👤 20 👤

9 2 0
                                    

WARNING! Typographical and grammatical errors ahead!



Namgyeojin Herom's P.O.V.



Excited na ako para bukas na halos hindi na ako makatulog.


Tomorrow is another day for me to cherish, it's our fieldtrip day!


Since nung intramurals, mas naging close ako sa kanila, mas nakakasama ko na sila sa break or lunch, ito rin yung naging hint para hindi ako sumuko, para lumaban ulit, para masabi kong isa ako sa kanila.


Baka sakaling kapag pinilit ko pa ng kaunti, magkasya pa ako. Na may puwang naman pala talaga ako sa kanila.



Nung christmas party namin, isinali pa nila ako sa exchange gift nila since hindi uso sa school namin ang exchange gift pero hindi naman ipinagbabawal iyon. Pero hindi ko pa rin pwedeng iassume na tinuturing nila akong kaibigan.



Mahirap masaktan.


}}}



"Gyeojin! Marami ka bang pagkain na dala?!" Bungad ni Angel. Siya na naman ang katabi ko ngayon tulad last year. At dahil sa ganoong set up ay itinuturung ko na syang bestfriend or pinaka close ko sa kanila.


"Tagal naman. Nasaan na ba yung iba?" Nandito kami nila Angel at Ash sa gate para hintayin ang iba.



"Angel! Pumasok na kayo." Tinawag na kami ng adviser namin kaya pumasok na kami sa gym at hindi na hinintay ang iba.



"Gyeojin! Tabi kaya tayo?" Nakangising tanong ni Bleaks habang prenteng naka-upo kasama ang mga kaibigan nya.


Hindi ko na lang sya pinansin at umupo na lang sa harap nya sa tabi ni Angel.



"Hoy, tabi na tayo? Nagtatampo na naman baby ko." Kinalabit pa ako ng paulit-ulit ni Bleaks. Nakakahiya naman 'tong kasama. Sarap itulak palabas sa bus.


"May lebel ba kayo?! Maka baby naman toh! Yak ang corny mo!" Singhal ni Angel.

"Napaka bitter ni Angel HAHAHAHAHA.." Tawa pa ni Ash.

"Pila na!" Sigaw ni Ma'am kaya tumayo na agad kami. At pumila, gaya ng kinasanayan.




"Tara kain na kaya tayo? Parang nagugutom na ako." Pagkasakay na pagkasakay namin ay yan agad ang sabi ni Angel.



Sabagay sya yung tipo ng tao na hindi nag aalmusal eh.



}}}



"Pwede na raw ba?" Kanina pa sila handang-handa na bumaba.


Nandito na kami sa 2nd destination namin. Sa Venice Grand Canal. First time kong makakarating dito sabi nila hindi maganda, sa gabi lang daw maganda dito.

Pero nandito pa lang kami sa bus ay nagandahan na ako sa mga estruktura sa paligid. Kung gaano kalinis yung paligid, yung mga pinturang tumutugma sa bawat isa, yung sinag ng araw, at yung mga tao. Grabe nandito lang pala kami sa Taguig akala ko ay nasa Italy na kami.




Maya-maya lang ay pinababa na kami at walang pagdadalawang isip naman kaming sumunod. Sa pagtapak pa lamang ng aking mga paa, alam kong magiging masaya at memorable ito para sa akin at para na rin sa kanila. Na walang sawa kong babalik-balikan.



Binigyan kami ng dalawang oras para na rin mag lunch. Sa pagpasok namin ay  literal na mga store na makikita sa mga mall. Hindi namin kabisado ang pasikot-sikot nito kaya medyo naligaw kami, medyo lang.




Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon