MAINE
Masayang kumakain ng tanghalian si Maine kasama ng pamilya niya. Sabado ngayon at nakaugalian na nila na mag get together kapag weekends. Six months ago, lumipat na siya sa condo unit niya. Nakapag desisyon siya na humiwalay na ng tirahan sa mga magulang niya. Hindi ibig sabihin na ayaw na niya silang makasama pero she just wanted to be more independent. May sarili naman siyang trabaho at matagal na rin naman niyang balak talaga na gawin 'yun. Kasalukuyan silang nanonood ng TV habang masayang nagku-kwentuhan.
"Coleen, pakilipat mo nga sa Eat Bulaga.", utos ng Tatay Teodoro nila.
Nagkatinginan silang magkapatid sabay bulungan, "Meng, bakit biglang naging avid viewer yata si Tatay ng Eat Bulaga."
"Oo nga eh. Nagulat nga din ako.", sagot ni Maine sa bunsong kapatid.
"Don't tell me may alam siya? Meron ba?"
"Sa palagay ko wala naman.", kinakabahan niyang sagot.
"Sigurado ka bang sabi ni Alden na low-key mode lang muna siya manliligaw sa'yo?"
"Oo, 'yun ang sabi niya."
"Iba din kasi kung manligaw 'yang si Alden ano?"
Napa buntong hininga na lamang si Maine. Yes, anim na buwan ng nanliligaw si Alden sa kanya ng palihim. She suddenly remembered that day when he asked her. Tinawagan siya ni Alden through a video call. Madalang sila nagkikita ng personal dahil nag iingat sila na wag mahuli ng mga paparazzi.
Six months ago...
"Anong sabi mo?", tanong ni Maine kay Alden.
"Sabi ko...pwede ba kitang ligawan?", nangingiting tanong ni Alden sa video call.
Saglit na natulala si Maine sa narinig niyang tanong ni Alden sa kanya. Nag buffer yata ang utak niya na pati mga brain cells niya ayaw gumana nang mga oras na 'yun.
"Maine! Maine, are you okay? Bakit hindi ka na nagsasalita diyan?"
"Ha? Ah eh. Anong sabi mo ulet?", tanong ni Maine sa kanya. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga oras na 'yun.
"I am asking if I can court you. Pwede ba akong manligaw sa'yo?"
"Ligaw? Sa akin? Gusto mo akong ligawan?"
"Yes."
"Why? I mean...bakit? Why me?"
"Why not? To be honest, matagal na akong may plano na ligawan ka."
"Bakit mo nga 'ko gustong ligawan?"
"Would you believe me if I say that I felt something for you since those days na hindi pa kita nakikita ng personal."
"Ha?!"
"Those "Binibining Marikit" days of yours. Alam mo ba na tini-treasure ko lahat ng mga memories natin?"
"Sigurado ka ba?"
"Lately ko lang din na realize that I am slowly falling in love with you. Lagi na kasi kitang naiisip. Nami-miss kita palagi. I am always thinking kung kumusta ka na. Above all, I found myself on my knees asking God in prayer that He will give the best of His blessings for you because you deserve it. You deserve to love and be loved in return, Maine. Sana worth it ako sa pagmamahal mo."

YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanfictionAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...