24

389 12 0
                                    

"Lili, mauna ka na sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lili, mauna ka na sa loob."

Matotonohan ang kaba sa mahina kong boses kaya naman marahas niya akong nilingon saka tinitigan nang taimtim, hinuhusgahan na kaagad ako.

"Hindi ka naman maliligaw 'di ba? Sundan mo na lang iyong ilaw diyan sa gilid-gilid, papunta naman 'ata iyan sa loob." Tinuro niya ang ilaw na nakakabit sa mga halaman na pumalibot sa cobblestone na sahig.

Tumango ako at nagpilit ng ngiti. Hindi talaga ako mapakali simula nang bumaba kami ng van samantalang ako nga itong napaka-kalma habang hinihintay kong matapos mag-ayos si Emerald.

Muli kong tinahak ang daan palabas ng gate at doon bumuga ng hangin, sobrang lalim na tila ba dala-dala ko na ang buong mundo. Hindi ko alam ang sasabihin kay Adam. I'm sure that he misunderstood what Dane said last night and I think I owe him an explanation. But I don't know where to start! I don't even know if I he'll want to see me.

You can do it, Dia!

Sa huling pagkakataon, bumuga ako ng hangin  bago nagdesisyong tahakin ang mahabang daan papunta sa Spanish-styled home ng mga Rivera.

Natural na tumuwid ang likod ko kasunod ng pagdiretso ng aking tingin sa harap sa oras na tumapat ako sa tapat ng pintuan. Ginawaran ko ng ngiti ang taong naroon saka binitbit ang sarili papunta sa silid kung nasaan ang hindi kalakasang ingay.

Merong mga nagu-usap pero hindi masakit sa teinga. Doon, sinalubong ako ng mga taong pamilyar sa akin ang mukha dahil madalas ko silang nakikita sa balita. Hindi gano'n karami ang tao pero pakiramdam ko ay nasasakal na ako kaagad.

Hinanap ko na lang ang pwesto nina Emerald para puntahan sila. Nakita ko sila sa gitna ng mga naglalakihang estranghero, nakangiting nagk-kwentuhan.

Habang papalapit, napansin kong lumalakas nang lumalakas ang kabang nararamdaman ko. Paano ba naman ay kitang-kita ko na ang likod ni Adam mula sa kinaroroonan ko! Ano ang gagawin ko kung hindi niya pala gusto na narito ako?

Baka himatayin ako.

"Nandiyan na pangarap mo," rinig kong asar ni Keane saka tinapik ang braso ni Adam dahilan para lingunin ako ng binata.

When I saw his face, it was dark so I got scared and halted. Then his eyes softened as his lips gradually build a smile, as if his fear vanished in pieces as soon as our gazes locked and made each of us understand.

Lumakad siya sa akin na merong ngiti sa labi at nang kaunting espasyo nalang ang pagitan namin ay yumuko siya para tingnan 'ko kung saan nakatingala naman ako. Dahan-dahan ay napangiti rin ako.

"I think I need to explain something..." sabi ko.

Umarko pababa ang labi niya at hinawi pataas ang kanyang buhok bago nag-usal sa mababaw na tono.

"Tell me, Diamond. Do you have a boyfriend?"

Inirapan ko siya saka nag-iwas ng tingin dahil sa sobrang init ng aking pisngi, ramdam kong pulang-pula iyon.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon