👤 18 👤

3 1 0
                                    

Namgyeojin Herom's P.O.V.


Sa nakalipas na buwan, hindi ko masabi kung naging masaya ba ako o hindi dahil pakiramdam ko ay lalo lamang lumayo ang loob ko sa kanila.




Pero nakuntento ako. Gumaan at nabawasan ang bigat na dala-dala ko. Yung pag aalala kung sino ang makakasama o makakausap ko sa araw na iyon ay nawala at yung pagpupumilit ko na makasama sa kanila ay nabawasan.




Sana pala hindi ko na lang inisip na maging isa ako sa kanila, sana hindi ko na lang inisip yung mga sinabi, sinasabi, at sasabihin nang iba, dahil sa huli ako rin naman ang masasaktan, ako lang rin naman ang makikinabang. Bakit ako nakinig sa iba??




Hindi naman maling makinig sa opinyon ng iba. Siguro nga ay tama yung sinasabi nilang kapag kulang ay masama or kung nakinig ka lang sa sarili mo ay masama, kapag sobra ay masama din or kung nakinig ka lang sa mga taong nakapaligid sa iyo ay masama din, kailangan mong maging neutral o kailangan mong makinig sa sarili mo pero dapat cono-consider mo rin yung opinyon ng iba..





}}}





Sa pagdilat ng aking mata, screen ng cellphone agad ang nakita ko. Sa pagbangon ay pag ligo agad ang nasa isip ko. Sa paglabas ng banyo dito na ako nagsimulang lamunin ng aking mga pang araw-araw na problema, bumabagabag sa bawat galaw ko, iniisip kung sino ang makakasama sa bawat araw na tila malalagutan ng hininga kung ako'y mag-isa lamang.




Siguro kahit na matauhan ako o sabihan ako tulad ni Bleaks ay hindi ko kayang mag first move, isa akong mahiyaing species na kinulang ng langis ang bibig kaya hindi masyadong gumagana.






Ako'y tulalang kumakain mag-isa rito, dahil maaga kung umalis ang mga magulang ko. Nakakapag- emote pa ako joke hahahahaha..




After I ate my breakfast, lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang sakayan ng trysikel. Oh 'di ba logic lang ah kailangan ko ng trysikel at ako mismo yung pumunta sa sakayan, kung mag-aabang kaya ako sa harap ng bahay namin mayroon kayang hihintong trysikel para isakay ako??




Sa pinaka maliit na ginagawa mo, hindi mo lang na rerealize na may pinapahiwatig,may sinasabi o yon na mismo ang solusyon sa problema mo.


Inabot ko ang bayad at tuloy-tuloy lang sa pagpasok. "Wala daw balik." Nilingon ko ang nagsalita, si Bleaks. Sumasabay sa bawat pag hakbang ko patungo sa room namin.




"Ahh okay." Tila balewala kong sagot pero deep inside ay nagpaparty party na ang mga organs ko.




"Tsk, 'di tuloy kita makikita." Hindi ako sumagot kasi hindi naman patanong ang sabi nya.



"Oy oy oyy, sabay pumasok! AyieeeeeeeeEeee!!" Pigil ko ang tawa sa mga hitsura nila, tila mga binudburan ng asin kalalaking tao.





}}}






After ng break time namin ay napag alaman nilang wala ang next teacher namin at walang iniwang activity!



The freedom they wanted.



"Tara!" Kabilaang rinig ko at sa isang iglap, kaming girls na lang ang naiwan sa room.



"Lalabas pa, ki init-init." Iritang sabi ni Irine habang ngumunguya pa ng pagkain nya.




"Oo nga parang mga ita yon eh." Panggagatong pa ni Shane habang nag-iikot sa buong room.




Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon