Namgyeojin Herom's P.O.V.
Habang nagpapractice kami ng sayaw para sa Prom namin sa friday ay nandito kami sa gilid dahil breaktime namin.
"Tara bili tayo? Ang init!" Nagsitayuan sila Loivy kaya nagmamadali kong kinuha sa bag ang wallet ko na binili ko para sa amin ni Angel.
Sumunod ako sa kanila sa canteen at bumili rin ng softdrinks.
"Mountain Dew nga po." Sabi ko sabay abot ng bayad.
"Gyeojin, yan ba yung binili nating wallet? Yung nilibre mo ko?" Tanong ni Angel. Tumango naman ako at sumipsip sa inumin ko habang hinihintay ang iba na makabili.
"Nawawala yung akin." Nalungkot ako. Akala ko kasi papahalagahan din nya iyon tulad ko. Akala ko lang pala.
"Bumili pala kayo! Hindi nyo sinabi."
"Ang daya naman." Mga kunwaring nagtatampo pa ang iba.
Pero hindi na mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Angel. Porket ba libre ay okay lang na mawala iyon? Na hindi dapat iyon pahalagahan? Hindi kaya, hindi naman talaga nya ako tinuturing na kaibigan kaya okay lang na mawala yung mga bagay na kumokonekta sa amin? Gaya nga nung magkaparehas kami ng wallet, yung friendship bracelet na isang araw lang nilang sinuot, yung mga pangakong nakalimutan, at marami pang iba na hindi ko na mapangalanan pa.
Here we are again, overthinking like this is a big deal.
Hayyy
}}}
Wearing my black prom gown na longsleeve sa kaliwang kamay at sleeveless naman sa kanan and below the knee sa harap at hanggang talampakan naman ang haba sa likod. Lumabas ako ng kotse at nagpaalam kay mommy.
Sa gate ay marami ng mga studyante suot ang kanilang magagandang prom dress.
"Namgyeojin," nagulat ako sa bumulong sa kanang tenga ko. Si Bleaks!
"Bakit?" Tanong ko na hindi pa rin sya tinitignan.
"Tila ka pupuntang lamay HAHAHAHAHAHA!" Seryosong sabi nya saka tumawa ng sobrang lakas. Pigil na pigil ko ang sarili na saktan si Bleaks!
"Lamay mo ang pupuntahan ko kung ganon."
"I feel so special naman pala, naka gown ka pang pupunta sa lamay ko." Umirap na lang ako kahit hindi nya nakikita. Tuloy-tuloy lang akong pumasok at nakasunod pa rin sya, I don't mind though.
Ilang minuto na kaming naghihintay ay wala pa rin ang iba namong kaklase kaya nagkwentuhan nalang kami. I am comfortable with him and I think because of that Baler trip.
"Tagal naman nila. Gusto mo maupo?" Tanong nya.
"Hindi ayos lang." Sagot ko.
"Kunawari pa 'to! Tara upo tayo." Marahan nya ako hinatak sa braso at umupo sa bakanteng bato na upuan dito sa labas ng gym.
Makalipas ang ilang minuto ay may tumugtog sa speaker. Love story by : Taylor Swift.
"May dala ka bang cellphone?" Tanong ni Bleaks.
"Meron, bakit?" Takang tanong ko, hihingin nya ba number ko?
"3 minutes and 29 second ng Love Story" nagtaka ako sa sinabi nya.
"Ano?"
BINABASA MO ANG
Left Behind
Teen FictionIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...