Namgyeojin Herom P.O.V
"Gyeojin! Nandyan ka pa pala HAHAHAHAHAHAHA!"
Binalikan nila ako.
Palabas pa lang ako ng pinto ng cr. Should I feel important? Kasi binalikan nila ako eh haha..
Ayy oo nga pala. Naalaala ko na...
Nasa akin ang phone at wallet ni Angel,talagang babalikan nila ako haha.
Pero alam nyo yung maganda? Nakalimutan ko yon dahil sa saya at kaba na dulot ng mga pagsakay namin sa mga rides.
Pinaramdam ulit nila na....kabilang ako sa kanila.
At feel na feel ko naman hahaha..natatakot na ko, natatakot na akong maging masaya pero para sa araw na ito,pagsasawalang-bahala ko na lang muna.
Magsasaya ako hanggang sa matapos ang gabing ito, hindi iisipin ang kinabukasan.
Baka kasi ito na ang huli.
Limang oras lang ang time na ibinigay sa amin kaya hangga't may oras ay pumila kami sa lahat ng rides. Pero syempre sa mga makalaglag bituka ay umayaw ako. Sabihan nyo na akong kj pero hindi pa ko ready mamatay.
"Tara,kain muna tayo" aya ni Leyann. Pumayag na rin kami at tumungo na sa food court.
Lahat kami ay pumila sa Dairy Queen at isa-isang bumili. As usual,ako pinaka-huling naka-bili hehe.
Pero ayos lang,hindi naman batayan ang pinaka huling bumili para sabihing hindi ka na belong hindi ba?
Naupo ako sa tabi ni Ash at nakipag-kwentuhan na lang habang inuubos namin ang ice cream.
}}}
7 pm na ngunit nasa loob pa rin kami ng EK at bumibili ng cotton candy na ginto. Ang mahal kaya ng mga pagkain dito tapos not allowed pa mag dala ng food sa loob! Kaya tiis gutom at uhaw ang inabot namin.
"Ash! Kayo na lang ang hinihintay!" Natagpuan kami ni Ma'am na mabagal na naglalakad, ninanamnam ang bawat sandali.
"Ay ganon po ba,bilisan nyo para namang mga namamasyal!"
"Namamasyal naman talaga tayo ahh hahahahaha" binilisan na rin namin ang paglalakad dahil nakakahiya sa mga naghihintay. Mabuti na lang at medyo malapit kami sa exit kaya mabilis rin kaming nakalabas.
Pagpasok namin sa bus ay ang sasama ng tingin nila sa amin hehehe peace.
Sa pag uwi ay halos lahat kami ay tulog.
Well,pagod eh. Kontento,masaya,walang problemang iniisip eh.
Katulad din nila ako na nakuntento para sa araw na ito,kaya nakatulog rin ako.
}}}
Naging masaya ang christmas break ko. Nung unang araw ay inayos ko lamang ang mga dala at mga binili ko after ng fieldtrip.
Then, second day parang hindi pa ako makapaniwala na natapos ang araw na iyon. Gusto kong matapos na ayaw ko rin at the same time.
Pero isa lang ang masasabi ko, salamat kasi pinaranas nila sa akin ang ganon. Oo,simple lang yon, ang ibig sabihin lang niyon ay napaka simple lang din ng kasiyahan ko.
This time, malumanay ang tibok ng puso ko. Walang kaba,takot,pangamba,at pag aaalinlangan. At dapat lang iyon dahil magpapasko.
At dahil magpapasko, simbang gabi na! At taon-taon kong hinahangad na makumpleto ang siyam na araw para sa wish ko.
Na magkaroon ng kaibigan,kaibigan na hindi ako tatalikuran sino man ako,kaibigan na magtatagal, kaibigan na papahalagahan ako.
Pero wala, hindi ko nakokumpleto. Sa kadahilanang sobrang antok ko,oo aaminin ko na,na sobrang nakaka antok sa simbahan lalo na't wala kang kasamang bumuo ng siyam na araw. Minsan ko lamang makasama sila daddy magsimbang gabi dahil nago- overtime sila para makapag bakasyon kami kina lola sa darating na pasko.
Nag sign of a cross muna ako bago lumabas ng simbahan. 6 days na nang magsimula ang simbang gabi. At hindi ako naka attend kahapon.
Lumabas ako ng simbahan at nakipag-unahan sa tindahan ng bibingka. Ito na lang ang reward ko sa aking sarili tuwing natatapos ang misa.
Madaling araw ako nagsisimba dahil masarap simulan ang araw na ganito,napaka-banayad,kasama mo ang panginoon at iniingatan ka. Dahil worth it ka. Tandaan mo yan.
"Lets goooo!" Tumakbo ako papuntang sasakyan. Pupunta na kami sa probinsya ng lola ko para doon icelebrate ang pasko.
December 24 ngayon at mabilis lang naman ang byahe namin kaya kering-keri yan. Miss ko na tumambay sa tabing dagat,taon-taon lang kami nakakapunta rito dahil nga busy ang parents ko.
After 2 hours ay bumaba na ako ng kotse hila ang maliit kong maleta. Well, hanggang January 2 kami dito kaya maleta ang dala ko. Maliit lang naman. By the way, ang grandparents ko na pagtutuluyan namin ay sa side ng daddy ko.
"La,andito na kami" tawag ko noong makapasok kami sa bahay. Hindi naman ito masyadong kalakihan, sakto lang para sa kanila ni lolo.
"Ay jusmiyo,hali kayo at kumain,jusko!" Natarantang sabi ni lola.
Natatawa naman kaming umupo at kumain ng tanghalian. Matapos niyon ay nagkuwentuhan lang sila,habang ako ay nagpaalam na lalabas lang.
Hindi man puti ang buhangin ay namangha pa rin ako sa aking nakikita ng paulit-ulit. Napaka kalmado ng tubig ngayon at tirik na tirik ang araw, may mga kababaihan ring naglalaro sa gilid ng volleyball.
Umupo ako malapit sa tubig at pinagmasdan ang pakaligiran, ito ang tunay na bakasyon, napaka layo sa reyalidad kung saan masikip at nakakahilo ang bawat galaw ng nasa paligid mo,crowded,mga taong ang gusto lang ay maging masaya sa gitna ng masalamuot na katotohanan.
Natigil ako sa pagiisip ng may marahang tumama sa likod ko. Pag tingin ko ay ang bola na nilalaro ng mga girls kanina.
"Sorryyy.. gusto mo sumali?" Tanong ng humabol sa bola.
Sa maikling oras ay maling desisyon na naman ang naisagot ko. "Uhmm okay lang,next time na lang."
For the nth time sinisisi ko na naman ang aking sarili, lagi na lang. Alam ko sa sarili kong gusto ko yon,pabor sa akin iyon. Pero nangingibabaw na naman yung mga negative thoughts na bumabalot sa buong pagkatao ko, pinagtitibay ko na naman ang pader na naka palibot sa akin, na tila sa ganoong paraan napo- protektahan ang dignidad ko at the same time ay nasasaktan din.
"Gyeojin?" Napalingon ako ng dahan-dahan dahil pamilyar ang boses na iyon.
Nagulat ako at napatayo pa sa gulat. Anong ginagawa nya dito?
"Bleaks."
Happy NewYear! Enjoy!!
- Imaginary_Girl
BINABASA MO ANG
Left Behind
Teen FictionIn a circle of friend. There is one that always LEFT BEHIND. That's me. You probably thinking how boring and painful life of being left behind, you probably felt the same thing, and I think we couldn't do anything with that. (COMPLETE) Enjoy!! - Im...