Chapter 16

3.9K 312 80
                                    


Masayang bumangon si Alden. Lunes 'yun ng umaga at maaga siyang nagising. Pasipol sipol pa siya habang naliligo. Naalala niya ang nangyari sa bahay ni Maine, or shall he say...si Binibining Marikit. Hanggang ngayon ay hindi padin mawala sa isip niya ang mga naganap. Sino ba naman ang mag aakala na ang babaeng matagal na niyang gustong makilala ay nasa tabi na niya pala. Napapangiti pa siya habang masayang kumakanta. Ang gaan gaan tuloy ng pakiramdam niya sa ngayon. Hindi na niya na muna sasabihin sa kahit sino patungkol sa natuklasan niya. Gustuhin man niyang sabihin pero hindi niya gagawin. He wants to protect her privacy. 

He is well aware that as long as people will know about her identity, they would probably dig into her personal life. Baka magkaroon pa siya ng mga bashers. At ayaw niyang mangyari 'yun sa kanya. Now that he already knows the truth about her, he will do everything to protect Maine. Hindi niya alam kung bakit ganun ang naisip niyang gawin. Pero alam niya na nagpapakatotoo lang siya. Simula nang umuwi siya ng bahay galing sa Mendoza Farms ay nag iisip na siya ng paraan para makabawi kay Binibining Marikit. Pagkatapos mag ayos ng sarili ay bumaba na siya sa kusina para mag breakfast. Nadatnan niya 'dun ang Daddy niya. 

"Ahem, RJ. Mukhang ang saya saya natin ngayon ha. May nangyari ba?", tanong nito sa kanya habang umiinom ng kape.

"Huh? Wala Dad.", sagot niya dito sabay iwas ng tingin. 

"Talaga? Hmmm. Wala ka bang gustong e share sa amin?"

"Dad, wala po talaga."

"Okay. Basta dito lang me. Lam mo 'yan."

"Thanks Dad. Sige, I have to go. Alis na ako for EB."

"Sige nak. Ingat sa pagda drive ha. At saka iwas iwas sa kakangiti ng wagas. Baka mapunit 'yang labi mo e."

"Dad naman eh."






//






Maagang nagising si Maine. Medyo maayos na din ang pakiramdam niya. Wala na din siyang lagnat. Pilit niyang inalala ang mga nangyari. Sumagi sa isip niya na kasama niya si Alden na naglalakad sa loob ng farm ng mga Martinez. Biglang dumilim ang pakiramdam niya. Nang magising siya ay nasa loob na siya ng kanyang kuwarto. Pinupunasan siya ng maligamgam na bimpo ni Ate Pearl. Tinanong niya agad kung paano siya nakarating sa loob ng kuwarto niya, at kung sino ang bumuhat sa kanya papunta 'dun. Bigla siyang kinabahan nang malaman na si Alden Richards ang nagdala sa kanya sa loob. Buti nalang daw ay nasalo siya nito nang mawalan siya ng malay. 

"Ate Pearl, ibig sabihin si Alden Richards po talaga ang nagdala sa 'kin dito? As in...siya po ba talaga?"

"Ano ka ba, Menggay. Ano bang nangyayari sayo ha? Aba eh pang limang beses mo na yata 'yang naitanong sa akin ngayong araw. Juskong bata ka. May lagnat ka pa ba, huh?"

"Ate Pearl, wala na po."

"Alam mo mabuti pa mag breakfast ka na. Gutom lang 'yan. Gusto mo dalhan na kita ng pagkain dito?"

"Hindi na po Ate Pearl. Bababa nalang po ako. At saka wag niyo po sasabihin kina Nanay at Tatay ang nangyari ha? Pati na din sa mga kapatid ko. Please."

"Oo na. Sige. Bumaba ka na at nang makakain."

Kahit pa kinakabahan si Maine dahil sa maaaring maging resulta ng nangyari ay hindi niya maiwasang kiligin. Paano ba naman kasi 'di ba? Kargahin ka ba naman ng isang Alden Richards. Para na ngang may boltahe ng kuryente ang nararamdaman niya kapag nagkakadikit ang mga balat nila. Tapos malalaman niya na kinarga siya nito papasok sa loob ng kuwarto. Tapos inihiga pa siya nito sa kama. Kahit ano ano na tuloy ang naisip niyang eksena. 

"Juskolord. Nakakaloka naman."

Bangon sa kama...

"Paano kung hinalikan niya ako noh? Luh, ang harot ko."

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now