Chapter 10

3.9K 267 51
                                    

MAINE


Kasalukuyang kausap ni Maine ang kaibigang si Janeeva. Kagagaling lang nito sa Davao dahil pinuntahan ng kaibigan ang sikat na sikat na Malagos Garden Chocolate. May balak kasi ito na lagyan ng ganun ang mga produkto nila sa coffee shop. Nasa kusina silang dalawa at kumakain ng merienda. Ngayon din ang huling araw ng shooting day ni Alden Richards sa Mendoza farms. Sa totoo lang ay nakakaramdam si Maine ng lungkot. Alam niya kasi na pagkatapos ng araw na ito, ay madalang na naman niyang makikita ito ng personal.

"Meng, marami kang utang sa 'kin ha! Baka akala mo, nakalimutan ko na.", sabi sa kanya ng kaibigan.

"Anong utang? Wala kaya akong utang sa'yo. Excuse me, hindi ko ugali ang mangutang."

"Loka! Hindi tungkol sa pera ang ibig kong sabihin uy. Ang sabi ko maraming kang utang sa 'kin na chika. Aba, ilang araw akong nasa Davao at balita ko marami ng naganap."

"Teka lang. Galing kang Davao pero wala ka man lang pa Durian at Mangosteen diyan."

"Meron. Nasa bahay. Dadalhin ko bukas. Wag kang mag alala. Andito ako kasi para ihatid 'tong laptop mo. Aba, iniwan mo lang pala 'to kahapon sa coffee shop. Buti nalang, nakita ng isang crew namin at itinago."

"Ay oo nga pala. Salamat. Nakalimutan ko."

"At saka sabi ng security guard namin na may nakaaway ka daw na lalake kahapon. Bigla ka nalang daw kumaripas ng takbo pagkatapos niyong mag usap. Sino 'yun?"

Pilit na iniiba ni Maine ang usapan. Pero, talagang kinukulit siya ng kaibigan. Kahit anong iwas niya, ay alam niyang hindi siya makakapagsinungaling dito.

"Hmmm...si Carlo.", sabi niya sabay inom ng juice.

"Ha?! Ano?!", gulat na sagot ni Janeeva.

"Wow! Talagang gulat na gulat?!"

"Punyeta naman oh! Sinong maysabi sa kanya na pwede siyang umapak sa teritoryo ko?"

"Wow, hysterical lang? At saka 'di naman niya alam na ikaw ang may ari ng shop. At saka wala namang batas na nakasulat sa Philippine Constitution na bawal siyang pumunta 'dun."

"Anong ginawa mo? Sinampal mo ba? Binugbog? Sinabunutan? Jusko, kung ako ang nandun, baka kung ano na ang nagawa ko.", gigil na sabi ng kaibigan.

"Wala. Nag usap lang kami. 'Yun lang."

"Ha?! Hay naku Meng. Ang hirap sa 'yo kasi masyado kang mabait. O siya, aalis na 'ko."

Paalis na sana si Janeeva pero pinigilan siya ng kaibigan.

"Uy! Can you stay for awhile? Namiss kita eh. Sige na, please."

"Hmmm...sus! Ang sabihin mo, gusto mo lang ng ka chika. Sige na nga. At saka 'di mo pa naku kuwento sa 'kin ang pagkikita niyo ni Alden Richards. I need to know...pram da istart."

"Oo na. Grabe ka, pram da istart talaga. Pero, thank you ha. Sorry, medyo clingy friend ako ngayon."

"Sus. May magagawa pa ako? Wala naman akong choice."

"Huy! Grabe ka sa 'kin."

"Charot lang. Tara na nga sa kuwarto mo. 'Dun na tayo mag kuwentuhan. Baka marinig pa nila ang tilian natin.", pabulong na sabi ni Janeeva kay Maine.

ALDEN

Their last shooting day at Mendoza farms was about to end. He is currently reading his script for the last scene for this day. He felt a little bit sad. He doesn't know why. Usually, dapat masaya na siya dahil malapit na silang matapos sa shooting day for his movie with APT. Pero heto siya...nalulungkot. Sa tatlong araw nila sa lugar na 'to, ay naramdaman niya agad na komportable siya dito. He felt that he was really at home. The place. The people. Her. Si Maine. A few minutes later, Mama Ten arrived inside Alden's tent. May pinabili kasi siya dito.

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now