Namgyeojin Herom's P.O.V.
Umagang-umaga ay pumasok ang adviser namin para i announce ang mga honor for this year. And gladly, I am one of them. Hindi ako nag-eexpect ng kahit ano, 'di ba sabi ko naman sa inyo ay magkaroon lang ako ng mga kaibigang ituturing akong totoo ay panalong panalo na ako.
Ngayon kasi ay gumaan yung pakiramdam ko. Kasi kahit papaano ay naramdaman ko kung paano magkaroon ng kaibigan. Kaya siguro tumaas rin ng kaunti yung rank ko though it didn't matter. Is because pag-aaral na lang ang problema ko.
"Magpapakain ba ang babe ko??" Natigil ako sa pagsusulat ng lecture dahil sa pag-akbay ni Shide sa upuan ko..
"Hindi" sabi ko at binalik sa pagsusulat ang atensyon.
"Bakit ikaw ba ang babe ko? Uy ikaw ah! Yieeee.." pinilit pa nya akong kiniliti ngunit wala naman akong kiliti sa bewang.
Napahiya ako don ah! Nakakainis naman kasi 'tong si Shide eh! May Mitch na nilalandi pa ako!
"Gago! H-hindi a-ako makahinga!!" Nilingon ko si Shide sa biglang pagsigaw nya.
HALA! MAY SAKIT BA SYA SA PUSO?!
Lumingon ako sa buong room, para namang hindi naman sila interesado kung mamatay si Shide, seriously?!
Tumingin ako kay Shide dahil may tinuturo ang nanginginig pa nyang kamay.
"S-s-s-si-si..." nilingon ko ang tinuturo nya si Bleaks na sobrang sama ng tingin sa kanya.
"Pi-pinapatay nya ako ng t-tingin nya." Tinignan ako ni Bleaks, tinaasan naman nya ako ng kilay at inirapan. Attitude 'to ah.
Naalala ko tuloy ang mga pinagsasabi nya nung prom night namin, bago nya ako inuwi sa bahay.
} FLASHBACK {
Namgyeojin Herom!!" Nahinto ako sa paglabas ng gym dahil sa lakas ng tawag ni Bleaks.
Nakakakaba naman...
Nauna syang naglakad sa akin kaya agad akong sumunod kahit ilang beses na akong natipalok sa bilis nyang maglakad.
"Tsk! So clumsy!" Hinawakan nya ang braso ko at inalalayang umakyat sa hagdan at pinaupo sa kalagitnaan ng hagdan.
Nandito kami sa hagdan papunta sa mga room kung saan walang tao at medyo madilim.
"P-papasundo lang ako kay mommy." Awkward kong sabi at muntik pang mahulog ang cellphone ko sa kaba.
"Kahit i-text mo sya hindi pupunta mommy mo dito." walang emosyong sabi nya. Natigil ako sa pag-text. Hala! Kinidnap ba nila si mommy para hindi nya ako masundo?!
"Nagpaalam ako na ihahatid kita pauwi."
"Ah okay. So, ano gusto mong sabihin?" Mahinang tanong ko.
"Anong karapatan mong makipaglandian! Ha?! Sa araw pa na umamin ako sa'yo!" Hala oo nga no! Isang taon na pala simula nung umamin sya sa akin. Tapos ni hindi man lang ako niligawan or ano...HOY! HINDI NAMAN AKO NAG-EEXPECT NG ANO ah...ng lebel perooo...aish! Nevermind! NEVERMIND!
BINABASA MO ANG
Left Behind
Novela JuvenilIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...