MAINE
Kasalukuyang nasa coffee shop ni Janeeva si Maine. Nakapag desisyon siya na 'dun na muna magtrabaho. Ngayon kasi ang ikalawang araw ng shooting ni Alden Richards sa Mendoza Farms. Alam niyang hindi siya makakapag concentrate kapag 'dun siya nagtrabaho sa bahay nila. Nasa Davao si Janeeva at may inaayos na importanteng bagay. Pero kahit ganun' ay okay lang naman na dito tumambay si Maine. Matalik niyang kaibigan si Janeeva at simula nang maipatayo ng pamilya nito ang coffee shop, ay madalas dito na sila nagha hang out na magkakaibigan. Gustuhin man niyang makita si Alden ay kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Marami siyang task na dapat tapusin ngayon kaya kailangan niyang mag concentrate sa trabaho.
Malapit nang magtanghalian ng mga oras na 'yun. Sa totoo lang, ay medyo gutom na rin si Maine. Nasa isang sulok siya ng coffee shop. Madalas na 'dun ang paboritong lugar nilang magkakaibigan. Pumunta siya ng counter para omorder ng pagkain pero biglang tumunog ang phone niya. Tumatawag pala si Janeeva. Lumabas muna siya ng coffee shop at sinagot ang tawag nito.
"Hello, Janeeva!"
"Hello, Meng! Nasa coffee shop ka ba?"
"Oo eh. Andito ako. Nag text ako sa'yo kagabi, 'di ba? Sabi ko na dito muna ako magta trabaho ngayon?"
"Oo, natanggap ko text mo. Kaloka ka talaga, Menggay. Diyan ka magta trabaho kasi nasa Mendoza farms si Alden Richards?"
"Baliw. Pinagtatawanan mo ba ako?"
"Eh kasi ikaw eh. Masyado kang pabebe. Ayaw mo 'nun? Dapat maging inspired ka kapag 'dun ka nagtrabaho sa bahay niyo. Kasi nga, andun siya."
"Basta, dito muna ako. Okay lang naman, 'di ba?"
"Siyempre, ikaw pa! May magagawa pa ba ako? Sige, tago pa more."
"Loka loka!"
Kasalukuyan pa sanang kinakausap ni Maine ang kaibigan, pero may itim na kotse na nag park sa harap ng coffee shop. Maya maya ay bumaba ang isang lalake. At nagulat siya dahil sa totoo lang ay ayaw na sana niya itong makita pa...kahit kailan.
"Maine?"
"Carlo?"
Tatalikod na sana si Maine pero tinawag pa siya nito. Lumapit ito sa kanya. Wala parin itong pinagbago; guwapo parin at matipuno ang katawan. Sa totoo lang, ay nanlalambot ang mga tuhod ni Maine. Ewan ba niya pero kahit ganun' ang ginawa ni Carlo sa kanya ay naging magkaibigan naman sila nuon. Gusto niya itong sampalin. Gusto niyang suntukin. Gusto niyang ipamukha dito ang lahat ng sakit at kahihiyan na nangyari sa kanya. Pero, heto siya at walang masabi. Tila ba dinadaga ang puso niya.
"Maine, saglit lang. Wag ka munang umalis. Pwede ba tayong mag usap?"
Aalis na sana si Maine pero nahawakan siya ni Carlo sa braso niya.
"Bitiwan mo 'ko."
"Maine, please. Kahit sandali lang."
"Bakit? May kailangan tayong pag usapan, ha?"
"Alam kong galit ka sa 'kin. Siguro nga, hanggang ngayon kinamumuhian mo pa ako. I've been trying to reach you, pero iniiwasan mo 'ko."
"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang dapat kung maramdaman? Tatawa lang ako pagkatapos ng lahat ng nangyari?"
"I know, Maine. That's why I'm here...to say, sorry."
"You're too late, Carlo. Too late."
"Wala na ba talagang pag asa na maibalik natin 'yung dati, Maine? Sige na, please. Look...I'm sorry."
"Sorry? Sorry lang ang kaya mong gawin, huh? Sinira mo na ang buhay ko, Carlo. Dinurog mo na ang buong pagkatao ko.", she said as tears flow down from her eyes.

YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanfictionAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...