"Maine, okay lang ba 'yung suot ko ngayon?", Alden asked her again.
"Alden, okay lang. Bagay naman sa'yo eh. Kanina mo pa ako paulit ulit na tinatanong. Kaloka. Pati tuloy ako nati-tense.", sagot niya dito na may halong inis.
"Sorry, love. Kinakabahan lang kasi talaga ako eh."
Kasalukuyang nasa biyahe sina Maine at Alden papunta sa bahay nila sa Mendoza Farms. Ngayon na ang unang araw na magpapakilala si Alden bilang boyfriend ng dalaga. May gaganapin na family reunion ang pamilya Mendoza at naisipan nila na ngayon na ang tamang panahon na magpakilala siya sa pamilya ng girlfriend niya.
Nasabi ni Maine sa kanyang mga magulang ang tungkol sa pagkakaroon niya ng boyfriend ng biglaan. Nadulas kasi at aksidenteng nasabi ng kapatid na si Colleen. Mabuti na lamang at hindi masyadong nagalit ang kanyang Tatay Teodoro. Hindi pa nila alam na isang artista ang boyfriend niya. Kaya sila kinakabahan sa ngayon dahil binalaan siya ng mga magulang na huwag makikipag relasyon sa isang artista dahil na rin sa nangyari noong na involve siya kay Carlo Alejandro.
Ilang minuto nalang at makakarating na sila sa farm at mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib nila.
"Alden, sure ka ba na gagawin mo 'to?", tanong niya dito na labis ang pag-aalala.
Kilala ni Maine ang mga magulang niya lalo na ang Tatay niya. Tahimik lang siya pero kapag ito na ang nag desisyon sa pamilya ay tiyak lahat sila walang pag aatubili na susunod. A man of less words pero tagos sa puso kung magsalita. Ganon ang Tatay niya.
Marahang hinawakan ni Alden ang mga kamay niya. "I will be fine, love. We will be alright. Kaya natin 'to. Walang iwanan. Ikaw at ako. Tayong dalawa."
"Alam ko, Alden. Pero kasi...hindi pa nila alam na isang Alden Richards ang boyfriend ko. Isang artista. Isang celebrity.", sabi niya.
Her lips starts to quiver.
Sa totoo lang ay kinakabahan din naman si Alden pero kailangan niya itong gawin. Ayaw na niyang itago ang relasyon nila ni Maine lalo na sa pamilya nito. Mabuti na lamang at nang nalaman ng pamilya niya na si Maine at Binibining Marikit ay iisa at siya ang girlfriend nito, ay supportive naman sila lalo na ang Daddy ni Alden.
Binigyan siya nito ng payo at pinalakas ang kanyang loob. Kaya nagkaroon din siya ng tapang para gawin ito para sa babaeng kanyang pinakamamahal.
Ang alam ng pamilya ni Maine ay kasabay niya na sa pag uwi para sa family reunion ang ipapakilala niyang boyfriend. Sabado ngayon at hanggang kinabukasan ang reunion nila. Napaka sweet ni Alden dahil naka block na schedule niya until Sunday. Nagpaalam talaga siya management niya. Kaya, hindi nila sasayangin ang sakripisyo nito. He is the now the Asia's Multimedia Star, Alden Richards. And he is doing this for an ordinary girl like her.
Sa wakas ay nakarating din sila sa Mendoza Farms. Ang lugar kung saan una niyang nakilala ng personal ang girlfriend. Napangiti siya ng bahagya. Nasa labas pa sila ng gate at dinig na dinig na nila ang masayang tawanan, kantahan at palakpakan.
"Ano, tara na?", tanong niya sa girlfriend na biglang natahimik.
Sa iilang buwan na ng relasyon nila ni Maine ay unti-unti na niya itong nakikilala. She is an introvert. Ayaw niya na nabibigla siya especially with a situation like this. She starts rubbing her hands with her legs. Alam ni Alden na inaatake na ito ng anxiety.
"Love?", tawag niya dito habang hawak ang isa niyang kamay.
"Huh? Bakit?", she answered him.
"Hug nga kita, dali.", he said and hugs her gently.
YOU ARE READING
Beauty and The Beast
FanfictionAlden Richards is a superstar-boyfriend any fangirl can dreamed of. He is a workaholic actor who loves his craft and will do anything to achieve his goals in life. Nicomaine Mendoza is Alden Richard's introvert fangirl who got involved in a scandal...