Chapter 6

3.7K 254 45
                                    


It is a Sunday afternoon and Maine decided to go out. Naisipan niyang pumunta ng SM Aura sa may Taguig City. May mga panahon kasi na nakakaramdam siya ng pagkabagot sa trabaho niya bilang isang Home Based Social Helper. Pero, masaya naman siya sa naging trabaho niya. Ang Nanay at Tatay niya ay may pinuntahang binyagan dahil kinuha silang ninong at ninang. Ang kapatid naman niyang si Dean ay namamasyal kasama ng mga kaibigan niya. Si Colleen naman ay kasama ang boyfriend niya. Sina Ate Nikki at Kuya John naman niya ay magkasamang nag bonding. Nagsabi ang mga ito na dadaanan nalang siya sa Mall upang may kasabay siyang umuwi ng Bulacan. Ang mga kaibigan naman niya ay kasama ang kani kanilang ang mga pamilya. Kaya heto siya at mag isang nagpalakad lakad sa loob ng mall. Pumasok muna siya sa department store, pero wala naman siyang nagustuhan. Nagpa ikot ikot pero pakiramdam niya ay nadagdagan pa ang pagkabagot niya...mamasyal ba naman na mag isa. Saglit siyang napadaan sa Ramen Nagi store. Muntik na siyang mabangga ng isang grupo ng mga kababaihan. Tila ba may pinagkakaguluhan ang mga ito. Buti nalang at nakaiwas siya. Nasa labas na ang mga tao at panay ang sigawan.

"Sino kaya 'yun? Baka artista? Matingnan nga."

Sinubukan niyang maki usyoso sa umpukan ng mga tao. Hindi niya masyadong maaninag kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Ang tanging nakikita niya lang ay ang mga kamay at cellphones. Pero parang pamilyar sa kanya ang boses ng isang lalake. She pushed her way forward. Kasalukuyan parin na nagkakagulo ang mga tao. Finally, nagkaroon siya ng mas klarong puwesto at nakita niya din kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Her eyes grow wide. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. It was him: The man who made her hide behind the mask. It is CARLO ALEJANDRO. Sa gitna ng kaguluhan ay napansin siya nito.

"Carlo Alejandro?", she said.

"Maine?", he answered.

Ewan ba niya pero parang babagsak na naman ang mga luha niya. Kaya bago pa 'yun mangyari ay agad na siyang umalis. Tumakbo siya palayo. Narinig niya na tinawag pa siya nito pero hindi siya nakinig. Wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay makalayo siya sa lugar na 'yun. Habang tumatakbo siya ay hindi na niya mapigilan ang pagbagsak ng mga luha niya. Nasa ganun' pa siyang kalagayan nang tumawag ang Ate Nikki niya.

"Hello, Meng. Nasaan ka na? Nandito kami sa parking lot ng SM Aura."

Pinunasan niya muna ang mga luha niya bago siya sumagot.

"Hello Ate Nikki. Nandito pa ako sa loob ng mall."

"Meng, umiiyak ka ba? Are you okay?"

"Ahm, wala Ate. Ahm, kasi...kumain ako ng spicy ramen kaya hanggang ngayon parang nararamdaman ko parin 'yung anghang niya."

"Ah ganun' ba? Oh sige, hintayin ka namin dito. Bye."

"Sige, Ate. Pupunta na ako diyan. Bye."

Kahit mahaba ang biyahe pauwi ng Bulacan ay balewala 'yun kay Maine. Isa lang ang nasa isip niya ngayon: si Carlo Alejandro. Nakauwi na siya ng bahay at dumiretso agad sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ng mga magulang niya ang namumugto niyang mga mata dahil sa pag iyak kanina. Nakaupo siya sa kama at may kinuhang box mula sa bedside table niya. Punong puno 'yun ng mga pictures nila ni Carlo.

"Tangina mo, Carlo. Langya ka! Sinira mo ang araw ko. Nagpunta ako ng mall para mag enjoy tapos ikaw pa makikita ko. Gago ka!", she said while looking at the pictures.

Lahat ng sakit na pilit niyang kinakalimutan ay biglang nagbalik. Lahat ng mga alaala na ayaw na sana niyang balikan ay kusang nanakit muli kay Maine.

"Grabe din eh noh? Naging baliw ako sa'yo Carlo. Akala ko, okay na ako eh. Pero hindi pa pala. Masakit parin. Sobrang sakit.", Maine sighs as she remembers those memories with him.

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now