I ask.
"Your baby is fine but somehow it is weak, please avoid stress and too much movement. Dinugo ka kanina dahil sa pagod at stress. Pero bibigyan kita ng reseta para sa baby mo" ngumiti siya.
Tumango ako at iniwas ang tingin sakanya. "Hindi ko pa nasabing buntis ka sa ama ng anak mo. Ang sabi ko lang ay may business meeting tayo kanina. Ayokong pangunahan ka sa desisyon mo kaya minabuti kong manahimik muna" sabi niya at ngumiti.
Nanlaki ang mata ko sa nasabi niya. Napaka buti niyang tao. "Salamat doc, pasensya na kanina" sabi ko.
"It's ok. Anyway, magpahinga ka muna. Wag mo din gugutumin ang sarili mo. You are 3 weeks pregnant kaya mag ingat." Aniya at binigay sakin ang reseta. "Papasukin ko ba siya dito or paaalisin ko nalang? Kanina pa siya sa labas e, ayaw ko namang maistorbo ka sa pahinga mo kaya pinalabas ko muna" sabi niya.
Tumango ako "Papasukin mo Doc, mag uusap nalang kami" sagot ko at ngumiti.
Ngumiti siya at umalis. Nilagay ko ang reseta sa katabing bag ko. Pagka ayos ko ng bag ay ang pagpasok niya.
Naka pants at tshirt siya na fit. Lumapit siya at kumuha ng upuan at nilagaybsa tabi ng higaan ko.
Dali dali niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. "Matilda , I-I'm sorry, did I cause you too much pain? Kaya ka ba dinugo? Baby, I'm sorry. I'm sorry" habang mahigpit niyang hawak hawak ang kamay ko.
Hindi ko siya nilingon. Huminga ako ng malalim. Unti-unti kong binawi ang kamay ko at natigilan siya. Pero kinuha niya ito ulit. This time mas humigpit pa ang hawak niya. Nilingon ko siya at kitang kita ko sa kanyang mata ang takot, awa ag pagsusumamo.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Baby, uwi na tayo. Hmm? Uwi ka na sakin. Tagal mo ng di umuuwi. Please...uwi ka na saakin. Miss na kita" aniya sakin.
Tumawa ako ng mapakla. "Talaga? Kaya ba lumipas ang dalawang linggo at ngayon ka lang nagpakita?" Sabi ko na may halong pait at galit.
"Baby, anong ibig mong sabihin? A-ang sabi ng daddy mo nagbabakasyon at bonding daw kasi k-kayo kaya di ka pa umuuwi. Hinihintay kita sa unit ko na umuwi baby. Please...uwi ka na sakin.. Hindi mo ako kino-contact ng 2 linggo. Mababaliw na ako kaya pinuntahan kita dito para sunduin tapos makikita kitang kasama ang bastardong---"
"We have a meeting" I said plainly.
"Talaga? Pero bakit kailangang sa coffee shop pa? At isa pa hinawakan ka niya. Baby, akin ka lang. Ako lang ang dapat hahawak sayo dahil ganon din ako, ikaw lang---"
"Talaga? Ako lang?" unti unting namumuo ang luha sa aking mata.
"Oo, baby ikaw lang. Baby ano bang problema? Ok naman tayo nung huli a. I am a good boyfriend kasi hinihintay kita kahit napaka tagal mong umuwi sakin." Punong puno ng pagsusumamo ang kanyang boses.
"Good Boyfriend huh? Alam mo? Umalis ka na. Hinding hindi na ako uuwi pa sayo"
Umiling siya at kita ko sakanyang mata ang sakit na dumaan dito.
"Anong i-ibig mong sabihin? No baby, uuwi ka sakin" matatag niyang sabi.
Namuo ang inis at galit ko kaya piniglas ko ang aking kamay na hawak niya.
"No. Uuwi ako sa bahay Ko. And this will be the last time na magpapakita ka sakin. We're over." Sabi ko.
"Matilda....I-I don't understand...."
"Get out. Hindi ka nakakabuti saakin. And I don't wanna see someone who's cheater and a married man."
Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi siya umimik. Ngumisi ako. Tangina tama ako. How can I be that stupid.
"Matilda, let me explain...I am---"
I cut him off "Yeah right. Explain to me. Ganiyan ba kababa ang tingin mo sakin para maging kabit? I ask you so many times, kung kasal ka ba o hindi. Kaya sige! I explain mo. Kasi tang ina hindi ko yun deserve! Hayop ka!" I swear him. Tumulo na ang luha ko. "Pinaniwala mo ako sa napakaraming bagay. Sumugal ulit ako sayo, dahil akala ko this time. Tama na. Maayos na. But hell I am wrong. Hindi ka na nakuntento ginawa mo pa akong kabit! How dare---"
"Matilda please..-"
"No please!......Just please.....wag na wag ka ng magpapakita saakin. Kasi kahit kailan di ko maintindihan kung bakit. Bakit paulit ulit mo akong niloloko. Kung bakit paulit ulit nalang sinasaktan mo ako. Kasi Marcus...." pinahid ko ang luha ko at huminga ng malalim "Kung nag hihiganti ka dahil iniwan kita noon, pwes eto na. Nagtagumpay ka! Nasaktan mo na ako dinurogdurog mo pa ako. Wala ka ng tinira saakin."
"Matilda Mahal kita at ---"
"Mahal mo ako kaya mo nagawang gawin sakin to?! Mahal ?! Hindi mo ako mahal! Kasi kung mahal mo ako, hinding hindi mo to magagawa! Haha" tumawa ako ng mapait "Ako naman kasi tong si tanga, marupok na isang 'I love you' mo lang isang yakap isang halik bibigay agad sayo." Nilingon ko siya. Umiiyak na siya sa gilid ko.
"Sumugal ako kahit alam ko na may kahati ako kasi may anak ka na. Simugal ako kahit nasasaktan ako tuwing naiisip na ako yun e, ako yung unang pinangakuan ng kasal, pamilya at ng mga putang inang kasinungalingan mo!" Sigaw ko sakanya.
"Kaya sige! Magpaliwanag ka! Dahil mababaliw na ako kakaisip kung ano pa ba ang kulang, ano pa ba ang dapat kong isakripisyo, ano pa ba ang dapat kong intindihin, ano pa ang kailangan kong gawin? Bakit? Kulang ba ako? Hindi pa ba ako sapat? Do I look like a joke to you huh? Tang ina CEO ako tapos ganto kahihinatnan ko" sumandal ako sa pader.
"I'm sorry..." panimula niya. "Yes, I married Sophia, civil. Pero kami lang ng magulang namin ang nakaka alam. Hindi kasi papayag ang pamilya niya na hindi kami maikasal so I married her. And then after 1 year I decided to file an annulment. Hindi lang maiproseso ng mabilis dahil may mga demands si Sophia na tutol ako. At naghahanap sila ng grounds na magpapawalang bisa ng kasal."
Hinawakan niya ulit ako "Believe me, nag aantay nalang kami ng ilang buwan, para sa papers. Kaya ko lang naman nagawang mag lihim dahil natatakot akong mawala ka kaagad at makuha ng iba." Aniya.
"Enough" I said.
"Umalis ka na. I already hear your side. Ok na. Umalis ka na. Hindi na tayo maayos pa. Wag ka ng umasa."
"Hindi Matilda, babalik ako sayo. Mahal na mahal kita. Babalik ka ulit sakin, liligawan kita magbabago na ako. I'll be a better man for you"
"How can I trust again? Ang hirap mong mahalin. Ang sakit sakit ng pagmamahal na pinaparanas mo."
"Matilda, babalik ako sayo, hindi bilang Marcus, kundi bilang isang lalaki na karapat dapat sa pagmamahal mo. Just please baby, trust me again. Last chance and If I screwed up, it will be over to me"
Hindi ako umimik. This bastard. Kumirot ang tiyan ko kaya hinawakan ko ito.
Bwisit kasi yang tatay mo anak. Isang malaking gago.
"I don't need promises. I need actions."
At yun ang huli naming pag uusap makalipas ang 2 buwan.
-------
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
Fiksi PenggemarMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...
