II

870 21 0
                                        

5 years

Maaga akong nagising sa sumunod na araw dahil may mga meetings akong dadaluhan at may aasikasuhin ako sa bago kong ipapatayo na business.

Pag labas ko ng elevator sa aking building ay nakita kong madaming nagkukumpulan na mga empleyado. Napakunot ang noo ko at inalis ko ang aking sunglasses at nilagay sa aking ulo. Bawat lakad ko ay tumutunog ang aking heels na siyang umagaw ng kanilang atensyon.


"Goodmorning everyone" bati ko sakanila at agad naman akong dinaluhan ng aking sekretarya.


"Goodmorning mam" bati ng lahat at nagpunta na sa kani kanilang cubicle.

May pinapabasa agad sakin ang aking sekretarya tungkol sa mga stocks .

"What's the problem earlier?" tanong ko habang nirereview ko ang reports.


"M-mam?" nauutal niyang tanong.


"May bago nanaman bang sagap na chismis? bakit nagkukumpulan sila kanina?" I ask at naka rating na ako sa tapat ng aking office.



"Ahm.. mam kase kanina nagpunta dito yung Engineer na nahanap ko kasi umalis din agad at may aasikasuhin lang daw saglit pero babalik din po." pagpapaliwanag niya



"Ok? So yun ang dahilan?" sabi ko at hinawakan na ang door knob ng aking office ng nagsalita siya ulit.



"Ahm mam kasi sobrang gwapo mam mala adonis at sobrang bango kaya siya yung topic kanina tsaka hindi lang siya yung gwapo mam pati yung kasama niyang kaibigan mam gwapo"


Oh, is that so?


Tumango nalang ako "Just make sure na you do your job properly "

"Yes mam" aniya at tinanguan ko nalang siya at pumasok na sa aking opisina.


Binaba ko ang aking bag sa swivel chair at pati ang coat na suot ko kanina ay nilagay ko sa swivel chair. I am now wearing a sleeveless white dress. I always wear white because it shows how clean and neat you are. It's classy to look at.

Habang nagbabasa ng reports ay tumunog ang intercom ko

"Mam may gusto daw pong kumausap sayo" sabi ng secretary ko mula sa intercom


Natigilan ako sa pag pirma "Akala ko ba wala na akong appointment after the meeting last na yung appointment ng Engineer namayang 5 pm?"

"Ahm mam sila Cleah at Christa daw po"

Nanlaki ang mata ko at agad inayos ang mga papeles na nasa harap ko.

"Sige papasukin mo at magdala ka na din ng meryenda dito" sabi ko sa sekretarya ko.

Pagbukas ng pinto ay agad silang tumili at lumapit sakin. Tumayo naman ako at lumapit sakanila

"OMG!! BFF!" sigaw ni Cleah sakin at niyakap ako

I hug them tightly, Cleah and Christa are my Highschool and college friends. Magkasosyo sila sa isang business kaya lagi silang magkasama. Ngayon lang sila ulit bumisita sakin, the last thing that I heard about them was like a year ago, nung napag desisyunan nilang mag open ng branch nila abroad. Of course we keep our contact kaso sobrang busy ko din kasi kaya di ko gaanong nababalitaan.

"Hindi manlang kayo nagsabi" I said as I pull off the hug.

Christa is a very sexy woman na super kikay, while Cleah is very prim and proper.


"Have you even heard the word surprise?" ani ni Christa sakin. Nagtawanan naman kami at naupo sa receiving area ko sa office.

"What brings you here anyway?" I ask them


"Grabe ha, namiss ka namin syempre, oh wait" sabi naman ni Cleah at may inabot sakin na isang envelop at box " an invitation and pasalubong" sabi niya

Kunot noo ko itong tinanggap. Upon opening the letter, nanlaki ang mata ko sa nabasa

-PRIMERO AND DE VERA- Nuptial


Tinignan ko si Cleah at sa sobrang taka ay halos di na ako makapag salita. Tumango tango siya habang malaki ang ngiti sa labi.

"YES SIS! Cleah De Vera is GETTING MARRIED " halos pasigaw ni Christa na sinabi. Siya na ang nagsalita dahil mukang walng gustong umimik samin ni Cleah.

"Omg! Seryoso ka? Hala!" nagsigawan kami sa sobrang saya at excite. Sakto namang pumasok ang aking sekretarya at binaba ang aming meryenda.

"Dolly, please clear my sched on July 24" sabi ko na ikinagulat naman ng aking sekretarya


"Ok mam" sabi niya at umalis na.



"So...kelan ang bridal shower?" tanong ko



"It will be on July 22"



I look at my Calendar, oh nice 1 month nalang ikakasal na ang bruha kong bff.


"Oh and by the way, I think may homecoming next week, punta ka?" tanong ni Christa sakin.

Napakunot ang noo.

"Talaga? Well, Im not sure---" she cut me off

"Oh you better come you bruha, if you're thinking about HIM well yes pupunta siya but hey, it's been 5 years right? Move on na sesh"

Tumango naman si Cleah


I burst out in laughing.

"Wooh my gosh" sabi ko habang pinapaypayan ang sarili dahil sa katatawa "Ano ba, tapos na yon. It's over. What I mean is di ako sure sa sched ko kasi may ipapatayo akong bagong business kaya di ako sure if makakapunta ba ako" I explained.

"Oh okay but you better come, okay? I miss us you know." sabi ni Christa.


Kumain na sila ng meryenda at natahimik naman ako habang napaisip sa mga sinabi nila.

but yeah

it's been 5 years.

------
Trust me, I promise I'll make it worth it.

Matilda (Montemayor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon