ALDEN
It is a Saturday afternoon at GMA Artist Center when Alden arrived with Mama Ten and Leysam. Agad na silang dumiretso dito pagkatapos ng Eat Bulaga. Gusto daw siyang kausapin ni Atty. Anette Gozon para sa isang importanteng bagay. Kasalukuyan na silang nakaupo sa isang conference room at hinihintay ang pagdating nito. Sa totoo lang ay hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit siya nito gustong makausap. Iniisip niya na baka tungkol ito sa mga legal matters para sa career niya, o di kaya sa renewal ng contract niya with GMA Artist Center. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Atty. Gozon kasama ang manager ni Alden na si Maam Carlites. Agad naman siyang bumati sa mga ito.
"Good afternoon po!", he greets each of them.
"Hello, Alden!"
"Hi, Alden!", bumeso naman si Maam Carlites sa kanya.
"Attorney, bakit niyo pala ako gustong makausap? May problema po ba?"
"Actually, wala naman. May gusto lang kaming ipakilala sa'yo?"
"Sino po? Bago kong ka loveteam?", tanong niya dito.
"Dati mo siyang ka-loveteam. Sa totoo lang, Alden matagal na sana namin siyang gustong ipakilala sa'yo kaso siya lang 'yung ayaw.", paliwanag sa kanya ni Maam Carlites.
"Pero siguro eto na ang tamang panahon na magkakilala at magkita kayo ulit".
"Teka po, sino po ba 'yung tinutukoy niyo? Medyo naguguluhan po ako eh.", tanong sa kanila ni Alden.
"Alden, we are doing this because you have the right to know her...you're "Mystery Giver". , Atty. Gozon explains at him.
"Si 'Mystery Giver'? Nandito siya?"
"Yes. Actually kami ni Carlites ang nakipag appointment sa kanya para magkita na kayo. It's been 5 years since she started helping your charity events and foundations in financial terms. I'm sorry kung tinago namin sa'yo ang pagkatao niya. It is her very request, and we do respect her. Nagkataon kasi na nandito siya ngayon sa Pilipinas kaya we grabbed the chance for you to see her personally."
"So, babae si 'Mystery Giver'? Nasaan po siya?", tanong niya sa mga ito.
Saglit namang sumenyas si Atty. Gozon sa isang security. Makalipas ang ilang saglit ay pumasok ang isang babae. Saglit na natigilan si Alden. Ang tantiya niya ay nasa mga 25 years old na ang edad nito. She has a long blonde hair and the most mesmerizing smile. She has the most fierced eyes that will make you tremble down on your knees. Nagulat si Alden sa nakita niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napakapamilyar ng mukha ng babaeng nasa harap niya ngayon. Paano ba siya makakalimot dito? Siya ang babaeng minahal niya 'nung highschool pa lang siya, at ang babaeng pinakawalan niya para sa mga pangarap niya.
"Janet Cortez? Ikaw si 'Mystery Giver'?"
"Hi, Tisoy! Oh, can I still call you Tisoy right now?", she asked him as they shake hands.
Agad naman silang pinakilala ni Atty. Gozon sa isa't isa.
"Alden, meet Janet Cortez...your mystery giver".
Agad namang nakipagkamay si Alden sa kanya. Alam niyang sobrang lamig ng mga kamay niya nang mga oras na 'yun. Gusto niyang tumakbo pero marami siyang gustong itanong kay Janet. Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula. Isa lang ang alam niya, at 'yun ay katotohanan na kailangan niyang harapin ang galit nito.

YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanfictionAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...