Namgyeojin Herom P.O.V
(Nam-gyo-jin Hirowm)"Sama ka? Kakain lang tayo!" Aya ni Shae.
"Uuwi ako eh,next time." Nakangiting sagot ko.
"Okie." Nilapitan naman ni Shae si Kathrien (Katri-yen).
"Ikaw Kathrien? Sama ka na bilis! Ito naman minsan lang eh!"
"Ayoko! Uuwi ako,malalagot ako sa ina ko." Sagot nya.
"Eh 'di pagpapa alam ka namin! Kami-kami lang din naman kasama mo!" Hindi na ako nakinig sa usapan nila at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa.
}}}
"You may take your break!" Lumabas ang teacher namin kaya nagsilabasan na rin ang mga classmate ko.
"Tara kain! Shae(shey)! Loivy(loyvi)!" Naglabasan sila at dinaanan ako na parang isang kaluluwa. Malapit kasi ang upuan ko sa pintuan.
Hinihintay kong tawagin nila ako. Nahihiya kasi akong sumabay ng hindi nila alam,parang nakiki vibe na lang ako para masabing kabilang ako sa kanila.
Bumuntong hininga ako at yumukyok na lang sa lamesa.
}}}
"Okay! Find your own groupmate with 5 members! I'll be back!" Nilingon ko agad si Angel na kausap si Irine(Ayrin).
"Angel! Buo na kayo?" Alam kong nag uusap na sila para sa groupings.
"Ay oo kila Ash tanong mo kung complete na sila." Tumango naman ako at tinanong agad sila Ash.
"Complete na. Sila Shae yata kulang pa." Tinuro pa niya si Shae.
"Raine! Complete na kayo?" Mag best friend kasi sila ni Shae kaya sure akong magka group na agad sila.
"Hala oo nga si Gyeojin. Sayang kompleto na rin kami eh." Parang nanghihinayang na saad ni Shae.
Nakangiti naman akong tumango.
So it will be me and boys again.
}}}
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
"HAHAHAHAHA"Nakangiti akong sumunod sa kanila. Hindi ako maka relate kasi hindi naman nila ako sinama kagabi.
"Si Kathrien kasi ayaw pang sumama!"
"Kami na nga magpapaalam eh!"
"Ayoko! Tinatamad nga ako eh HAHAHA!"
Ako, kung niyaya nyo ako sasama ako. Walang pagdadalawang isip.
Natawa nalang ako ng mapait at sumunod sa kanila.
}}}
Nakangiti kong sinalubong ang mga tinuturing kong kaibigan. First day of school, syempre 'miss na miss nila ako hehe'
"Gyoejinnn!" Kinawayan nila ako kaya nginitian ko lang sila at sumabay sa paglalakad papuntang gym para sa ceremony.
Matapos nila akong tawagin ay hindi na nila ako kinausap. Ganyan lang,sanay na ko.
4th year na pala ako..
Apat na taon rin pala ano?
Apat na taon ko na palang pinapatunayan yung sarili ko sa kanila..
Apat na taon ko na din palang pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanila..
Apat na taon na pala,hindi ko namalayan. Naubos yung oras ko kakaisip kung paano ba maging importante sa kanila,paano ba maging isa sa kanila, actually ako talaga ang problema...
At ako lang ang dapat na sisihin dito.
Enjoy!!
- Imaginary_Girl
BINABASA MO ANG
Left Behind
Roman pour AdolescentsIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...