ALDEN (July 16, 2015)
Kasalukuyang papunta ngayon si Alden sa Mendoza Farms; sa Sta. Maria, Bulacan. Ngayon ang unang araw ng shooting niya para sa pelikulang, 'Imagine You and Me'. Kasama niya sa loob ng kotse sina Mama Ten at Leysam. The truth is, he is really excited but nervous at the same time. Doing a big project with APT Productions is no joke at all. He looks at the window and remembers his unforgettable twitter experience last night. Honestly, he is really happy. Nararamdaman niya kasi na papalapit na ang pagkikita nila ni Binibining Marikit. Hindi niya alam kung kelan. Hindi niya alam kung paano. Hindi niya alam kung saan. I guess, destiny will tell."O RJ, kumusta naman 'yung trending kayo last night ni Binibining Marikit?", Leysam ask him.
"Oo nga eh. Akalain mo 'yun, Sam! Grabe, perstaym 'yun ah."
"Kinikilig ka naman?"
"Hindi naman sa ganun kaso nakaka overwhelm lang na lahat yata halos ng twitter followers namin excited na magkita kami in person."
"Pero, nak. Paano kung magkita kayo ng personal? Anong sasabihin mo sa kanya?" Mama Ten ask him.
"Hindi ko alam Ma. Baka mag hi or hello lang ako. Or...ahhh...basta, ewan ko. Come what may nalang siguro. Bahala na."
"Uy, Sam. Malayo pa ba tayo?"
"30 minutes nalang sabi ng Waze app. Hindi pa kasi ako nakakapunta diyan sa Mendoza Farms. Pero parang familiar sa 'kin 'yung pangalan ng lugar. Sabi ni Direk maganda daw 'dun."
Matapos ang ilang minuto ay may dinaanan pa silang mga kakahuyan na sinadyang itanim dahil ang mga ito ay naka linya talaga sa tabi ng daan. They saw an arc with a sign: Mendoza Farms. The letter M is embedded on a steel gate. Sa wakas ay nakarating na din sila. Nabighani agad sila sa ganda ng lugar. Para kasi itong isang munting hacienda: maraming puno, sariwa ang hangin at maraming prutas. May nakita pa si Alden na dumadaan na tila mga trabahador ng farm. Naisip niya na ma swerte ang mga nakatira dito. Malayo sila sa polusyon na dulot ng Metro Manila. Maya maya pa ay sinalubong naman sila ni Direk Mike Tuviera: ang direktor ng pelikulang gagawin niya.
"Good morning, Alden! Buti nalang andito ka na. Akala ko eh naligaw na kayo."
"Good morning, direk. Hindi naman po. Buti nalang may waze app."
He shared a few chats with Direk Mike and later on he's been usherred on a tent designated for him. His stylist is now preparing him for the first scene. He grabs the script and reads it thoroughly.
"This is it, RJ. This is it.", he said while looking at himself on the mirror.
MAINE (July 16, 2015)
Pasado alas otso na ng umaga pero tulog pa si Maine. Nakasarado pa ang mga kurtina niya sa kuwarto kaya hindi niya alam na marami ng tao sa labas ng bahay nila. Hindi naman siya pinipilit ng Nanay at Tatay niya na magising ng maaga. Minsan kasi pa iba iba ang oras niya sa trabaho. At madalas may mga online task ang kliyente niya tuwing madaling araw. Nadagdagan pa ang puyat niya dahil sa kakaisip sa first shooting day ni Alden Richards sa mismong farm nila kung saan din nakatira si Maine at ang pamilya niya. Kaya pasado alas kuwarto na siya ng madaling araw na nakatulog. A few minutes later, her sister Colleen came inside her room. Ginigising siya nito.
"Meng, gising na."
No response.
"Meng, gumising ka na diyan. Tanghali na oh."
Pero imbes na magising ay tumalikod ito sa kanya paharap sa saradong bintana.
"Aba, teka. Ayaw mong gumising ha. Umph, eto sa'yo!", sabay bukas ng mga kurtina.

YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanfictionAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...