Chapter 17

2.4K 221 52
                                    

ALDEN 


Kasalukuyang naghahanda si Alden Richards. Ngayong gabi na ang premier night ng pelikula niyang Imagine You and Me. Excited siya sapagkat isa ito sa mga malalaking projects niya simula 'nung nagsimula siya sa showbiz. Siyempre, APT Productions kaya yan.

Dadalo din mamaya ang buong pamilya ni Alden. Ang kanyang Tita Maritess ay umuwi pa galing ng Japan kasama ang anak na si Missa. Siyempre hindi mawawala ang buong EB Dabarkads at iilang mga kaibigan niya sa showbiz.

"Alden, aalis na tayo in less than five minutes. Ready ka na?, tanong sa kanya ni Mama Ten.

Sinipat niyang muli sa salamin ang kanyang hitsura, "Yes Ma. Let's go."

Agad siyang sumakay sa van na magdadala sa kanila sa sinehan kung saan gaganapin ang premier night. Sa totoo lang ay excited siya na mapanood ang kanyang pinaghirapan.

Dahil sa pelikulang 'to ay nakilala niya si Maine.

Nalaman niya ang totoo na siya at si Binibining Marikit ay iisa.

Gusto sana niyang imbitahan ito sa premier night. Sinubukan niyang mag text dito. Ngunit sinabi nito na baka hindi siya makakadalo dahil sa kanyang trabaho.

Nanghinayang talaga siya.

Nahalata din ni Alden na parang umiiwas ito sa kanya. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit. Hindi kaya nakahalata din ito na alam na niya ang totoo kung sino siya?

"Hindi naman siguro.", nasabi niya sa sarili.

"Anong sabi mo RJ?, tanong sa kanya ni Leysam.

"Huh? Wala."

"Wala? Talaga?"

"Wala nga."

"Hulaan ko...si Rachel, Maine, or si Binibining Marikit?"

"Hindi noh."

"Hay naku. Kilala na kita. Kapag ganyan ka, for sure isang taong mahalaga sa buhay ang iniisip mo."

"My family, ofcourse. Sino pa ba?"

"Ay, defensive? Sige. Paniniwalaan kita."

Aaminin niyang sobrang namimiss niya si Maine. Ilang buwan na silang hindi nagkikita. Ang huli ay ang araw na binili nila ang hacienda ng mga Martinez.

Matapos nun ay sobrang naging abala na siya. Photoshoots, shows abroad, hosting sa Eat Bulaga, at tapings sa bago niyang teleserye.

Madalas na din ang palitan nila ng tweet sa Twitter bilang si Maine ay si Binibining Marikit. Madami ang kinikilig sa kanila.

#MaDen for the win.

Minsan nagdi-direct message sila sa isa't-isa. Walang ibang nakakaalam ng totoo kundi si Alden lang at ang kapatid na si Riza. Wala siyang pinagsabihang iba bukod sa kanyang kapatid sa katotohanang si Maine at Binibining Marikit ay iisang tao lang.

Matapos kasi ng naging pag uusap nilang dalawa ni Riza last week ay na realize niya na dapat siyang mag ingat.

Kailangan niyang gawin 'yun.

******

MAINE

Kanina pa aligaga si Maine. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Papunta siya ngayon sa premier night ng pelikula ni Alden Richards.

Alam niyang sinabi niya dito na hindi siya makakapunta. Siyempre, todo excuse siya. Kapag kasi sinabi niyang pupunta siya ay paniguradong sa VIP section siya nito pauupuin.

Beauty and The BeastWhere stories live. Discover now