Namgyeojin Herom's point of view
Nagtagal ako sa ilalim sa kagustuhang doon na tumira. Umahon ako saglit para kumuha nang hangin at lumangoy palapit kila mommy.
Sa gitna ng paglangoy ay nawalan ako ng focus dahil sa naramdaman kong may humawak sa paa ko, nagpupumiglas ako at nakakalunok na nang tubig. Bago pa ako mamatay ay,nakalanghap na ako ng hangin.
Umubo ako nang umubo at lumingon sa kung sino ang humatak sa akin ng umayos ang pakiramdam.
"BLEAKS! KUNG GUSTO MO AKONG MAMATAY! SANA BINILISAN MO PARA KONTING SAKIT LANG!" Sigaw ko na pinagsisihan rin agad dahil narinig nya yung boses ko na sumisigaw.
"Gusto lang naman kitang lunurin ng pagmamahal ko eh." Sabi nya at ngumuso.
}}}
After ang eksenang iyon ay napagpasyahan nilang kumain sa malapit na restaurant.
"Ate Gyeojin! Paabot nang hipon.." paki-usap ni Blian na katabi ko. Agad ko namang inabot ang isang bowl na puno ng hipon.
"Hoy maka-utos naman toh! Gyeojin, paabot nung kanin." Utos ni Bleaks na katabi ng kapatid nya matapos palihim na binatukan ang kapatid..
"Ikaw nga dyan! Maka-utos akala mo naman close kayo.." natigil na pag-abot si Bleaks sa sinabi ni Blian.
"Oh anong eksena iyan?" sabay-sabay kaming lumingon sa mommy ni Bleaks na hindi pa rin kinukuha ang kanin sa akin.
"Pamagatan nating 'paabot' HAHAHAHA" Sabi ni daddy na may hand gesture pa atsaka sila nagtawanan.
Nalukot ang mukha ko at pilit na inabot kay Bleaks ang kanin. Ang sakit tuloy ng braso ko!
Hays.
}}}
1 :30 pm ay nakabalik na kami sa tinutuluyan namin, gusto ko ulit lumangoy kaso sobrang init! Pero mamaya ay aarkila kami ng yate at pupunta sa gitna ng dagat para mag-snorkeling.
So ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko, sina lola ay tulog na napagod siguro, habang sina mommy ay nagkukwentuhan sa balkonahe.
Sina Bleaks at Blian ay naglalaro sa ibaba ng kama ko. Habang ako ay nakatingin sa kisame. Makagala nga! Bumaba ako ng kama, hindi man lang napitlag sa paglalaro sina Bleaks kaya mapayapa akong nakalabas.
Suot ang simpleng beach dress na kulay light brown, sandals, at dirty white na beach hat, bumaba ako.
Sumalubong ang init ng araw sa akin paglabas nang aming tunutuluyan, gusto rin magpa-tan skin eh. So, hindi ko talaga alam kung saan ang hangganan nito kaya nagsimula akong malakad sa kanan ko.
Sa may bandang matatamaan ang paa ko ng tubig ako dumaan, kung titignan sa malayo ay para akong sad girl na nagdadrama dahil nagpa-change oil yung boyfriend ko.
Ilang minuto akong naglalakad at tila wala itong katapusan,baka naman matunton ko na ang huling bahagi ng Aurora?
Aish! Makabalik na nga!
Habang naglalakad naman pabalik sa tinutuluyan namin, nakakita ako ng scramble!
Kinapa ko ang aking bulsa, baka umorder ako na walang dalang pera, ay nako po!!
"Kuya,isa nga pong tig-20 pesos" at iniabot ko ang aking bayad.
"Kuya, dalawa pong 20." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses,dahil pamilyar.
"Sinusundan nyo ko noh?!" Sabay hampas sa balikat ni Bleaks.
"Oo at---" natatarantang tinakpan ni Bleaks ang bibig ng kapatid.
"Asa ka naman!" Well,narinig ko na ang sinabi ni Blian atsaka hindi naman pwedeng nagkataon lang kasi medyo malayo ito sa tinutuluyan namin.
"Ito na po" matapos kong tanggapin ang Scramble ko ay hinintay ko na yung dalawa, since maghahanda na kami para mag snorkeling.
}}}
"Hanggang anong oras tayo??" Tanong ni Blian habang inaayos ang gear nya.
Ako ay naka-ayos na at hinihintay na lang ang sasakyan namin. By the way,hindi naman kasama sila lola kaya pito lang kami.
"6:30 to 7 pm ay dapat nasa bangka na kayo, malinaw?" Maotoridad na bilin ng ina ni Bleaks sa aming tatlo
Habang papunta kami sa may bandang gitna,or sa malalim na bahagi ay pinapaalalahanan kami sa mga dapat at hindi dapat naming gawin.
"Everyone! Tingin dito!" Nagpicture-picture muna kami bago lumubog sa tubig.
Ito na naman, yung pakiramdam na you are safe and sound. You feel the freedom, hapiness, problem free, and love.
May naisip ako! Hindi kaya sirena ako nung past life ko???
Makalipas ang ilang oras sa ilalim ng tubig at medyo dumidilim na rin ay umahon na ako.
Pagka-ahon ko ay nasisinagan na ako ng papalubog na araw, kay gandang pagmasdan.
Lumapit ako sa yate namin at nandoon na si Bleaks kasama na ang mga nag-guide sa amin kanina na nowhere to be found na. Baka nasa loob lang or naki- snorkeling din sila.
Inalalayan ako ni Bleaks sa pag-ahon at tinulungan tanggalin ang tangke na nasa likuran ko.
"Anong oras na?" Tanong ko habang naghahanap ng tuyong tuwalya.
"6 : 16 pm" sagot nya, hindi na ako nagsalita pa at umupo na lang kung saan masisinagan pa rin ako ng araw na papalubog, ang sarap kasi sa mata at pakiramdam.
Eto na siguro yung bakasyon na hinahanap ko, away from everything! Everything! Except Bleaks who sit beside me and handed me a hot chocolate.
"Thanks" mahinang sabi ko at humigop.
"Ibang-iba ka kapag nasa school, parang gusto mong maging alone na hindi, tahimik na once may sabihin ka, makikinig sa'yo lahat, napaka-mysterious mo kapag naka-upo ka lang sa upuan mo at pinagmamasdan ang magulong klase, na may bored expressions" mahabang litanya nya at tumawa ng mahina.
Wala akong nasabi. Kasi hindi naman nya talaga ako gusto, sinabi na rin nya mismo. Nahihiwagaan lang sya sa akin. Ngayon na lumabas na yung tunay na ako sa harap nya, magiging ganon pa rin ba yung 'nararamdaman' nya??
"And?" I want to hear more, tell me more...
"Siguro kaya ganoon na lang yung behavior mo sa school, kasi tinanim mo na sa isip mo na kapag nandito ako ito dapat yung ipakita ko,yung ikilos ko, hindi ka dapat magkamali sa sasabihin mo kasi pakiramdam mo na kapag naka-offend ka, iiwan ka nila, itinanim mo sa isip mo na ang paaralan ay para lang mag-aral"
"tapos one time I saw you staring at the girls leaving you behind, Your eyes tell that you are not happy, that you are always left behind, but in fact you chose not to be with them, you chose to sit and let them go.." huminga ako ng malalim.
"Can we not talk about that??" Pinatigil ko na sya bago pa ako maiyak dito. Oo, tama sya...
"Sorry, I think it is really uncomfortable to talk about."
I guess I chose the wrong path..
Enjoy!!
- 1mgnry_grl
BINABASA MO ANG
Left Behind
Fiksi RemajaIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...