Chapter 13

3.4K 274 57
                                    

It was a beautiful Sunday morning at Taal Vista Hotel in Tagaytay City. Maagang nagising si Maine kahit matagal silang nakatulog kagabi. Napasarap kasi ang kuwentuhan nilang magkakaibigan. Matagal na panahon kasi na hindi nila nagawa ang mag bonding. Kaya nilubos lubos na din nila. Minsan lang naman, ika nga. Bumangon siya sa pagkakahiga. Pinagmasdan niya ang mga kasama. Tulog pa sina Janeeva, Kat, at Christian. Alam niyang mamaya pa magigising ang mga ito. Pumasok muna siya sa banyo para maligo. Habang naliligo ay naalala niya ang naging pagkikita nila ni Alden kahapon. Napangiti siya. Pakanta kanta pa siya habang nasa loob ng banyo. 

"Look at the stars. Look how they shine for you. And everything you do. Yeah, they were all yellow."

"Andito pa kaya si Alden sa Taal Vista? Ano kayang ginagawa niya ngayon?"

"I came along. I wrote a song for you. And all the things you do. And it was called yellow."

"Grabe! Sa lahat ba naman ng lugar eh dito pa talaga kami magkikita. Akalain mo 'yun?"

"Your skin, oh yeah your skin and bones. Turn into something beautiful. You know, you know I love you so. You know I love you so."

"Jusko naman. Parang mas lalo siyang naging charming para sa akin. Omaygad."

"I swam across. I jumped across for you. Oh, what a thing to do. Cause you were all yellow. I drew a line. I drew a line for you. Oh, what a thing to do. And it was all yellow."

"Pero wait lang. Nahalata niya kaya 'yung twitter post ko kahapon bilang si Binibining Marikit? Hmmm...'di naman siguro."

"Your skin. Oh yeah, your skin and bones. Turn into something beautiful. And you know, for you I'd bleed myself dry. For you, I'd bleed myself dry."

"Pero grabe naman 'yung kilig ko 'nung pinakilala niya ako sa family niya kahapon. Wow ha! Hustisya naman sa feelings ko."

"It's true. Look how they shine for you. Look how they shine for you. Look how they shine for. Look how they shine for you. Look how they shine for you. Look how they shine."

"Sus. Tama na 'yang imagination mo, Menggay. Maghunos dili ka. Naku, baka masaktan ka lang. Mahirap na."

"Look at the stars. Look how they shine for you. And all the things that you do."

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na din siyang maligo. Nakapagbihis na din siya. Paglabas niya ng banyo ay tulog parin ang mga kaibigan niya. Kaya sinubukan niyang gisingin ang mga ito. 

"Janeeva, gising na. Lumabas naman tayo. Gutom na ako eh."

"Meng, mamaya na. Inaantok pa 'ko eh."

"Huy, tanghali na kaya."

"Mamaya na."

"Kat, Christian. Tara, labas naman tayo. Ang boring dito sa loob eh."

"Mauna ka na Meng. Sunod lang kami. Five more minutes."

Pero kahit anong gawin ni Maine ay ayaw bumangon ng mga kaibigan niya. Napailing nalang siya. Mukhang mag isa na naman siyang lalabas ng hotel room nila. Napag isipan niya na pumunta sa pool side ng hotel. Babalikan nalang niya mamaya ang mga kaibigan niya. For sure, magigising din ang mga ito lalo na kapag nakaramdam nagutom. Lumabas na siya ng kuwarto. Dinala niya ang phone at naglakad papunta sa pool side ng hotel. 

//

Kasalukuyang kasama ni Alden ang buong pamilya niya sa pool side ng hotel. Maaga pa naman ng mga oras na 'yun kaya wala pa masyadong tao. Marahil, tulog pa ang ibang mga guest. Sinamantala niya ang pagkakataon na makasama ang pamilya niya. Nanghihinayang siya dahil balak niya sana na magtagal pa sila sa Taal Vista. Pero, kailangan nilang bumalik ng Laguna pagkatapos mag lunch. Kailangan niya kasi mag empake. May schedule siya na show sa Dubai kasama si Ms. Ai Ai delas Alas. Kinabukasan na ang alis nila. Pinagmasdan ni Alden ang bawat miyembro ng pamilya niya. Naka upo siya malapit sa gilid ng pool. Nakikita niyang masayang naliligo ang mga kapatid niyang sina Kuya RD, Riza, at Angel. Nakamasid lang sa kanila ang Lolo Danny at Lola Erlinda niya. Nagkukulitan naman ang Daddy niya, Tita Jo, at pinsang si April habang naliligo sa pool. Bigla niyang naalala si Maine. Iniisip niya kung gising na ba ito. At sana magkita pa silang dalawa bago siya umuwi. Maya maya ay pinuntahan siya ng daddy niya. 

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now