ALDEN
“Ano ba ang nagustuhan mo sa anak ko?” His dad asked me all of a sudden. Napatigil ako sa pag inom ng wine dahil sa tanong niya.
Nasa family reunion pa rin ako nila Maine. It was late at night when his dad, Sir Teodoro asked me to have a talk. Kasalukuyan kaming naka upo sa veranda at mula sa kinaroroonan namin ay dinig ko ang malakas na tawanan ng mga magpi-pinsan.
“Sir, I know this seems to be unbelievable for you. But to be honest, I love everything about Maine.” Paliwanag ko. I am sincere about it naman talaga.
“Everything, huh?” He chuckled. Napailing ito ng bahagya.
"Bakit po, Sir? May problema po ba?" Napatanong ako. Halata kasi sa tono ng pananalita niya ang pag-aalinlangan.
Tumayo siya sa kinauupuan at huminga ng malalim. "Alam mo naman siguro kung ano ang pinagdaanan ni Maine, many years ago..." Natigilan siya sa pagsasalita at tila humuhugot ng lakas ng loob para ituloy ang sasabihin.
Sinundan ko siya at tumabi sa kinatatayuan niya. "Yes, Sir. I know."
"Carlo Alejandro was her childhood friend. Her first love, to be exact." Panimula niyang sabi.
Halata sa tono ng boses nito ang panghihinayang. Nakikinig ako ng mabuti sa mga sinasabi niya. It's time for me to hear what exactly happened in his dad's point of view. Inihanda ko na ang puso ko sa mga bagay na madi-diskubre ko ngayon. I was ready all along.
Nagsimula siyang mag kuwento noong mga bata pa lang sina Maine at Carlo hanggang sa nag aral ang mga ito mula kinder, elementary, high school and college. Natatawa pa siya sa simula pero noong umabot na ang kuwento tungkol sa pagiging artista ni Carlo at si Maine bilang supporter nito, ay nagbago ang ihip ng hangin.
"Nagbago lang naman ang lahat noong naging sikat na sikat na si Carlo. Akala ko, walang magbabago sa kanya." I could feel his pain.
"I actually heard about it in the past, Sir. Kaya lang, hindi ko po masyadong napagtuunan ng pansin. That time po kasi, nagsisimula pa lang ako with my career kaya--"
"I understand, Alden." Tugon niya.
"Thank you, Sir." Sabi ko.
"Sa totoo lang, nung nakita ko kayo ng anak ko kanina, I felt betrayed. I never thought na magsisinungaling sa akin si Meng." Dismayadong sabi niya.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya. "Sorry po, Sir."
"Simula noong nangyari sa kanila ni Carlo, palagi ko na siyang sinasabihan na huwag na ma-involve sa kahit sinumang celebrity. Yet, she failed. Sa huli, she didn't fulfill her promise." Paliwanag niya sa akin na may halong pagkadismaya.
"I'm really sorry, Sir. Wala po kaming intensiyon na magsinungaling sa inyo. We just waited for the right time to set things right. Wala pong kasalanan si Maine." Nasambit ko na lamang.
"Huh, at pinagtanggol mo pa talaga ha!"
"Sir, sorry po kung hindi kaagad namin sinabi sa inyo ang tungkol sa relationship namin ni Maine. To be honest, natakot lang po kami na baka magalit po kayo kaya-"
"And do you think na hindi ako maaaring magalit sa ngayon?" Tanong niya at napalingon sa akin.
"I am very sorry, Sir." Sagot ko sa kanya na puno ng pagsisisi.

YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanfictionAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...