Namgyeojin Herom's P.O.V
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse, first day of school na naman! Ihahayag ko na naman ang buhay ko sa harap ng klase!
Habang naglalakad ako sa bagong room namin ay nag- bell na, kaya tumuloy na lang ako sa gym at umupo na muna ako sa bagong puwesto rin namin habang naghihintay.
May mga natigil na rin sa pagbabasketball nang dumami ang tao sa gym. Nagulat na lang ako ng tumabi ang pawis na pawis na si Bleaks.
Simula nang umuwi kami from baler ay wala na akong balita sa kanya, pero I think naging mas close kami?
"Ohh so nandito na ang Mrs. Ocampo, kaya pala naka- 3 points kanina," at nagtawanan pa sila. So, hindi pa nila nakakalimutan yon?
"Sinabi ko sa kanila na nagkasama tayo sa Baler." bulong nya habang nagpupunas ng pawis. Sinamaan ko sya ng tingin at tila may pumipigil na magsalita sa akin na parang mahuhuli nila ako.
Noong nasa baler kami ay halos kaming tatlo nila Blian ang magkakasama dahil tila may sariling mundo ang pamilya namin, nung pangalawa o huling araw namin doon ay pumunta kami sa falls, na kaming pito lang ulit dahil kakaiba ang daan doon, bago naman umuwi ay dumaan muna kami sa iba't- ibang tourist spot doon, kagaya nung sa balete ba tawag doon? I forgot hahaha at ang Museo de Baler.
Pero hanggang sa pag-uwi ay tumabi pa rin sa akin si Bleaks! Naiirita na nga ako sa pagmumukha nya dahil lagi nya akong inaasar para daw sigawan at hambalusin ko sya!
"Hi, Gyeojin!!" At tulad noon, nginitian ko lang ulit sila.
"Kailan ka ba dadaldal!" Inuga-uga pa ako ni Shae na mahinang tinawanan ko lang.
"Huh! Napaka-daldal kaya niyan! Amazona pa!" Reklamo ni Bleaks at tinuro-turo pa ako.
"Pano mo nalaman??" Tanong ni Ash.
"Shhh mag-asawa thingy HAHAHAHAHA" nag loading muna sila bago tumango-tango at magtawanan.
Napangiti rin ako, ito na ba? Simula na ba para i-push ko ulit yung sarili ko sa kanila? At ilabas kung ano talaga ako? Kasi sabi ni Bleaks sa akin, ako rin mismo ang naglalayo ng sarili ko sa kanila.
Hanggang ngayon kasi ay natatakot ako sa sasabihin ng iba kapag inilabas ko yung natural na ugali ko. Natatakot ako na layuan at katakutan ng marami. Hindi naman sa sobrang sama ng ugali ko,pero habang nagpapalipat-lipat yung chismis, nababago yung kwento, nababago yung description,tama?
My thoughts are getting deeper and deeper na hindi ko namalayan na naka-upo na pala ako sa classroom namin at hinihintay na lang ang adviser namin.
Tumingin ako sa paligid, parang walang nagbago, alone pa rin ako. I am always left behind.
}}}
3 days na simula nung nag-umpisa ang klase, nag simula na rin kaming mag lesson at espesyal ang araw ngayon para sa akin.
Kinakabahan at naeexcite ako habang iniisip kung paano nila ako babatiin, since alam na nila last year na gantong date ang birthday ko, inaasahan ko na matatandaan nila iyon.
Pero iba ang nangyari wala ito sa inaasahan ko. Pagkapasok ko sa room ay parang normal na araw lang iyon para sa kanila, sabagay sino ba naman ako, isa sa kamag-aral lang naman nila.
Lesson learn : never expect, never assume.
Nawalan ako ng sa mood,pero hindi ko iyon pinahalata, dahil magaling naman ako mag pretend pinanatili kong straight ang mukha ko.
"Oy Gyeojin birthday mo pala! Happy Birthday!" Nakangiti naman akong nagpasalamat sa bagong dating na si Loivy.
"Oo nga nakita ko sa Facebook, Happy Birthday!" Sabi naman ni Shane at nagpasalamat ulit. Bago magumpisa ang klase ay nakabati na lahat ng 'kaibigan ko' at ilang lalaki yung iba ay wala namang pakialam.
Nang dahil sa Facebook, nalaman nila na birthday ko. Haha salamat ng marami Facebook.
Paano kaya kapag binago ko yung date no'n? Siguradong ang mga totoong nakakakilala lang sa akin ang hindi babati dahil hindi naman talaga iyon ang araw ng kapanganakan ko.
"Goodbye class, see you tomorrow." Sabi ng teacher at nagsi-takbuhan na sila palabas,para kumain sa canteen.
Hindi nila ako niyaya, hindi ako sumunod at sumama, kaya wala talagang mangyayari. Katulad ng sabi ni Bleaks and speaking of Bleaks, hindi sya pumasok ngayon.
May mga natira naman dito sa room at isa na ako doon. Palihim akong nagbuntong-hininga at inilabas na lang ang cellphone para makita ang mga bumati sa akin sa Facebook.
}}}
Gustong-gusto ko na umuwiiii!!
This day is just nothing to everyone who I thought they cherish, care, and love me as a friend. Pagkatapos nila akong batiin ay wala na. Hindi naman sa nag-eexpect ako ng iba, pero yun bang kausapin nila ako like 'bakit ngayon birthday mo?' 'Baka naman napulot ka lang sa gedli?' 'Pa libre ka naman' Masaya na ako sa ganon.
Pero wala, should I give up? Again? Teka, ilang beses na ba akong sumuko? Pero kapag nakakakita ako ng mga rason para lumaban eh, umaasa pa rin ako sa wala.
Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ko nung after life at pinaparusahan ako mentally.
"Okay, that's all for today, goodbye class!" Nagpaalam na si Ma'am kaya naglabasan na naman sila na tila ngayon lang nakalabas after 35 years of their existance.
Nakisiksik na rin ako at dire-diretsong naglakad papuntang gate, nadaanan ko si Kathrien together with Irine, nadaanan ko rin na sila Shae at Raine na mabagal na naglalakad palabas, pati na si Loivy na hawak ang cellphone..
Bumuntong-hininga ako at mas binilisan pa ang paglalakad paalis, napaka-bigat sa pakiramdam. Pero hayaan na nga, isang tulog lang toh, then okay na ulit, ngingiti na ulit, ganoon lang ang buhay ko, masasaktan ako at ako rin mismo ang gagamot doon. Because I have nothing but myself, me, and I.
Kaya minsan proud ako sa sarili ko eh, kasi ang tapang-tapang ko. Kaya kong kontrolin yung emosyon ko, kaya ko i-handle yung mga bagay, kaya kong kumalma at mag-isip nang tama.
I am proud that I am brave at the age of 13. And braver now at the age of 15.
Pagka-uwi ko ay nagpalit na agad ako ng damit dahil kakain kami sa labas, but kaming tatlo lang nina mommy at daddy dahil umuwi na sila lola sa province before the first day of school.
}}}
At the end of the day I am still happy.
I reminded myself that it is just a bad hours,minutes,or even a second but not a bad day.
Enjoy!!
- 1mgnry_Grl
BINABASA MO ANG
Left Behind
Teen FictionIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...