👤 13 👤

5 3 0
                                    

Namgyeojin Herom's P.O.V

Day by day new memories, another smile, another heartache,another monthsarry-- I-I mean another month!!


"Sooooo, here is the list of honor!!" Excited na sabi ni Ma'am.


Since, hindi naman ako honor nung elementary ay hindi na ako umasa, saka isa pa hindi ko alam kung nagawa ko yung best ko hehe,alam kong ginagawa ko naman sa oras yung mga schoolworks ko hindi nga lang best..dahil nga sa mga up and down na life experience ko dito sa NorthZy.



So i'm not expecting anything,pero baka naman hehe...



After isulat ni Ma'am



Ahh okay, sige, honor ako..


H-honor ako?!



"Congrats to all the honors and for those who didn't made it I know that you did your best. Always remember that the grade doesn't matter to be called smart." Nakangiting pahayag ni Ms. Reynandez.


"So, here's the schedule of our recognition practice.." isinulat naman ni Ma'am sa kabilang bahagi ng board ang schedule namin.


}}}



Thankfully 3 days lang ang practice,ay na ko baka magsawa akong umakyat sa stage nyan.


Tamadin pa ako, bahala kayo...


Kakauwi ko lang pagkatapos ng huling practice namin, sa susunod na araw na ang recognition day namin and boom! Second year na ako.



Pero no friends pa rin..



Hayaan na nga bakasyon at ang init ng panahon muna ang intindihin!


Actually bilang lang sa kamay ko ang boys na nakapasok sa with honors,at hindi isa doon si Bleaks.



Eh ano nga bang pake nyo? Wala naman,sinasabi ko lang.



I am wondering kung ano-ano yung mga ginawa kong nagpapasok sa akin sa honor...ugh whatever.



Si lola ang magsasabit ng medal sa akin dahil uuwi sila ngayon! Actually kanina pa umalis si daddy para sunduin sila. Habang kami ni mommy ay naghahanda ng miryenda.



Isang busina ang nagpalingon sa amin ni mommy. Parehas kaming pumunta sa labas, binuksan ni mommy ang gate para makapasok ang kotse sa garahe.



Nakangiti naming sinalubong sina lolo at lola, dumiretso kami sa sala para mag kwentuhan at kumain.



"Lola, kayo magsasabit ng medal ko ah??" Sabi ko.



"Syempre, aba'y hindi ko naranasan umakyat noon sa mommy mo HAHAHAHA" Mahinang hinampas ni mommy si lola,mahirap na baka biglang madis-locate ang mga buto..


Jk..


}}}



Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Nahihilo akong tumayo at dumiretso sa cr para maligo.



Nakangiti akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Light make-up lang naman so I can manage.



Pagka-baba ko ay maingay na kitchen ang sumalubong sa akin. Tawanan at kwentuhan ang almusal kasabay ang umuusok na kape sa hapag.



Ang suwerte ko sa kanila..perpekto na sana ang buhay ko kung meron lang akong mga kaibigan--pero it doesn't matter now. Friend is just a temporary, I should focus my attention to my family. Marami pa akong makikilala.



Matapos ang agahan ay pumasok na si daddy, hindi sya pwedeng lumiban ngayon dahil may importante silang gagawin pero sure namang makakauwi sya mamaya para i-celebrate ang honor ko.



Oo,wala ako sa 1st o sa 2nd o hanggang pang 5th, pero proud na proud sila sa akin. Kahit nga siguro hindi ako honor ay proud pa rin sila sa akin as long as makakapasa ako..



Nakarating na kami sa school,kita ang saya sa mga mata. Sa eskwelahan yung mga hirap na mararanasan mo may tatlo kang patutunguhan, una, pwede kang magsimula ulit sa una, pangalawa, pwede kang mapunta sa next level pero wala kang makukuhang star, at huli,lahat ng paghihirap mo masusuklian katulad ngayong araw. Andami naming nagtagumpay gaano man kataas o kababa ang rank namin, the fact na may kapalit yung mga paghihirap namin.




Makalipas ang ilang minuto ay magsimula na rin ang seremonya. Tumunog ang pamilyar na tugtog at kami'y nagsimulang umakyat upang ipakilala.




Hindi ko na namalayan ang mga nangyari sa saya ng pakiramdam ko,hindi ko naman first time ma-honor it's just that hindi lang pinalad last school year.




Or maybe iba lang talaga itong pinasukan kong school na kahit anong sakit pa ang ipadanas sa akin, hindi ko na yata kayang umalis pa. Sa tuwing iniisip ko yung mga time na masaya kami,kasama ako,belong ako may part sa'kin na bakit ko iiwan 'tong mga to?



Para sa isang iglap nandito na kami sa labas ng gym at nagkakagulo para sa group picture.



"Asan na ba si Ash Ley Ward?! Ako'y nangangawit na" hanap ni Kristy kay Ash habang may hawak na cellphone para sa picture.



"Teka lang, nasaan na yung mahiwagang liptint ko." Stress na sabi ni Shae habang binubuklat ang maliit na pouch na dala nya.


"Ano matutuloy pa ba tayo? Nangangawit na panga ko dito." Nakangiting puna ni Leyann(Ley-an).



Kalauna'y natuloy din ang pagkuha namin ng litrato. Na naging sanhi ng isa sa magagandang alaala na binabalik-balikan ko.



Sa pag-uwi namin ay nasa bahay na si daddy at ready nang umalis. So, I hurridly change my clothes and go downstair. They didn't say anything kung saan kami kakain kaya i'm kinda excited.










Enjoy!!

- 1mgnry_Grl

Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon