👤 25 👤

5 2 0
                                    

Last 1 chapter before epilogue!! Thank you!!


Namgyeojin Herom's P.O.V.



Nabalik lang ako sa reyalidad ng matapos ang aming flag ceremony. Napabuntong hininga na lang akong sumunod sa mga kaklase ko. Panibagong pakikipag sapalaran na naman ito, pero this time ay hindi na ako natatakot.





Bakit? Sa dami ng pinagdaanan ko within 9 months, ngayon pa ba ako matatakot?





4th year na ako, ito na yung huling taon ko sa highschool, sabi nila masaya daw. Oo masaya, pero tila hindi ako nakuntento, may hinahanap ako, na parang nasaan ang fun doon?



Walang gana akong umupo sa nakita kong bakanteng upuan, walang pake kung sino ang katabi.




Last school year ay halos walang magandang nangyari sa akin, wala akong matandaan na nagsaya ako, na hindi ko namalayang 4th year na pala ako. Nung bakasyon naman, hindi ko ineexpect na makakabuntis si daddy sa ibang babae. Hindi ko matanggap iyon pati na si mommy kaya pinalayas na ni mommy si daddy.



Tuwing gabi ko lang binubuhos lahat ng pakiramdam na kinikimkim ko. Kasi ayokong magmukhang mahina, ayokong makita nila akong nahihirapan, sanay na akong nahihirapan, sanay na akong nasasaktan, kakayanin ko 'to.



Hindi ko nga alam kung kailan ako huling tumawa o ngumiti, ngumiti man peke iyon. Saka nandyan naman si mommy para bigyan pa ako ng rason para mabuhay.





Oo, minsan ko na ring naisip na magpakamatay na lang. Sobrang sakit kasi eh. Saka isa pa wala akong kaibigang pwedeng pagkwentuhan, kinikimkim ko lahat, sobrang bigat na gusto ko na lang sumuko.



Pero hindi pwede...



Naiiyak na naman ako tuwing naaalala ko ang araw na iyon.



"Ma'am, cr lang po." Nagtaas ako ng kamay at mabilis na nagpaalam, ni hindi ko na nga hinintay na sumagot si Ma'am eh. Konting-konti na lang ay tutulo na ang luha ko.




Agad akong pumasok sa cr at mahinang humikbi.




} FLASHBACK {




Walang gana akong pumasok ng bahay at sandaling naupo sa sala, sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang lalagnatin ako.




Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa aking mata na tila sanay na sa sakit.



Ngayong araw ay napahiya ako sa lahat ng marami matapos hindi makasagot sa tanong ng teacher, noong breaktime naman ay sumama ako sa kanila kahit na hindi naman nila ako niyaya at expected ko na hindi nila ako papansinin at hindi nga, para akong hangin gustong-gusto ko ng umuwi noon, gusto ko lumayo pero tiniis ko lahat ng kahihiyaan ko at umakto na walang gana noong time na yun, nung p.e namin which is our last subject. Pumunta kami sa court para maglaro ng nais namin. Umupo lang ako sa gilid at pinanood ang boys na maglaro ng basketball. Sila Angel naman ay nasa voleyball court at iniwan ang bag dito sa tabi ko. Ngumiti lang ako para ipakitang ayos lang.




Kaya hindi ko mapigilang malungkot ngayong nasa bahay na ako, prentending to be okay is hard.



"Ano 'to, Seen?!" Napalingon ako sa pababang si daddy habang sinusundan sya ni mommy na may kung anong hawak sa isang kamay, pumunta sila sa kusina ngunit rinig ko pa rin ang sigawan nila.



"Wala nga iyan!" Sigaw pabalik ni daddy.



"Anong wala?! Hindi ako ang gumamit nito, Seen!! Sabihin mo kanino 'to?!" Halata sa boses ni mommy na naiiyak na sya. Inihilamos ko ang palad sa mukha at madiing sinabunutan ang buhok.



Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon