👤 14 👤

10 3 0
                                    

Namgyeojin Herom's P.O.V

BAKASYON NAAAAAA!!


I mentally scream after I woke up.


Inabot ko ang aking cellphone at ngingiti-ngiting nag-cellphone.


Sarap sa pakiramdam na gigising ka sa umaga na alam mong wala kang pasok noh?

At dahil first day ng bakasyon namin,marami na namang mga pwedeng gawin ang pumapasok sa utak ko. Mostly talaga is for myself,building my confidence, loving myself, basta about sa sarili ko.


Since walang pasok,bakit maliligo pa? Charrr


Bumaba na lang muna ako para mag-agahan,mag-isa. Tulog pa yata sila lola at pumasok naman na sila mommy.

Nagluto na lang ako ng sunny side up at sinangag para sa amin nila lola. Kumain na ako dahil nagugutom na ako. Pagtapos kumain ay agad na akong naligo.

Buong linggo kong inayos ang mga dadalhin ko para sa Baler trip namin. May kasama kaming iba sa kagustuhan ni lola, kaibigan nya doon sa probinsya na dito rin pala nakatira ang ibang pamilya kaya isasama namin.


No problem naman sa amin yon, lalo na kung may kasamang ka edaran ko, para naman may ka-vibe ako.





}}}




The long wait is over!!


Nagising ako ng 12 midnight at handa ng umalis. Wearing my simple shirt and short, I walk inside the van half sleep. So, as of now I don't really care kung sino ang tinutukoy ni lola nung nakaraan na kaibigan nya na kasama namin ngayon.


Pagka-upo ko pa lang ay nagsuot na agad ako ng headset at natulog na ulit ako na parang walang nangyayari.



12:51 am ay nagising ako at tumitig lang sa labas. The dark sky with a full of stars meets the silent of the ground, collide... The peacefullness I've been waiting,I've been craving for..



Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa labas, naramdaman ko na lang na may sumandal sa balikat ko. Ang alam ko ay katabi ko si lola kaya hinayaan ko na lang sya at natulog na lang din.



Nagising ako dahil nabibigatan na ang balikat ko nag- kusot na muna ako ng mata bago lumingon kay lola--















Naitulak ko ng malakas ang ulo ni Bleaks na feel na feel ang pagsandal sa balikat ko habang nagse- cellphone. OO SI BLEAKS!! ANONG GINAGAWA NYA DITO?!



Tinanggal ko ang headset ko at pinigilan magsalita ng malakas,ang tahimik kaya dito sa loob ng Van. Ang ginawa ko ay tinitigan ko na lang sya,hindi makapaniwala.



"What??" Nakangising mahinang tanong nya.



"Anong ginagawa mo dito?" Tinignan ko naman kung sino ang katabi nya,yung kapatid nya.



So..sila yung tinutukoy ni lola? Kaya ba nakita ko rin sya sa probinsya?? Whaaaaaaaaaa!



"Am I not allowed here? Besides, we're married." Tinalikuran ko na lang sya sa kadahilanang wala ng masabi.


NAKAKAINIS NAMAN!


NAKAKAINIS TALAGA!



4:45 am na kaya naman hindi na ako natulog dahil malapit na rin kami,sumama na ang mood ko. Bakit kasi?!



Anong kasalanan ko earth?!


Bakot nyo ako pinaparusahan ng ganito?


Nandito na kami sa part na paikot-ikot tapos pataas, actually kanina pa kami dito sa part na 'to. Na inakala nilang naliligaw na kami.


At exact 6 am ay nakarating na rin kami at naghahanap na lang ng parking. Kating-kati na akong lumabas na halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Imbis yata na mag-enjoy ako ay baka ma stress pa ako dito ng sobra-sobra!


ANO NA ANG GAGAWIN KO?!



"Come on in,let's eat breakfast first." Pumasok kami sa tutuluyan namin. 2nd floor ang aming tutuluyan, may limang double deck na kama at dalawang cr ang nandoon sa loob at sa labas naman ay ang lutuan. Sa pinaka dulo ay may glass na sliding door patungong balcony na tanaw na tanaw ang dagat.



Sa pagpasok nila ay kanya-kanyang lagay na sila ng bag sa kama, kaya tumakbo na ako sa pinaka-huling double deck kung saan malapit ang pinto ng balcony at inihagis ang bag ko sa itaas.


"Bleaks, find a bed." Tinignan ko si Bleaks na nasa pinto pa na nagtatanggal ng sapatos at may subo-subo ng hotdog sa bibig.



Hindi ko na sinayang pa ang oras ko kakatingin kay Bleaks,naiinis ako,kaya lumabas na lang ako sa sliding door kung nasaan ang balkonahe. Tumatama na sa mukha ko ang sinag ng araw na hindi pa masakit sa balat.



Huminga ako ng malalim at umupo sa pang dalawahang upuan,dahil iyon lamang ang naka-harap sa dalampasigan. Mayroong maliit na lamesa sa bandang likuran nitong inuupuan ko at unan na maiit na pwedeng upuan.


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagmuni-muni doon. Naramdaman ko na lang na may nagbaba ng kape sa glass na lamesa na naka-attach sa railings sa harap ko at umupo rin sa kanan ko.



Tahimik kong kinuha iyon at inilipat ang tingin sa bandang kaliwa ko. Ito yung time na kahit paghinga ay ayokong gawin dahil baka marinig nya...in short ang awkward!


I usually not talking in class so imma sit here and do nothing but to sip my coffee..



"Ehem" pekeng pag ubo pa nya matapos ang ilang segundo at umayos pa ng upo.


"You know that I have a feelings for you,right?"



"Really? Baka naman nati-thrill ka lang sa'kin kasi I'm not the typical talkative girl there or I am a code and you just wanted to decode me." Sagot ko na hindi pa rin sya tinitignan. Matinding katahimikan ang namutawi sa amin.



So, I guess I am right.



"You seems very close,huh?" Sabay kaming lumingon sa likod kung saan isa-isa na silang umupo para mag-agahan.



}}}




"Blian! Bilisan mo, lalabas naaa!" Sigaw ni Bleaks sa harap ng cr kung nasaan ang kapatid nya na nagpapalit ng damit pangligo.



"Bleaks! Linisin mo ang cr,ah!" Paalala ng mommy nya.



"Let's go, Gyeojin" Bumaba ako mula sa double bed at sumunod kay mommy.



We are going to swim,but it seems like I lost my interest now.  But again, I don't have any option but to enjoy..



Gusto ko na lang maging patatas.


Naka-baba na kami ni mommy at pumunta muna sa tent na nasa harap ng tinutuluyan namin,nandoon na sila lolo at lola,pati na rin ang kaibigan nya.


Iniwan ko ang beach sandals ko pati ang cardigan na tumatakip sa aking suot na black short shorts and black na sports bra. Saka, tumakbo na parang tinatakasan ang lahat ng problema, kahihiyan, at mga kamalian na aking nagawa.



Nang kaya ko na ay nag dive ako pailalim, hindi ko naman sinasabing professional swimmer ako ah, laking youtube lang 'to noh.



Napapaligiran ako ng maliliit na isda,peaceful crystal blue water, and coral reefs that it makes me want to be a mermaid and live here forever.



Matapos ang ilang minuto ay umahon ako dahil nawawalan na ako ng hangin. Isang ngiti ang bumalatay sa aking labi, tanda na nagtagumpay ako, nalagpasan, at ito nakatayo pa rin.









Enjoy!!
- Imaginary_Girl

Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon