Chapter 7

3.9K 286 64
                                    

ALDEN


Kararating lang ni Alden sa bahay nila sa Laguna. Buti nalang at maagang natapos ang meeting niya sa APT Productions kanina kaya naka uwi siya agad. Nadatnan niya na naka upo sa sala ang Daddy niya at ang kapatid na si Riza Mae.

"Oh, RJ andiyan kana pala."

"Mano po, Dad."

"Hi, Kuya RJ."

"Ano na naman ang ngiting 'yan, Riza Mae?"

"Ahm, Kuya. Wala ka bang nakalimutan?"

"Bakit? Anong nakalimutan ko ha?"

"Eh kasi Kuya, 'di ba may photoshoot ka 'nung isang araw sa Pico de Loro?"

"Oo nga, nak. Kumusta naman 'yun?", tanong ng Daddy niya.

"Ayos naman, Dad. All went well as planned."

"Eh Kuya. Nakita ko sa Twitter na nandun' din pala si Binibining Marikit sa Pico de Loro. Ano Kuya, nagkita ba kayo?"

"Hindi eh."

"Ay sayang naman. Pero Kuya, alam mo ba na pinapanood ka lang niya habang nasa photoshoot ka?"

"Anong ibig mong sabihin, nak?"

"Eh Daddy, Kuya...ganito po kasi 'yun. Nag post siya ng BTS photos ni Kuya habang nasa photoshoot. Ayan oh, tingnan mo...pinost niya pa sa Twitter account niya."

"Bakit 'di ko napansin 'to?"

"Eh kasi naman Kuya, dapat kasi check check din ng twitter notifications pag may time. Kaya ka nahuhuli sa mga balita eh."

"Uy, Riza Mae. Hinay hinay lang sa paggamit ng Social Media ha. Baka naman puro ka nalang Twitter at napapabayaan mo na ang pag aaral mo?", paalala ng Daddy niya sa kanya.

"Hindi po, Dad. Siyempre po, priority ko po ang pag aaral ko. Segway nalang ang social media."

"Mabuti naman kung ganun. Dad, pasok po muna ako sa kuwarto ko."

"Sige, nak. Teka, kumain ka na ba?"

"Yes, Dad. Tapos na po."

Agad namang pumasok si Alden sa kuwarto niya. Pasado alas nuwebe na ng gabi at inaantok na siya. He decided to check on his social media accounts. Hindi naman kasi siya mahilig magbabad sa social media simula pa nuon. Medyo nagagawa niya lang ito simula nang naging fan niya si Binibining Marikit. He remembers her all of a sudden. Sa totoo lang ay nanghinayang siya na hindi man lang sila nagkita 'nung nasa Pico de Loro sila pareho. Saglit niyang tiningnan ang picture ng BTS photos ng photoshoot na pinakita sa kanya kanina ni Riza Mae.

"So, you're really there. Why are you so scared of showing yourself to me?" , he sighs deeply as he look closely on her twitter DP.

Alam ni Alden na simula pa lang nuon ay sinusuportahan na siya ni Binibining Marikit. He is not sure if it really started on that particular day at the 'Candy Fair'. Hindi rin niya sigurado kung nagkakilala ba sila ng araw na 'yun. All he can remember is that a few ladies asked him for a picture and he gladly granted it. Hindi na niya maalala ang mga taong nandun'. A few minutes later, he decides to take a shower. He need to sleep early. Leysam reminded him awhile ago that tomorrow will be the first shooting day of his upcoming film with APT Productions. The movie title is 'Imagine You and Me'.

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now