Chapter 27

197 12 6
                                    

MAINE

Alas dos na ng hapon nang makarating kami ni Colleen sa Pico De Loro Beach and Country Club dito sa may Nasugbu, Batangas. Paborito kasi talaga naming puntahan ang lugar na 'to lalo na kapag meron kaming family gatherings. Bukod kasi sa sobrang ganda ng lugar, eh marami din silang amenities na pwedeng ma enjoy hindi lang ng mga adults kundi pati na rin mga kiddos.

Saglit muna akong umupo sa may lobby habang kasalukuyang chini-check ni Colleen ang reservations namin. We decided nalang not to use her complimentary pass since limited lang din naman ang privileges non. Kahit medyo pricey, sumugal na kami. Tutal birthday ko naman.

After a few seconds, hinatid na din kami ng isang staff ng Pico Sands Hotel sa magiging room namin. Isang room for two ang sa amin ni Colleen at family room naman kina Nanay, Tatay at sa iba ko pang kapatid. Pagkapasok ko sa kuwarto ay tumambad sa akin ang amoy ng white linen sa kama. Hmmm.

Kaagad akong humiga dito at dinama ang malambot na bed sheets. I just love this feeling! Maya maya pa ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumayo. Lumapit ako sa may bintana at hinawi ang kurtina na nakasabit dito. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ang Lake Lagoon.

"Meng, tambay muna tayo sa pool? Gusto mo na maligo?" Tanong ni Colleen sa akin habang inaayos ang mga pang OOTD niyang dala. 

"Ngayon talaga? Ang init eh." Sagot ko sabay turo sa labas ng bintana.

"Later tonight nalang tayo pero gusto ko mag chill sa may pool tapos we can have a light late lunch at Sun Corral Cafe. What do you think?"

Napaisip ako sa sinabi niya. To be honest, gusto ko lang talaga matulog. I don't feel like doing anything outdoors. Sobrang boring ko kapag may ganitong okasyon. Pero sayang naman ang binayad namin dito kung matutulog lang ako. Kaya pumayag na din ako sa suhestiyon niya.

We had our late lunch at the cafe and then we decided to chill beside the resort's adult people. Mabuti nalang at konti lang ang tao ngayon. I bought a book with me since there's nothing to do. Just a few days ago, I started reading 'You've Reached Sam' written by Dustin Thao. Ayoko din naman mag kayak or any water related activities.

I tried inviting Janeeva and some of my friends to join us, but unfortunately lahat sila busy. Anyway, masaya din naman kasama si Colleen. Bukas pa naman dadating ang buong family ko to celebrate my birthday.

After 2 hours, we got back to our hotel room to rest for awhile. Nagising kami ng mga bandang 7pm at parehas kaming nakaramdam ng gutom. We freshen up a bit at bumaba na para mag dinner naman sa Reef Bar.

"Is he coming over?" Tanong ng sister ko habang busy kaka tipa sa phone. For sure ka text na naman nito ang boyfriend niyang si Mike.

"Sino?"

"Who else ba? Your superstar boyfriend of course."

"Ah...hindi eh. May live prod daw siya bukas tapos alis din daw siya agad for Surigao kasi may mall show."

"You're upset no?"

"Ha? Hindi naman. But, siguro slight. I understand naman na work 'yon eh."

"Alam mo wag ka nang malungkot. Let's enjoy this time nalang. Okay?"

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now