Chapter 14

3.2K 215 30
                                    

Maagang ginising ni Maine ang kapatid na si Colleen. The time was already 7:00 o'clock in the morning. Gusto niya kasing magpasama dito na pumunta sa Eat Bulaga Broadway Centrum sa may Aurora Boulevard, sa Quezon City. Ngayon ay araw ng Sabado at walang trabaho ang kapatid. Si Colleen lang din naman kasi ang kakampi niya sa loob ng bahay. Lalo na kung tungkol ito sa pagiging 'secret Alden Richards' fangirling niya. Three days ago ay sinubukan niyang mag message kay Alden. Nagtanong siya kung pwede ba silang makapanood ng kapatid ng live sa Broadway. Sa totoo lang ay talagang nahihiya siya. Pero sabi naman ni Alden 'nung nagkita sila sa Taal Vista na kung gusto niyang manood ay mag message lang daw siya. Kaya, she took the courage, asking him a favor. Akala nga niya ay hindi siya rereplayan nito. Baka kasi busy siya sa mga endorsements niya or tapings. Pero hindi pa natatapos ang araw ay nag reply nga ito sa kanya. At sinabing pwede silang manood ng Sabado. 

Hindi mapigilan ni Maine ang wag maging excited. Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng Broadway Centrum ng Eat Bulaga. This will be the first time. Bata pa lang si Maine ay paborito na niyang panoorin ang Eat Bulaga. Napaka wholesome kasi ng mga hosts at marami silang advocacy, gaya ng Plastic ni Juan Project. Marami din silang natutulungan sa pamamagitan ng segment nilang Juan for All, All for Juan. Kaya laki ang pasasalamat niya na pinagbigyan ni Alden ang hiling niya. Ang sabi ni Alden sa naging huling message nito sa kanya kahapon ay mag text lang daw siya kapag malapit na sila sa broadway. Madalas naman daw ay maaga siyang nakakarating 'dun dahil ayaw niyang nali-late. 

"Colleen, gising na. Alas siyete na oh.", yugyog niya sa kapatid.

"Meng, maaga pa naman e. Alas siyete pa lang oh. Tulog muna tayo."

"Pero, Colleen. Hindi natin alam kung matatagalan tayo sa daan. Alam mo namang traffic, 'di ba? Sige na, gising na diyan.", sabi niya dito habang hila hila ang kanang kamay. 

"...Five more minutes.."

"Huy, bangon na diyan. Ano bah!"

"Hay naku. Eto na. Eto na, Madam. Babangon na po.", sagot ni Colleen sa kanya.

"Dalian mo. Maligo ka na."

"Huy, Meng. Ikaw ha. Baka kung ano na 'yang namamagitan sa inyo ni Alden Richards?", tanong nito sa kanya sabay sampay ng tuwalya sa balikat. 

"Wala noh. Friends lang kami 'nun. Heller."

"Talaga lang ha? Pero ang weird noh? Naging comfortable agad siya sa'yo? Sounds strange, isn't it?"

"Sus. Eto naman. Baka magaan lang ang loob niya sa 'kin. Ganern."

"Huh. Basta, hinay hinay lang. Alam mo na, Meng."

"I know..."

"Pero...inamin mo na ba sa kanya na ikaw si Binibining Marikit?"

"Hindi. No. Never."

"Hala siya! Ano ka ba! Wala ka ba talagang balak na magpakilala sa kanya? Baliw ka ba?"

"Para ano pa? Feeling ko mas okay sa kanya na ako si Nicomaine Mendoza at hindi si Binibining Marikit. Kaya, okay na 'to.", paliwanag niya sa kapatid. 

"Jusko, Meng. Akala ko ba gusto niyang makilala si Binibining Marikit? 'Di ba 'yun ang sabi niya sa'yo 'nung nagkita kayo sa Taal Vista last weekend?"

"Oo, sabi nga niya. Pero ewan ko ba. Ayokong umasa. Baka sinabi niya lang 'yun, just for fun."

"Alam mo, ikaw? Ang judgegy mo. Wag mo nga siyang pagsalitaan ng ganyan. I think sincere naman 'yung tao."

"I don't know, Colleen. Alam ko kasi na ang isang artista na gaya niya ay hindi kailanman magkakagusto sa isang simpleng tagahanga lang. Hindi mai-inlove ang isang Alden Richards sa isang tagahanga lang na gaya ni Binibining Marikit. Imposible 'yun."

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now