Namgyeojin Herom's P.O.V.
} FLASHBACK {
"Mag-usap nga tayo." Kumuha sya ng upuan at umupo ng pagkalapit-lapit sa akin.
Sumandal na lamang ako sa upuan para lumayo. "Ano gusto mong sabihin?"
"Gusto ko lang tanungin kung ayos ka lang. Pinatayan mo kasi ako ng tawag." Nag-isip pa ako saglit kung ano ang tinutukoy nya. Ahh nung araw na iyon.
"Ah wala 'yon." Umiwas ako ng tingin ng tinitigan nya ako.
"Narinig ko sila mommy, alam ko ang nangyari." Seryosong sabi nya at ramdam na ramdam ko pa rin ang titig nya. Kaya naman hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanya.
Concern ba sya?
"Wala ka na don."
"Maaapektuhan ang grade mo, saka lalo ka nilang lalayuan nyan kasi sa totoo lang ay dumoble yung personality na pinapakita mo."
"Alam ko." Walang pakialam na sabi ko.
"Gyeojin, listen to me--" pinutol ko na ang iba pang sasabihin nya.
"Bakit ba nangingialam ka pa sa akin?! Bakit concern na concern ka ha?!" Naiinis na sabi ko.
Naiinis ako kasi nangingialam pa sya sa problema ko! Eh ano naman kung pinapabayaan ko na ang sarili ko? Sa akin lang naman yon makaka-apekto ah!
Natahimik sya ng matagal bago bumuntong hininga. "Gyeojin, ayoko ng dumagdag sa mga problema mo pero siguro ito na yung time para sabihin sa'yo na hindi ko naman talaga sinubukang mag move-on." Natulala ako sa sinabi nya.
"Baka naman sinasabi mo lang yan para lang mapa-gaan ang pakiramdam ko? Sorry hindi gumagana." Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay naririnig nya ang lakas ng pagtibok ng puso ko.
"You know what? Napaka manhid mo talaga!" Nakangusong reklamo nya. Nanatili naman akong tahimik dahil pa rin sa tibok ng puso ko na parang kakawala sa katawan ko.
Umaasa na sana totoong hindi sya nag move-on, ng sa gayon ay may pag asa pa ako.
"Ito seryoso na. Siguro naisip mo nga na naka move-on na ako, kaya ka pumayag na ilibre ako noh? Without knowing that I still like you and I just stopped showing how I feel." Sincere na sabi nya.
"Bakit mo ginawa yon?" Kalmado kong tanong.
"Para malaman ko kung mamimiss mo ako at para malaman ko kung parehas tayo ng nararamdaman sa isa't isa. Worth it naman eh, 'di ba?" Tinaas-taas pa nya ang kilay nya na tila tinutudyo ako.
Tsk, halata ba ako? Hindi naman ah.
Hindi ako nakapag salita kaya tumawa na lang siya ng mahina. "Alright, so kailan mo balak mag confess sa akin? Para naman mapag handaan ko." .
"Ngayon." Nawala ang ngiti nya at napalitan ng gulat na ekspresyon.
"Bibigyan kita ng 10 seconds para mag handa." Naaaliw akong panoorin ang namumulang pagmumukha nya ngayon.
BINABASA MO ANG
Left Behind
Novela JuvenilIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...