XXII

529 15 0
                                        

Text Mate




"Punta ka ba mamaya?" tanong ni Cleah.

Nasa cafe kami ngayon kasa ko si Christa at Cleah. Nakauwi na din ako kahapon. At hindi ko mapigilang ngumiti tuwing naalala ko ang kahapon. Kung marupok ako mas marupok si Marcus. Isipin mo yon, isang please ko lang nakauwi ako agad,tsk, pinagmaneho pa ako.

"Hoy! Aba!" sigaw ni Christa.

Napakurap ako at ngumiti sakanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong nila

Uminom ako ng ice tea ko bago tumango.

Ganon din sila "So as I was saying, pupunta ba kayo mamaya?" tanong ni Cleah.

"Anong meron?" tanong ko

Tapos biglang napunta sakin atensyon nung dalawa "Sabaw ka girl?"

"Gaga, Alumni Home Coming, sa School, 6pm start" sabi ni Christa.

"Hindi e" agad kong sagot.

"Sa pagkaka alam ko di ka naman busy this week" parang bubuyog na pabulong ni Christa.

"May lakad ka ba ng 6 pm?" tanong ni Cleah

"Ahm.. I guess" naiilang kong palusot.

Tumunog ang cellphone ko, sila naman ay nagkibit balikat at nagchimisan muna.

Unknown:

Congratulations! Ang iyong sim ay napiling magwagi  ng 1 Million pesos. To claim your money please reply to this number. Thank you!

Natawa ako sa nabasa ko. Pag ito pinagtripan ko pabalik baka siya ang magsisi. Ilang beses na akong nakatanggap ng gantong message. Mga bugok.

"Huy sino yan?"tanong ni Christa at sinisilip ang Cellphone ko.

"Scam nanaman" natatawa kong tugon sabay pakita nung message.

Binasa maman nung dalawa.

"Oh nagmessage ulit" sabi ni Cleah, tinignan ko at meron nga

Unknown:

Maligayang Araw, ka-Forever. Nag expire na ang iyong load. Gusto mo ba ulit maextend o magregister ulit, sa aking puso? Text 'Ang gwapo mo' for YES or text 'I LOVE YOU' for NO.

Ang di sasagot, 10 years of badluck!

Tang...in....a???? Ano to lokohan?

Nagreply ako

Ako:

Ang ganda ko

Hayop na yan.

Maya maya pa ay nag reply agad ito.

Unknown:

Mam? Foodpanda po ito. Andito na po order niyo.

Ako:

Wrong send po kayo.

Unknown:

Mam, masarap po itong order niyo, fresh and hot. Bawal po tanggihan ang grasya. Libre pa po, wag na kayong mag alinlangan pa.

Ako:

Ano ba yan kuya?

Mga 5 minutes bago siya mag reply.

Unknown:

Engineer Marcus Caspian Antonino, Cum Laude.

Halos maibuga ko pa yung iniinom ko na ice tea.

Matilda (Montemayor Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon