30

386 7 3
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dane fucking Izumi!"

Marahas kong isinukbit sa kanan kong balikat ang bitbit kong sling bag habang tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan ng binatang sinusumpa ko sa mga oras na ito. Ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman.

Simula sa restaurant hanggang dito sa parking lot ay hinahabol ko pa rin siya pero kahit na gan'on ay patuloy lang siya sa paglalakad nang mabilis. Siya pa ngayon ang may ganang mag- inarte ng ganiyan sa'kin? Hindi ba siya nga ang may kasalanan?

"Dane, sinabi nang tumigil ka!" Nanuyo na ang lalamunan ko dahil sa pagsigaw ngunit parang wala lang iyon sa kaniya.

Kaya nang maramdaman ko ang sakit ng paa ko dahil sa strap ng heels na suot ko, hindi ko na nakontrol ang aking sarili at ibinato iyong sling bag ko sa kanya na tumama sa likuran ng ulo niya.

Sa pagkakataong iyon, nakita ko ang pagtigil niya nang dahan-dahan bago hinawakan ang parte kung saan tumama ang bag ko. Hindi ko na kailangan pang tawaging muli ang atensyon niya dahil siya na mismo ang kusang lumingon sa akin.

"What is wrong with you?" Malamig ang boses.

"What is wrong with YOU! Alam mo kung ano iyong sinasabi nila? Alam mong ipapakasal nila tayong dalawa tapos hindi mo man lang naisipang sabihin sa akin?" Matotonohan ang pagka-inis sa aking tinig.

I was expecting him to rebut my statement but it never happened. Instead, he bent over and picked up my bag on the ground, he hung it on his wide shoulder before putting his left hand back in his pocket.

"Kailan mo nalaman?" bulong ko sa hangin.

"At my birthday dinner."

My mouth went agape but no words came out. I can't find the right words. That's the reason why he waited for me. And I didn't give him the chance to say it... It's not his fault, I couldn't imagine trying to let that absurd news sink in my head at that same time.

Or maybe it's better? Para isang gabi lang ang iyak? Kahit ako ay naguguluhan.

"Do you want to marry..." I paused, sighing in between. "Do you want to marry me?" Then I waited for his response.

"I wouldn't want to marry a woman whose eyes are already set on another man, and I am sure that you wouldn't want the same."

"Then, why did you conform to them?"

"The same reason why you decided to follow me here instead of telling them no. And don't act as if I want this because it's infuriating as fuck."

Hinagis niya pabalik sa akin ang sling bag ko't binalik na sa teinga niya ang headphone na nakasabit kanina sa kanyang leeg. Tinalikuran niya ako at pumasok na sa loob ng kotse niya nang hindi ako nililingon hanggang sa naiwan na akong mag-isa sa walang lamang parking lot.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon