MAINE
It's been a month now since nagkaroon kami ng misunderstanding ni Alden. Nagsimula lang ang lahat noong nakalimutan niya akong e-text after his commercial shoot.
For me, hindi naman talaga siya malaking issue. I understand naman na may mga panahon talaga na hindi na kami halos nagkikita or nagkakausap sa phone dahil sa busy schedule niya din as an actor and businessman.
But as a paranoid girlfriend of a superstar like him, hindi ko rin talaga maiwasan na wag mag overthink. Kung iisipin ay napakaraming pwedeng umagaw ng atensiyon niya.
Yes, I get jealous sometimes especially sa mga female celebrities na nakakatrabaho niya. When they do intimate scenes, minsan talaga hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag mag selos. I'm only human. And if you're in my shoes, what would you feel?
I get it naman na it's all for professionalism and just work but ayun nga, nagsi-selos talaga ako. People always asked me how I cope up having a hot and famous boyfriend like him all these years. And my answer is TRUST.
I trust him naman. Sa ilang taon ba naman namin na pinagsamahan ay malalim na rin ang tiwala namin sa isa't isa. He is in constant communication with me and my family kapag free time niya. May mga panahon din na siya pa mismo ang pumupunta sa bahay namin sa Bulacan just to see me. And for that, I am so thankful and felt so loved.
Not until these past four weeks. Napansin ko na mas lalo siyang naging busy sa ngayon. Kung dati nakakausap ko pa siya everyday kahit sa phone, ngayon may mga times na hindi na. Ang sabi niya lang nasa meeting siya. Alam ko naman ang mga current and upcoming projects niya. He's always honest and tells me what's up especially with his career.
Yet, minsan may mga times na nahuhuli ko siyang tila may tinatago sa akin. Ayoko rin naman siyang tanungin about it. Baka sabihin niya na sobrang pakialamera ko na at nakakasakal na 'yung love ko para sa kanya. Sometimes I wished that he's just an ordinary person. So that we can freely date and see each other in public. Pwede naman pero dapat hindi madalas.
"Hello, Nicomeyn? Nandiyan ka pa ba?"
Bigla akong natauhan at napansin ang pagwagayway ng kamay ni Nanay sa mukha ko.
"Ha? A-ano po 'yon Nay?" Tanong ko sa kanya.
Nakaupo ako sa sala at nagtatrabaho. Hindi ko na napansin na kanina pa pala ako kinakausap ni Nanay pero hindi ko man lang naintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Hay naku, anak. Ano ba 'yang iniisip mo? Napapansin ko na ilang linggo ka nang ganyan ah! May problema ba?"
"H-ha? Wala po." Pagsisinungaling ko.
"Kilala kita, Meng. Alam ko may bumabagabag sa'yo pero ayaw mo lang sabihin. Ano ba 'yon? Baka makatulong ako."
I gave her a faint smile. "W-wala po ito, Nay. Hindi naman po mahalaga."
"Nag-away ba kayo ni Tisoy?"
"Ho? H-hindi po."
"I knew it. Your lips can lie pero 'yung mga mata mo, iba ang sinasabi."
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago itinuloy ang sasabihin ko. I may not be the most expressive person sa loob ng bahay, but I know I can always count on my mom.
YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanficAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...