Namgyeojin Herom P.O.V
Natatandaan ko pa noong grade 6 ako kung saan kailangan naming mag test para makapasok sa higher section para sa darating na high school namin.
"Sino pa?" Tanong ng teacher namin.
"Si gyeojin pa po." Lumingon ako sa kaklase kong binanggit ang pangalan ko.
Wala talaga akong balak na mag test kasi lilipat ako ng ibang school. Sa NorthZy Academy.
"Ahh okay,okay" Gusto kong mag protesta pero naisip ko rin na..we need to challenge ourselves. Kaya hinayaan ko na lang.
Dumating ang oras na kailangan na naming mag exam. I am elementary that time but I'm lonely already, I don't know what to do that time, to the point that I don't want to move.
But still I manage to surpass that.
After how many days lumabas na rin yung result, and I didn't expect na makakapasa ako 'cause I don't study the night after and as I said lilipat na ako ng school.
Pero nagdalawang isip ako. Kasi sayang din yung mga sinagot ko, but...I still chose NortZy Academy, just because.
}}}
First day of my high school at Northzy Academy, It went well, very well.
After ng ceremony ay pinapasok na kami sa sari-sarili naming room. May kakilala ako dito kinakapatid ko,buti nga classmate kami hehehe instant friend.
Sinundan ko lang sila, hanggang sa nag unahan silang pumasok sa room, syempre nakipag- unahan rin ako..baka maubusan ako ng upuan nakakahiya tumayo sa bandang likuran ano! Tapos tititigan ka pa nila! Nakakapanindig balahibo.
Napunta ako sa pinaka harapan, ayoko sa harapan pero no choice. Tahimik lang akong nakatingin sa harapan, maingay sila tila magkaka- klase na simula noon.
Pumasok ang teacher at tinawag ang katabi ko, na sa kabilang section talaga. So, bakante na yung upuan sa tabi ko. Nagtaka ako nang umingay sila ng tumabi sa akin ang isa sa mga nakatayo kanina.
Tila mga kinikilig.
Lalo akong nahiya sa nakukuha kong atensyon.
Ngunit kalauan ay pumasok na rin ang adviser namin. Kaya natahinik na rin sila.
Break time came and I was all alone.. I know that this scenario would come. So, it is not a big deal for me.
Natapos ang unang araw ko noon na nararamdaman kong magiging maganda at makabuluhan ito,sana nga.
My bithday came and it just 5 days apart from my first day here.
No one knows. But I just ignored it and spend my time smilling.
There is the time that they try to communicate with me,but im too stupid to decline those opportunities.
Nasa huli talaga ang pagsisisi noh?
Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Pinilit kong pakitunguhan sila,pinilit kong makibagay, pinilit kong alisin yung hiya ko.
Lagi kong sinasabi sa isip ko noon na 'kapalan mo naman yung mukha mo!'. Kasi halos dalawang buwan na ako noon pero wala pa rin akong kaibigan, mag isa pa rin ako.
}}}
We will be having a fun run!!
Naeexcite ako sa isang linggo. Dahil magkakaroon kami ng gantong klaseng activity!
Inabangan ko talaga ang araw na iyon.
Ngunit sa pagdating ng araw na iyon.
Mukhang hindi maganda ang kalalabasan.
Sinong kasama kong tumakbo?
Sino kasama ko hanggang finish line?
Sino kasama ko sa kwentuhan hanggang sa makarating kami doon?
Sino?
Sa totoo lang hindi ko naisip yon, nabulag ako sa pag aakalang magiging masaya na akala kong fun run ay naging sad run.
Pft.
So yun na nga, nandito kami sa ibaba ng bundok, dito kami mag sisimula,hindi naman namin tatapusin hanggang sa taas, hihinto kami sa isang public school dito tapos bibigyan ng tulong.
You know naman ang sitwasyon sa mga eskwelahan dito sa bundok.
Nagkaroon ng countdown noon,magkakasama pa kaming mga girls,kaming buong section.
"3!"
"2!"
"1!" Nagtakbuhan na ang lahat, nagkawatak- watak.
Ang natira na lang ay kaibigan sa kaibigan,paano naman akong walang kaibigan?
Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil pinagsiksikan ko ang sarili ko noon kila Raine at Shae.
Pareho lang silang transferee katulad ko. Pero nakahanap na agad sila ng sandala,ang isa't isa.
Gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil tila mali ang pakikitungo ko,mali yung mga napag aralan ko kung paano ba talaga makisama, bakit tila gusto ko pang sisihin ang Deped sa hindi paglalagay ng subject para sa mga katulad kong nahihirapan makipag komunikasyon sa iba.
Pakiramdam ko ako'y naiiba,ngunit dapat ay maging masaya ako 'di ba? Dahil naiiba ako?
Sa totoo lang ayokong maiba ako sa kanila, natatakot kasi ako,natatakot akong pag tuunan nila ako ng pansin,natatakot akong mapansin ng marami.
Ayoko ng pag usapan pa ang araw na iyon kung saan mag isa ako at tila kawawang nanghihingi ng tulong,ng kalinga gamit ang mata,pilit pinapaintindi sa kanila na.. natatakot ako.
Naaawa ako sa sarili ko,wala akong magawa noon, tila kontrolado ang paggalaw, natatakot na magkamali, pagtawanan at pag usapan.
Maaga pa lamang ay pumasok na ako sa araw na iyon dahil maaga ang flag ceremony namin. Ilang minuto lang akong tumunganga sa loob ng room bago nag ring ang bell.
Sumabay ako kila Kathrien na sabay-sabay na naglalakad papuntang court, at ako bilang out of place ay nakamasid at nasa likod lang nila.
Pilit kong isinisiksik ang sarili ko,pinipilit kong maging isa ako sa kanila,na nakakarelate ako sa mga sinasabi nila,para hindi maisip ng mga schoolmate ko na wala akong kaibigan.
Pag nasa school ako...ang tanging nasa isip ko lang ay ang sasabihin at iisipin ng iba,na kailangan maabot ko yung expectations nila, na magawa ko yung mga gusto nila.
Tila laging may naka tutok na baril sa ulo ko, na sa isang pagkakamali ko lang ay mamamatay ako. Tila laging may taling nakasuot sa leeg ko, na kapag ibinunuhos nila ang atensyon nila sa akin para pag usapan ay sumisikip ang tali. Tila ba laging may naka ambang patalim sa likod ko, na kapag ako'y nakatalikod ay palihim nila akong sinasaksak.
Pero hindi pa rin ako sumuko...
Enjoy!!
- Imaginary_Girl
BINABASA MO ANG
Left Behind
Ficção AdolescenteIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...