Chapter 12

3.5K 272 1
                                    

February 13, 2016

It is a sunny Saturday when Maine, together with her friends Janeeva, Christian and Kat decided spending the weekend at Taal Vista Hotel, in Tagaytay. Mahigit na apat na oras ang binyahe ni Maine galing ng Bulacan. Pero, kahit napagod siya sa pagda drive, ay okay lang. Matagal tagal na din naman kasi silang hindi nakakapag bonding kasama ng mga kaibigan niya. At saka alam ni Maine na kailangan niya ng break mula sa trabaho niya. It gets lonely and boring sometimes, working as a homebase online social helper. Buti nalang ay pinayagan siya ng Australian client niyang si Samantha para mag bakasyon, kahit dalawang araw lang. Tanghali na nang dumating si Maine sa Taal Vista. Napagkasunduan nilang magkakaibigan na dito nalang magkita para hindi na hassle. Una niyang nakita si Janeeva na kasalukuyang nasa lobby ng hotel at inaasikaso ang accomodation nila. 

"Janeeva, nasan sina Christian at Kat? Ba't mag isa ka lang? Wag mong sabihin na hindi dadating ang mga 'yun ha? Ang layo layo pa naman ng binyahe ko.", tanong niya sa kaibigan. 

"Wag kang mag alala. Dadating din 'yung mga 'yun. Baka na traffic lang. Ang mabuti pa, mauna na tayo sa room natin. Tara na."

"Anong room ba ang pina book mo?"

"Siyempre, 'yung Deluxe Ridge room with 1 king size bed and 1 single bed. Alam ko na 'yan ang gusto mo kapag nasa hotel. Ayaw mo ng hiwalay tayo. Tutal malaki naman 'yung king size bed, kasya na tayong tatlo nila Kat. Tapos 'dun nalang si Christian sa isang single bed. So, okay na sa'yo?"

"Oo na, Madam. Tara na."

Agad naman na humiga sa kama si Maine pagpasok nila ng kuwarto. Sa totoo lang, ay inaantok siya. Ilang araw na din siyang puyat dahil tinambakan siya ng maraming trabaho ni Samantha. Medyo sumasakit din ang ulo niya. Nag desisyon siya na pumikit muna sandali. Nasa loob pa naman ng banyo si Janeeva. Alam niyang matagal tagal pa bago matapos ang kaibigan. 

//

Samantala, nasa Taal Vista Hotel ang buong pamilya ni Alden Richards. Matagal na niyang pinlano ang weekend getaway na ito. Katatapos lang niyang mag shooting para sa pelikula niya. Kaya, alam niyang nararapat lang na magpahinga siya kahit dalawang araw kasama ang pamilya niya. Bumiyahe sila ng mahigit dalawang oras mula Laguna. Buti nalang din at pinayagan siya ng Eat Bulaga na umabsent muna ngayon, kahit pa nga Sabado. Balak niyang manatili sila dito hanggang bukas. Ang segment niyang "DJ Bae" para sa Sunday Pinasaya ay na taping na nila, a week ago. Sabi kasi ng mga kasamahan niya...he deserves a break. Kaya eto siya, at pinupunan ang mga sandaling hindi niya nakapiling ang pamilya niya. 

Kasama ni Alden ang Daddy niyang si Richard Faulkerson Sr., ang Kuya RD niya, si Riza, at bunsong kapatid na si Angel. Pati na rin ang Lola Erlinda niya at Lolo Danny Boy, kasama ang caregiver nito. Kasalukuyan nilang hinihintay ang pinsang si April at Tita Jo niya. Nagpa book siya ng tatlong deluxe ridge room. Nasa lobby sila ng hotel. Maya maya ay dumating na sina April at Tita Jo. 

"Tita Jo, kumusta ang biyahe?"

"Okay lang, RJ."

"Everything settled? For now, pasok muna tayo sa rooms natin. Tapos bumaba tayo for lunch.", paliwanag ni Alden sa kanila. 

Inalalayan naman sila ng mga hotel staff. Magkasama sa iisang kuwarto sina Alden, ang Daddy niya, at Kuya RD. Nasa iisang kuwarto naman sina Riza, Angel, April, at Tita Jo niya. At magkasama naman sa iisang kuwarto ang Lola Erlinda at Lolo Danny Boy niya, kasama ang caregiver nito. Sinigurado ni Alden na magkakatabi lang ang mga kuwarto nila. Para hindi rin sila mahirapan ang bawat isa. Matapos nilang ayusin ang mga gamit nila sa loob ng kuwarto ay bumaba na ulit sila para kumain. They were at Café Veranda, waiting for their food to be served. Maya maya pa ay may tumatawag sa phone ni Alden-ang manager niyang si Carlites de Guzman. At dahil medyo mahirap ang signal, ay nagpaalam muna si Alden para lumabas. 

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now