👤 17 👤

5 2 0
                                    

Namgyeojin Herom's P.O.V.



Naiirita kong pinatay ang alarm ng cellphone ko. Tsk, araw-araw ko na namang maririnig iyan.


After 5 minutes ay tumayo na ako at dire-diretso sa cr para maligo. Today is another day for the month  of July, it means Nutrition month and meron na naman kaming program.



Pinangangambahan ko na naman ang makakasama ko sa maghapon na hindi ko namalayang nagbibihis na pala ako ng p.e uniform. Hay, 'wag na lang kaya akong pumasok?





At the end napagpasyahan ko na lang na harapin itong mga ikinababahala ko, dahil wala naman akong ibang choice.




}}}



Hingang malalim, kalma lang self.



Bakit nga ba kinakabahan akong mag-isa at walang kasama? Sa totoo lang ay ayos namang mag-isa, pero siguro ay ganoon na lang ang takot ko sa sasabihin ng iba like 'hala bakit alone sya?','wala ba syang kaibigan?','antagal-tagal na nya dito sa school mag-isa pa rin sya','mukhang kawawa pala kapag mag-isa noh?'.




Pero lagi kong kino-convince yung sarili ko na okay lang yan hindi naman nila ako kilala, atsaka ano bang pake nila sa akin?, hindi nila ako papansinin, yung mga gano'ng thoughts ba. Naglalaban sila sa utak ko, kaya wag kayong magugulat kapag tumatawa na ako mag-isa bigla dito.



"Gyeojin, wala pa ba sila?" Nawala lahat ng pangamba ko ng iapproach ako ni Loivy.



"Wala pa yata." maikling sagot ko, tinitimbang ang bawat salitang lumalabas sa bibig.



"Tara, doon natin hintayin sa gate." Marahan akong tumango at sumunod sa kanya sa gate kung saan namin sila hihintayin.




}}}




Nag-chat ang adviser namin na at exact 8:30 am ay magsisimula ang program kaya kumain na raw kami ng almusal.




"Tara kain tayo." Nagsunudan naman sila at syempre hindi ko na hihintayin na tawagin ako, sumunod na ako sa kanila kahit busog ako dahil kumain na ako pag-alis sa bahay.




Nahirapan kami sa paghahanap ng upuan dahil napupuno na ang canteen ng mga kumakain. Pero nakahanap pa rin kami, iniwan ang mga dalang bag at pumila para bumili ng pagkain.




At dahil nga busog ay lugaw na lamang ang aking binili, pati na rin sila Ash at Shane habang sila Angel ay kanin at ulam.





Habang kumakain ay hindi mawawala ang kwentuhan at tawanan, ganto, gantong eksena ang nagpupush sa akin na lumaban, na baka sakaling pag pinilit ko pa yung sarili ko, magkasya pa ako, na may pwesto pa pala ako.




}}}




Pagkatapos nang sobrang boring na program ay sa wakas!



Pwede na kaming umuwi, pero hindi dito nagtatapos ang kwento ko..



Niyaya nila ako! Bago yon haha..



Pero I think no choice lang sila since kasama ako sa usapan nila, at saka pumayag agad ako nung inaya nila ako. Hindi lahat ng girls ay sasama sa amin dahil sa iba't-ibang dahilan. Bale pito lang kami na pupunta sa Kangay na malapit lang dito sa amin.





Mukhang masaya naman sila na pumayag ako, i'm glad.




Sabay-sabay kaming pumunta sa gate at mag-aabang ng trysikel.



"Walang trysikel, nagugutom na ako!" Reklamo ni Irine.



"Tara lakarin na lang natin, pampagutom." opinyon ni Shane.




"Mag-isa ka!" Reklamo ni Leyann habang pinapaikot ang bench and bath sa kanyang kanang kamay niya at naka tanaw kung may dadaang trysikel na walang sakay.




"Mag-isa ka rin! Bye!" Kumaway si Raine at nagsimula na kaming maglakad.




"Yoks!" Wala ring nagawa si Leyann at sumunod sa amin.




Masarap palang maglakad na may kasama, na hindi mo namamalayan na nasagasaan na yung kasama mo --joke--hindi mo namamalayan na nandoon na kayo sa pupuntahan nyo.




Maingay kaming pumasok sa tahimik na Kangay. Nagtinginan ang mga tahimik na kumakain. Bigla ay nahihiya kaming nag hanap ng upuan.





"Nakakahiya naman kayong kasama." Ani ni Shae.



"Huy anong order nyo, nagugutom na ako" mahinang pinalo ni Irine ang lamesa ang paningin ay nasa pagkain na na kinakain nung ibang costumer. Mabilis naman naming binigay ang order namin at agad pumunta sa cashier para mag-order.



"HAHAHAHAHAHA naalala nyo nung..." nag kwentuhan lang kami hanggang sa matapos ang pagkain namin.





For them this is just a normal thing, but for me this is the most special day.I am so happy but..



What if after I smiled and laughed, it can be easily replace an Antonym words I felt that day?


}}}




1 week since that day, parang walang nangyari, ito na naman ako sa mga thoughts na hindi ko mapigilan. Paulit-ulit na para bang parte na iyon ng pagkatao ko. Hindi ko mapigilang mag-isip na 'bakit parang wala lang sa kanila iyon?', 'bakit hindi na nila ako niyayaya ulit?', 'hindi ba ako masarap kasama?', 'nasaan na yung pakiramdam na excited kayo sa bawat kilos ko?', 'nasaan na yung mga nakangiting mata na nagpapakitang ayos lang gawin ang bagay na iyon sa tuwing nag-aalangan ako sa isang bagay?' 'Nasaan at bakit?'






Sa haba ng oras na sinayang ko, dapat sigurong makuntento at tanggapin ko na lang na may mga bagay talagang hindi para sa atin, na may mga bagay na hanggang dito na lang talaga.



Huminga ako ng malalim, kinuha ang suklay at nagsuklay sa harap ng salalim. Kinukwestiyon ang sarili. Wondering why I became like this, hindi naman sila ang problema eh.





Ako, AKO yung problema.



Kasi if you really want something ikaw ang lalapit, ikaw ang kukuha, ikaw ang gagawa ng paraan. Hindi sila ang lalapit, hindi sila, AKO.




Huminga ako ng malalim at hinayaang magpalamon sa malamig na gabi, kung saan nakakahanap ako ng kapayapaan.




}}}






Sa paggising sa umaga ang tanging laman ng aking isipan ay ang mga mangyayari sa mga susunod na oras. Nakakabaliw na hindi ko man lang masolusyonan ang simpleng bagay, kung iisipin ninyo ay napaka- simple lang naman talaga.





Pero bakit ang hirap? Bakit tila dito na lamang umiikot ang aking buhay? Bakit kasi nila ako pini- pressure sa bagay na hindi ko naman kayang gawin? Sa bagay na nahihirapan akong gawin?






Sa pag daan ng mga araw, hinayaan ko na sila, hinayaan ko na yung sarili ko. Hinayaan ko yung sarili kong sumabay sa agos. Ang sarap pala sa pakiramdam kahit papaano.









Enjoy!!
- 1mgnry_Grl

Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon