Chapter 18

1.6K 150 33
                                    

September 5 (Saturday)

"See you tonight, Maine. Ingat ka." -Alden

Kanina pa hindi mapakali si Maine. Kahapon lang ay tinext siya ni Alden na magkikita sila sa Club Punta Fuego; isang beach resort sa Nasugbu, Batangas. Gusto sana nito na sunduin siya bahay nila sa Bulacan ngunit tumanggi ang dalaga. Ayaw niyang malaman pa ng kanyang mga magulang na makikipagkita siya sa binata. Mabuti na lamang at pinayagan siya ng mga ito. Sinabi na lamang niya sa mga magulang na meron silang bonding na kasama ang mga kaibigan. 

Ayaw man niyang magsinungaling ay hindi naman mapigilan ni Maine ang kanyang sarili. Dahil hindi niya naman matanggihan si Alden. Siyempre, si Alden Richards na kaya ang nag aya sa kaniya. Choosy pa ba siya? Ang usapan nila ay mga bandang 6pm sila magkikita at aabangan siya ng handler ni Alden na si Sam. Matapos ang tanghalian ay umalis na siya ng bahay dahil mga apat na oras din ang biyahe papunta sa resort na 'yun. At dahil nga ayaw niyang ma late. 

Maya't maya naman ang hinto ni Maine mula sa pagda-drive. Inaayos niya ang kanyang sarili. Kahit ano na lamang ang pumapasok sa isip niya. Pilit na pinapakalma ang kanyang puso. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung bakit makikipagkita si Alden sa kanya. At sa Club Punta Fuego pa talaga ang meeting place nila. At saka bakit sinabi nito sa kanya bago sila maghiwalay nung Premier Night na meron silang unfinished business? Ano naman kaya 'yun? 

Makalipas ang halos apat na oras ay narating din ni Maine ang Club Punta Fuego. Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapasok dito. Medyo mamahalin ang nasabing lugar at madalas mga mayayaman ang nandito. Nakahanap na siya ng parking lot. She checks the time: 5:48pm. Saglit siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Inayos muli ang sarili, one last time. Nagdasal siya na sana ay maging maayos ang lahat. She reminded herself that this is not a romantic dinner date but just a simple dinner. Between friends, ganun lang. 

Bumaba na siya ng kotse at pumasok na sa loob. Nakarating na siya ng lobby at agad na nakita si Sam. 

"Hello, Maine. Kumusta?", bati sa kanya ng handler ng binata.

"Hi, Sir Sam. Heto, okay lang."

"Ano ka ba! Wag na 'yung Sir. Jusko. Sam nalang, okay?"

"Okay, sige. Si Alden?"

"Ah nasa shoreline. Inaantay ka.", sagot nito habang gina-guide siya sa lugar. 

"Huh? Bakit 'dun?"

"I don't know. 'Yun ang gusto niya eh."

Sam guided her towards the shoreline. And when they arrived there, she saw a beautifully arranged dinner in a candlelight. Mabilis siyang iniwanan ni Sam. Saglit siyang tumigil. Baka naman mali ang lugar na pinagdalhan sa kanya? Nasa ganun siyang pag-iisip nang biglang sumulpot si Alden sa gilid niya na ikinagulat naman ni Maine.

"Hi, Maine.", si Alden. 

"Shocks, Alden. Nakakagulat ka naman."

"Sorry, did I scare you?"

"Hindi naman."

"Halika, upo tayo.", he offered her a seat in the table. 

Nag aalangan namang sumunod si Maine, "Alden, sure ka ba talaga na dito tayo?"

"Oo naman. Why?"

"Bakit? May problema ba? Hindi mo nagustuhan?"

"Hindi naman sa ganun. Pero kase...akala ko naman simple dinner lang? Tapos may pa candlelight ka pa. Tapos andito pa tayo sa shoreline. Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa'yo dito? Mga reporters, stalkers, or fans?", mahaba niyang tanong sa aktor. 

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now