Namgyeojin Herom P.O.V
Tuwing normal na araw ay maayos ang buhay ko, wala masyadong nangyayari, at hindi masyado kailangang makipag komunikasyon.
Pero heto ako at namomroblema na naman dahil sa papalapit na teachers day,dahil may program din kami para sa mga teachers. Means no classes for that day.
Suot ang p.e uniform lumabas ako ng trysikel at pumasok na sa school,at pag may gantong mga program we are not allowed to eat lunch outside, dahilan nila ay dahil yung iba ay tinatamad ng bumalik,yon ang history non.
Saktong nag-bell na kaya dumiretso na ako sa gym kung saan gaganapin,actually lagi ko ng sinasakto ang dating ko dahil,dahil gusto ko.
Iniwan ko ang bag ko katabi ng mga bag ng kaklase ko kung saan kami pupwesto mamaya.
Tahimik akong pumila at nakipag-usap nang ako'y kanilang tinanong.
Matapos ang flag ceremony namin ay pinaupo na kami sa area namin para simulan ang programa.
Katabi ko si Angel na kadaldalan si Loivy na katabi nya sa kaliwa,ako yung nasa kanan nya.
Habang nagsasalita ang prinsipal namin ay nagpapanggap lang akong bored na bored, wala kasing kumakausap sa akin,kumbaga ako yung pinaka gilid.
Merong nakaupo sa likod ko at kaliwa ko pero ibang section na ang katabi ko sa kanan,di ko naman close kasi bago pa lang naman ako, wala pa akong masyadong kilala dito.
So yun na nababagot na ako dito hanggang sa namalayan ko na lang na nagtayuan na sila, indikasyon na lunch time na.
Sumunod ako kila Kathrien na papunta sa canteen para mananghalian. At dahil not allowed lumabas maraming tao sa canteen. Nawala sila sa paningin ko,hindi ko alam kung saan sila kumuha ng seats kaya pumila na lang ako para makabili ng pagkain. Kesa magmukhang tanga kakahanap sa kanila.
Ilang sandali pa ay nakabili na ako ng pagkain at humupa na rin ang mga estudyante kaya kita na ang mga lamesa,natagpuan ko sila sa dulo ng canteen,marami sila mga nasa pito siguro na may mga boys din at nagsisiksikan sa isang maliit na lamesa,wala pang pagkain sa harap nila.
Ngumiti ako ng mapait at naghanap na lang ng bakanteng upuan,naki upo ako sa mga elementary student since patapos na silang kumain.
"Uy nandyan ka pala." Nginitian ko lang si Kathrien ng makita nya akong kumakain mag-isa. May gusto pa sana syang sabihin ngunit itinikom na lang ang bibig at dumiretso sa lamesa nila.
Minsan kasi napapagod na rin akong isiksik ang sarili ko,pero hindi ako doon sumuko. Lagi kong sinasabi sa isip ko na kabilang ako sa kanila, kabilang ako sa seksyon na iyon, kasama ako. Wala silang magagawa kundi tanggapin ako.
Napapagod na ko to the point na minsan hinahayaan ko na lang.
Ito naman nung botohan ng mga mamumuno sa school namin. No classes din tapos half day naman.
Maaga akong pumasok noon at nakihalubilo sa room,tanungan ng mga iboboto,mga rason nila kung bakit yun ang iboboto,tapos syempre support as classmate iboboto namin yung mga classmate naming sumali.
Maaga kaming nag break time kaya today nakikiayon sa akin ang kalawakan,kasama ko silang mag almusal.
"Anong kakainin natin?" Dumungaw kami sa mga nakahain ngayong umaga.
"Kanin?" Tanong pa ni Angel. Kaming tatlo lang nila Angel at Loivy ang magkakasama.
"Napaka aga namang kanin." Sumang-ayon naman ako kay Loivy, saka bago kasi ako pumasok ay talagang kumakain ako,kaya kahit papaano ay busog ako.
"Eh di sopas na lang yun lang naman available na almusal eh." Napagka sunduan namin iyon kaya 'yon ang kinain namin.
Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na rin ang votings namin.
Lima-lima kami kung papasukin sa room at habang naghihintay ay nandoon muna kami sa gym at nagpapalipas ng oras.
Bawal gumamit ng cellphone kaya kung ano na lang maisipang gawin hanggang sa tinawag na kami.
Sabay-sabay kaming pumunta sa room kung saan kami maaaring bumoto. Tahimik sa loob ng room habang bumoboto kami.
As a good student syempre yung alam kong makakabuti at makakaganda ng school ang ibinoto ko.
Napansin kong lumabas na si Loivy,tapos nang bumoto. Kaya medyo binilisan ko na ang pag sulat ng mga pangalang ibinoto ko. Dahil kung mahuli man ako, I mean ako na lang ang maiiwan sa loob. Siguradong hindi nila ako hihintayin.
Sabayan lang kaming natapos at doon natatapos ang botohan namin.
It went well.
Kaso natatakot ako eh. Natatakot akong maging sobrang saya,kasi baka bukas maging malungkot naman ako.
Ilang ulit ko ng napatunayan iyan,halos araw- araw nga eh.
Weird ko no?
Ang saklap noh?
Enjoy!!
- Imaginary_Girl
BINABASA MO ANG
Left Behind
Genç KurguIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...