Chapter 22

295 21 4
                                    

MAINE

Today is the second and last day of our family reunion here at Mendoza Farms. Maaga akong nagising. Oh, well! To be honest, hindi na nga yata ako nakatulog.

Bukod sa ang iingay ng mga pinsan ko sa kabilang kuwarto ay kinakain ako ng labis na curiousity kung ano ba talaga ang pinag usapan nila Alden at Tatay kagabi. Ang tagal kasi nilang nag-usap sa terrace.

Kagigising ko lang at nakatulala na namang nakaupo sa kama. Napansin kong mahimbing na natutulog at humihilak ang kapatid kong si Coleen.

Matapos tumunganga ng ilang minuto ay nakapag desisyon ako na bumaba na. Medyo nakaramdam ako ng konting kirot sa ulo ko. Sige, ayan kasi. Puyat pa more, Nicomaine!

Nang makababa ako ng hagdan ay kaagad na akong dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Nanay na nagtitimpla ng kape.

"Good morning, Nay!" Bati ko sa kanya sabay hikab.

"Oh, himala! Ang aga mo yata nagising?" Puna niya sa akin habang hinahalo ang kapeng tinitimpla niya.

Umupo ako at napahalukipkip. "Nay, ang tanong...kung nakatulog ba 'ko?"

"Oh, bakit hindi ka nakatulog? Sinadya nga namin na hindi matulog 'dun ang mga pinsan mo eh. Kasi alam ko na ayaw mo ng maingay." Tanong niya.

"Eh hindi nga sila natulog 'dun...pero dinig na dinig ko pa din ang mga hagikgik nila sa kabilang kuwarto. Hindi naman naka soundproof ang bahay natin." Paliwanag ko.

"Hayaan mo na. Minsan lang naman." Sabi niya sabay tikim sa kape na tinimpla niya.

"Nay, kay Tatay po ba 'yan?" Tanong ko na tinutukoy ang kape na hawak niya.

"Oo, bakit? Alam mo mabuti pa, ikaw na magbigay sa kanya." Suhestiyon niya.

Bigla akong nanlamig dahil sa sinabi ni Nanay. Kung tutuusin, ay hindi naman talaga nakakatakot si Tatay. Mabait naman siya. Madalas nga lang, naka poker face. Nagmana nga yata ako sa kanya. Parang nakasimangot palagi pero hindi naman galit.

"Eh Nay! Ikaw na po." Nag alangan ako.

"Ano ka ba! Sige na. Wag kang matakot. Tatay mo 'yun. Kaloka kang bata ka. Sige na." Sabi niya sabay abot sa akin ng kape.

"Sige na nga po." Sagot ko at sumunod na sa utos niya.

Tama nga naman si Nanay! Bakit ba ako matatakot kay Tatay? Siguro kasi nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko tinupad ang pangako na huwag ma involve sa isang celebrity. I know I was wrong.

Sabi ni Nanay ay nasa terrace daw si Tatay. Dahan dahan akong umakyat. Tahimik pa ang bahay. Tulog pa ang mga kamag anak namin. Sinilip ko muna siya at binuksan ng bahagya ang glass door ng terrace. Nagbabasa si Tatay ng newspaper.

Medyo may pagka old school talaga si Tatay. Mas gusto niyang magbasa ng physical copy ng diyaryo keysa magbasa online. Sabi niya, distractions ang internet. Madaming fake news. Madalas hindi magagandang bagay ang mababasa mo.

Alam ko naman kung saan at ano pinanghuhugutan niya!

Maingat kong binuksan ang pintuan. Napalingon siya sa akin. "Oh!" Sabi niya lang. Parang nagulat pa siya sa pagdating ko.

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now