IV

727 17 0
                                    

5 years ago

"Hay bes, ilang taon nalang magtatapos na tayo ng kolehiyo" sabi ni Sophia samin habang andito kami sa isang mumirahing kainan malapit sa aming paaralan.

"Ang tanong , gra-graduate ka ba?" sabay sabay naman kaming humalakhak sa sinabi ni Christa. Umirap si Sophia at uminom ng tubig bago magsalita ulit.

"Ang epal mo no? Basag trip, ah basta kung kayong dalawa" sabay turo niya kay Cleah at Christa na nakikinig naman sakanya habang kumakain kami "mag bu-business abroad, kami naman ng bff ko" sabay yakap niya sa braso ko "ay mag bu-business ng Cosmetics Line, oh diba tapos papangalanan naming Kolorete de Marikit" sabi niya habang nakatingala.

Tumawa naman ako sa itsura niya kaya naman napalingon siya sakin at ngumuso "Nako mukang may ibang plano na pala tong bff ko, nakakatampo ha nagseselos na ako kay Marcus" sabi niya at nagpalumbaba sa lamesa ng biglang sinuway siya ni Cleah

"Huy masama yan,ibaba mo kamay mo" suway ni Cleah, umirap naman si Sophia. Tumawa na kaming lahat sa inaasta niya.

Inakbayan ko siya "Hindi ko naman po kasi boyfriend si Marcus, kaibigan ko lang siya tsaka isa pa nagpapatulong ako sakanya sa Stat e alam mo namang mahina ako sa numbers" sabi ko sabay halakhak "Kaya wag kang magseselos dahil tuloy parin yung dream company natin" sabi ko.

"Yes!" saad niya na para bang nanalo sa lotto. Umalis na kami dahil ilang oras nalang ay pasukan na namin. Sabay sabay kaming pumasok ngunit nung pangalawang subject na ay umalis na si Sophia dahil isa siya sa mga miyembro ng mga Student Council.

Pagkatapos ng second period sa hapon ay uwian na pero dahil may mga assignments pa kami ay nagpasya kami nila Cleah at Christa na tapusin nalang ang assignments namin dito.

"Di ko talaga maintindihan, ang hirap naman" sabi ko. Grabe naman stat, isang pagkakamali lang sa pag round ng numbers mali na lahat. Kairita.

"Buti pa kayo di nahihirapan sa stat" sabi ko at pinatong ang kamay ko sa lamesa, andito kami sa soccer field nakaupo sa isa sa mga lamesahan dito. Buti pa dito sariwa ang hangin.

"Haynako hintayin mo nalang din yung bff mo na galing sa Engineering Department, mas magaling mag turo yon e, mas natututo din kami sakanya no kesa kay Sir Agdipa" sabi ni Christa.

Tumawa naman ako. Sakto namang may umupo sa tabi ko at naamoy ko kaagad yung isang mabangong amoy na panlalaki.

"Tss, 15/40" sabi niya sabay kuha sa papel ko.

Inirapan ko siya. Mukang disapponted ha, ang hirap kaya tsaka limited time lang binigay samin kainis.

"Sorry naman ha, hirap e" sabi ko at nagpalumbaba sa lamesa.

"Di bale" sabi niya at binaba yung papel ko at inakbayan niya ako. "Ituturo ko ng paulit ulit sayo para di ka na bumagsak sa activities mo" sabi niya na may halong pang aasar.

Ngumuso ako kasi nakakabaliw naman na yang stats na yan kainis ha

"Aw, kawawa naman yung baby ko" sabi niya sabay halakhak. Kainis ha, inalis ko yung pagka akbay niya sakin at kinusilapan ko siya.

Tinignan ko naman yung dalawa sa harap ko at naka ngising aso din sila. Pinanlakihan ko sila ng ng mata at nag aligaga naman sila na para bang nagbabasa. Umiling nalang ako.

"Oh bakit?" tanong niya sakin ng mapansin na tahimik ako

Umiling ako kasi naman, kapag ganto yung kapaligiran tas mahangin pa at di gaanong maaraw ay mapapatitig ka nalang sa kawalan.

Nagulat ako ng bigla niya akong pinaharap sa kanya at hinawakan ang aking muka at tinitigan ako ng sobrang lapit.

Kunot noo ko siyang tinignan. Ang weirdo din ng isang to, kinakalas ko yung kamay niya pero mas lalong humigpit yung hawak niya sa pisngi ko na para bang ginagawa niya akong bata.

Hinawakan ko ang kamay niya "bakit? may dumi ba ako sa muka?" tanong ko habang naka duck face.

"Totoo ba na nanliligaw sayo si Rojan?" tanong niya na mas lalong nagpalalim ng aking kilay. Inalis ko ang kamay niya sa muka ko at buti nalang ay inalis niya na din yon.

"Hindi a, sino ba nagsabi sayo?" tanong ko habang hawak hawak ko yung pisngi ko.

Nakatitig parin siya sakin habang naka tukod ang kamay niya at nakapalumbaba siya.

"Edi yung pinsan mong si Christian, nagulat nalang ako ha at nagsumbong sakin dahil yung isa dito di manlang nagsasabi sakin" sabi niya.

Kinusilapan ko siya at tinignan ko ulit yung dalawa sa harap na ngayon ay nakikinig saming dalawa, tinignan ko sila at mukang alam na nila ang gagawin nila.

"Haynako Marcus, di yon totoo, assumero namang haliparot yon, pinahiraman lang ng libro manliligaw agad" sabi ni Christa sakanya kaya naman ay naagaw niya ang atensyon nito.

"Alam mo di rin kami papayag na ligawan niya tong alaga ko no, bilang ate sakanilang lahat, sakin muna siya magpapaalam pero di parin ako papayag, sus playboy yon no di yun papasa sakin" sabi ni Cleah na ikinangiti naman ng mokong na to.

"Tama! Walang sino man ang makakapag ligaw sayo ng di dumadaan sakin. Naintindihan mo? Kung manliligaw sila dapat mas magaling sila sakin sa Math, kung kaya ba nilang higitan ang GPA ko sige" sabi niya sabay akbay sakin.

Nagtawanan naman kami.

"Matilda!" sabay sabay kaming lumingon sa nagtawag sakin. Ngumiti naman ako ng makitang si Sophia pala yon at tumatakbo papunta samin.

"Oh bakit?" sabi ko, huminto naman siya tapat namin at ng nakita niya si Marcus ay ngumiti ito sakanya bago bumaling sakin.

"Anjan na si Mommy mo" sabi niya , nanlaki ang mata ko at agad inayos yung gamit ko.

"Hoy aalis na ako ha anjan na pala si mommy" paalam ko sakanila ng tumayo ako

"Sige ingat ka bessy" sabay na sabi nung dalawa, si sophia naman ay nakatingin lang sakin para bang inaantay ako

"Halika hatid na kita kay tita" sabi ni Marcus na nakatayo na din pala.

"Ah ako na ang maghahatid sa--" di na tinuloy ni sophia yung sasabihin niya dahil pinutol siya ni Marcus.

"May kukunin pa kasi ako sakanya na Assignment niya sa Stats e kaya ako nalang maghahatid sakanya" pabalik balik ang tingin ko sa dalawa at halata naman ang gulat sa muka ni sophia kaya wala siyang nagawa kundi tumango at ngumiti.

Niyakap ko siya at nagpaalam na.

"Pano ba ya dito nalang ako" sabi niya ng nasa gate na kami. Naka park sa gilid yung sasakyan namin.

"Osige, heto pala yung notebook ko anjan yung assignment pero di mo naman kailangang sagutan lahat kahit gawan mo nalang ng explanation na simple ok na yon" sabi ko

"O sige sige, ingat kayo" sabi niya at kumaway na

Nilingon ko siya bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

-----
Trust me, I promise I'll make it worth it.

Matilda (Montemayor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon