Bonus Chapter

228 10 1
                                    


Maine could hear the sound of the waves and it seems like a beautiful music to her ears. Napapikit siya habang nakaupo sa isang malaking bato sa tabi ng dalampasigan. Napatingin siya sa notebook na nakapatong sa kanyang kandungan. Nakasulat dito ang mga journals niya, since 8 years ago, when she got married to RJ. How time flies so fast! Napangiti siya habang binabasa ang kanyang mga journal entries.

"Mommy!" Mula sa likuran ay may mga matinis na boses na sumisigaw na tumatawag sa kanyang pangalan.

Napalingon siya at napagtanto na ang kanilang mga fraternal twin babies pala. Nakasunod naman sa kanila ang kanilang Daddy na ngayon ay hingal na hingal sa kakahabol sa mga bata.

"Sebastian, Celestine! Hello babies ko!" Tumayo siya at nilapitan ang mga ito.

"Mommy, why are you here po? Daddy won't play with us anymore." Napakamot na nagsumbong sa kanya si baby Seb.

"Mommy, I'm hungry. Let's eat na po." Pakiusap naman ni Celestine sabay hila sa manggas ng kanyang shirt.

"Hindi talaga mapalagay ang kambal, mawala ka lang saglit sa paningin nila."

"Oh, ba't pagod na pagod ka?" Natatawang tanong niya kay RJ habang pinapahiran ang pawis sa namuo sa noo ng asawa.

"Eh pano naman? Ang lakas nila tumakbo. Ang lilikot na nila, grabe. Whew! Hinihingal na ako kakahabol sa kanila."

"Naku, Richard. You need to go the gym na ulit. Ang bilis mo na mapagod. Tumataba ka na ulit eh. Ayan oh. Bumabalik na naman ang siopao face mo. Haha."

"Uy, grabe naman. Pero you're right. I need to go back to the gym, love."

"Let's go na Mama." Hinila na sila ng kambal.

Magkahawak kamay silang apat na naglalakad sa dalampasigan. Masaya na kahit maraming isinakripisyo para mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga anak, and they both know that it was all worth it.

He decided to retire from showbiz. Nag focus nalang si RJ sa pagpapatakbo ng restaurant and especially that they now have a newly opened five fastfood franchise in Luzon. Nagpo-produce nalang din siya ng films and tv series. Hindi naman siya pinigilan ng kanyang family.

As for Maine, she stopped working as a Virtual Assistant. She pursued her passion in writing and her third book will be displayed on bookstores nationwide, soon. She already found her voice and much more courageous now to face the world.

At kahit ano man ang aming pagdaanan ay may tiwala sila sa bawa't isa na magkasama nilang haharapin ang bawat bukas sa tulong ng Maykapal.

"Walang iwanan.

Ikaw at ako. Tayong dalawa."

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now