"Diamond..."
Marahang tumapik sa magkabila kong balikat ang malambot na palad ng roommate ko saka mahinang tinawag muli ang pangalan ko, pilit at nagaalala ang boses niya dahil hindi naman talaga kami nagu-usap.
Dahan-dahan ko siyang nilingon at do'n nakita na nakayuko siya nang kaunti para pantay ang mukha niya sa akin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko saka umupo nang maayos dahil hindi ko na pala namalayang nakatulog na ako habang naga-aral. Kailangan ko kasing gawing mag-isa ang group work na pinapagawa sa'min dahil hindi nila sinasagot ang mga messages at tawag ko sa group chat.
Siguro iniisip nilang 'di ito big deal dahil minor subject lang.
"Bakit po, ate?" tanong ko.
"Nagaalala lang ako. Ilang gabi na kitang hindi nakikitang humihiga sa kama mo sa gabi, 'pag dumadating ako naga-aral ka na tapos pag-alis ko kinabukasan nariyan ka pa rin. Masama na iyan."
"Sanay naman ako, ate. Kailangan ko talagang matapos ito kasi bukas na ang deadline nitong presentation eh."
Her lips arched downward as she nod her head over and over. "Hindi na kita mapipigilan ano? Kung gano'n, inumin mo nalang ito para kahit kaunti ay magising ka."
Inabutan niya ako ng yogurt milk at tinapik pa ng isang beses ang aking balikat, lumakad siya papunta sa lower bunk bed saka humiga roon.
Napangiti ako sa aking sarili habang nakatitig sa kanya, pikit ang kanyang mga mata. I thank her silently and proceed on finishing the last task I need to finish this month which means I survived the first month of adjusting and trying to be better.
Tanghali na akong nagising kinabukasan dahil hapon pa naman ang klase ko at isa lang iyon sa buong maghapon. Maaari akong maglagi sa library ng MEU pero minabuti kong sa cafe na lang malapit sa dorm ako manatili. Maraming tao pero mas kumakalma ako kapag narito 'ko.
I just love the smell of coffee. Furthermore, the cat shelter was just across it so I can see kittens and cat whenever I glanced outside and seeing them is the best thing ever. I'm actually fond of them. So much. But since my schedule are ever tight and hectic, I can't raise one.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Dina pati ang pusa niyang si Kimi. Ang tagal na no'ng huling pagkikita namin saka wala na rin siya roon sa dati niyang pwesto sa tapat ng 7/11. Nasaktan ba siya nang sobra dahil sa sinabi sa kaniya ni Adam no'ng araw na iyon?
Bumuntong-hininga ako at hinilot ang sentido ko.
"Miss Diamond!"
I inclined my head when I heard a man's voice calling me. My forehead immediately knotted as soon as I had a glimpse of Adam waving his hand on me, smiling so big but his boyish look never subside.
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
RomanceGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...