👤 3 👤

12 6 3
                                    

Namgyeojin Herom P.O.V.

We need to be strong,for us to keep going,for us to survive,and for us to left without regrets.




Nalalapit na ang intrams lahat ay excited lalo na ako na first time makasali sa intrams, nagpalista ako sa badminton dahil yun lang naman ang kaya kong laruin.



Nagtagal pa ng ilang araw ang paghihintay ko bago dumating ang araw na ito.


Suot ang jersey uniform na para sa section namin pumasok ako at hinanap agad ang mga kaklase kong mga naka upo sa bench na malapit sa gate.


Syempre naki-upo na rin ako doon at tumunganga, hinihintay na magsimula.


First day of intramurals namin,pageant lang. Wala pang mga laro.


Matapos ang halos isang taon nag bell na rin sa wakas.


Dumiretso kami sa gym kung saan gaganapin ang pageant..


Kahit na halos masira ang eardrums ko ay muntik na akong makatulog sa sobrang boring.



Grabe..

}}}



Kahit papaano ay naging maganda ang intrams ko,naramdaman kong belong ako,isa ako sa kanila.


Nakakagaan ng pakiramdam.



Pero hanggang doon lang iyon,dahil matapos ang intrams back to normal na.

Hindi na nila ako niyayaya,hindi na nila ako kinakausap lalo na kapag di nila ako kailangan, sanay na ko 'di ba? Bakit nasasaktan pa rin ako?


Dahil ba nagpakita ulit sila ng motibo na parang pwede pa? Na may puwang ka pa? Tapos pag hindi ko na ulit naramdaman iyon, masasaktan ako at sisisihin ko na naman ang sarili ko. Sasabihin ko na naman sa sarili ko na..



'You didn't do you best!'



'God already gave a chance to change your fvcking life! Yet you still fvcking afraid to take a step!'



'You are a failure!'


'Give up already!'



I kept cursing myself that time,feeling dumb, alone,and hurt.


}}}



Pumasok ako sa school saktong bell para mag flag ceremony,nilapag ko muna ang bag ko sa isang gilid dito sa loob ng gym bago humalo sa pila.



Matapos ang nakakaboring na ceremony ay pina balik na rin kami sa room.



Kinuha ko ang bag ko sa gilid at patakbong hinabol sila Angel na naglalakad na pabalik sa room. Ni hindi nga yata nila naramdaman na pumasok ako eh.


Sa totoo lang inamin ko na rin sa sarili ko na may mali rin ako. Kasi ako yung tipo ng tao na hindi kayang mag first move lalo na kung magsisimula ng conversation. Ako rin yung taong kahit kausapin,limitado lang din ang isasagot, masisisi nyo ba ako? Ayoko lang magkamali pagsumagot ako,natatakot akong ma judge.



Gusto ko lagi kong naaabot ang mga expectation nila para tanggapin nila ako,para akong uhaw sa atensyon,ngunit sa magandang dahilan at hindi dahil sa mga issue o mga pagkakamali ko.



Alam kong mali iyon, pero it takes time for me to realize na hindi sa lahat ng oras kailangan kong maging perpekto para sa kanila, na hindi ko kailangang patunayan na kaya ko iyan para lang maging kaibigan or What so ever ko sila. IT TAKES A LOT OF TIME.





Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon