Trigger warning: Self-harm
Tinalikuran ako ni Dane Izumi at sinimulan na ang pagtahak sa mataong daan papunta sa exit ng auditorium. Merong mga babae ang pilit na lumalapit sa kanya ngunit tanging iyong mga meron lang dalang pagkain ang pinapansin at tinitigilan niya, pagkakuha ng pagkain ay aalis na ito.
At the end, he faded into view with tons of food in his arms.
"Ang yabang naman no'n!" dinig kong reklamo ni River saka hinila palapit sa kanya ang aking braso.
"He's cute though, and intelligent too." Ngumiti si Kai Shen.
I didn't mind them and decided to drag Katia in the corner with me where the noise was more sensible. She looked at me as if she already had suspicion about what I'm going to ask her. As if she read my mind.
"I thought you already figure it out when I saw you with Adam Rivera that night in the pub and yet you look so addled right now." She shook her head before exhaling a deep frustrated puff.
"Ano bang ibig mong sabihin? Naguguluhan na ako eh."
"Parehong hindi eligible sina Dane at Adam sa prize na pinangako ng MEU kaya dapat noong semifinals pa lang, alam mo nang ikaw na ang makakapasok. Bakit hindi mo ba alam na nasa huling taon na si Adam?" Hindi ako nakasagot, nasabi kasi sa akin ni Adam na malapit na ang pagtatapos niya.
"Saka si Mr. Henrich Mariano na mismo iyong nagsign ng petition para ipasok ka sa program pero gusto ng mga shareholders na makita muna nila ang ibubuga mo kapag galing na sa MEU ang katapat..." dagdag niya pa bago kami bumalik sa pwesto nina River at Kai Shen doon sa likod ng mga upuan.
Magkakasama kaming tatlo ni Katia at River sa buong linggo para manood ng mga laro galing sa iba't ibang unibersidad. Hindi rin kami nag papalampas ng mga laban ng team ni Emerald sa volleyball. Wala si Kai Shen dahil kailangan niyang umuwi sa China para sa isang modeling event. Malapit na rin kasi ang Pasko at Bagong taon kaya ro'n siya mananatili kasama ang buo niyang pamilya.
Isang linggo bago ang Pasko, dumating sa akin ang isang email mula sa staff ng MEU. Sinabi roon na mainit ang pagtanggap nila sa akin at aasahan nila na aayusin ko ang mga papeles ko para makapasok na ako sa kanila next sem.
Bumaba ang tingin ko sa keyboard ang laptop ko dahil merong tumulong luha mula sa mata ko. Napangiti ako bago muling tinitigan iyong email, malabo pa iyon sa paningin ko dahil sa nagtutubig kong mga mata. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak, yakap ang sarili at nilalabas lahat ng emosyon sa ilang taon kong pagbagsak.
Sa wakas, pagkatapos ng hindi mabilang kong gabi at umaga na puro iyak at pagkwestiyon sa sarili, natanggap ko rin ang email na ito. Isang email na bubuong ulit sa nasira kong tiwala sa sarili.
Pinunasan ko ang aking luha at magaan iyong loob na kumatok sa silid ni Emerald. Naisip ko kasing ang panalo ko ay panalo rin niya dahil para sa kanya naman itong ginagawa ko, siya't siya pa rin ang magiging inspirasyon ko kahit anong mangyari. Isa pa, gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko.
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
Lãng mạnGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...