Chapter 15

2.8K 297 77
                                    


Pinilit na bumangon ni Maine mula sa pagkakahiga. Agad niyang tiningnan ang phone niya na nasa bedside table. Ayaw niya sanang kumilos. Ilang araw ng masama ang pakiramdam niya. Minsan din ay nagkakaroon siya ng lagnat pero hindi naman mataas. Marahil dahil na rin siguro sa stress sa trabaho. Madami kasing pinagawa si Samantha sa kanya. Nababad din siya sa ulan last week. Dahan dahan siyang tumayo. Medyo na- out balance pa siya ng kaunti. Makalipas ang ilang segundo ay tumunog ang phone ni Maine. Tumatawag si Alden Richards.

 "Hello, Alden", bati niya dito sa kabilang linya. 

"Hi, Maine. Teka, okay ka lang? Parang ang tamlay ng boses mo."

"Ha? Ako? Okay lang ako? Nasan ka na ba?"

"I'm on my way. I'll be there in 30 minutes. Pasensiya ka na ha? Mukhang maabala na naman kita."

"Naku wala 'yun. Sige, message mo nalang ako kapag malapit ka na."

Nakiusap kasi si Alden sa kanya na magpapasama ito sa farm ng mga Martinez. Nagulat siya nang natanggap niya ang message nito 'nung nakaraang araw. Ayaw niya sabihin na masama ang pakiramdam niya. Kumbaga, tiis ganda para kay Alden Richards. Pordalab. Kakayanin ni Maine kahit masama ang pakiramdam niya. Agad siyang nag ayos ng sarili at bumaba sa kusina. Nadatnan niya si Ate Pearl na naghahanda ng almusal. 

Nasa Japan ang Nanay at Tatay ni Maine. Wedding anniversary nila kaya ni regaluhan sila ng Trip to Japan ng mga anak nila. Si Dean naman ay kasama ang mga kaibigan at mamayang gabi pa ang uwi. Si Colleen ay kasalukuyang nasa trabaho na. Agad siyang lumapit kay Ate Pearl para tulungan ito sa paghahanda ng breakfast. Medyo nagulat pa nga ito nang makita siya. 

"Oh, akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Ba't ka bumangon? Dadalhan na sana kita ng pagkain sa kuwarto mo eh."

"Okay lang po ako, Ate Pearl. Don't worry. At saka may dadating po akong bisita ngayon."

"Bisita? Sino?"

"Si Alden Richards po..."

"Uy, talaga? Aba mukhang nagiging close na kayo ha. Nanliligaw na ba siya sayo?"

"Naku hindi po. Imposibleng mangyari 'yung sinasabi niyo sa 'kin. At saka sasamahan ko lang siya sa farm nila Mr. and Mrs. Martinez. Gusto niya kasing tingnan."

"Talaga ba? Sigurado kang ayos ka lang? Wag ka masyadong magpapagod. Madali ka pa namang mahilo."

"Opo. Wag na po kayong mag alala."

Maya maya pa ay dumating na si Alden Richards. Agad niya itong sinamahan sa farm ng mga Martinez na nasa katabing lupain lang naman. Sinalubong naman sila ng mag asawang caretaker ng farm na sina Aling Cora at Mang Ben. 

"Good morning po sa inyo, Aling Cora at Mang Ben."

"Good morning din sayo, Menggay."

"Siyanga po pala...si Alden Richards po pala...", pakilala niya sa mga ito. 

"Aba siya 'yung artista 'di ba?", tuwang tuwang sabi ni Aling Cora. 

"Opo. Siya nga po 'yun."

"Naku, keh guwapong bata naman nito. Ang tangkad at ang puti. Ang guwapo mo pala sa personal."

"Naku, salamat po Aling Cora.", sagot naman ni Alden sa papuri nito sa kanya. 

Sumabat naman si Mang Ben sa usapan nila. "Naku iho, pagpasensiyahan mo na itong asawa ko ha?"

"Wala pong problema Mang Ben. Ang cute nga po eh."

"Okay lang po ba na libutin namin 'yung farm?", tanong ni Maine sa mga ito. 

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now