"Are you sure that you're leaving already? Baka mapaano ka sa daan, late na rin oh."
Bumuntong-hininga ako at tinaas ang tingin sa nag-aalalang mga mata ni Yandra, hawak niya ang kaliwa kong kamay habang hinihimas ang likod ng aking palad, nagbabaka-sakali siyang magbabago pa ang isip ko.
"Hinintay ko lang talagang makatulog si Adam bago ako umalis saka uuwi ako sa amin para masabi kina Em na maayos ang lagay niyo rito, baka hirap na hirap nang matulog iyon," sagot ko.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at nilingon ang silid kung saan nagpapahinga ang kapatid.
She wears a smile and jumped forward to hug me. I could feel her warmth enveloping me for a while before kissing me in the left cheek as a sign of farewell.
"I can't thank you enough for taking care of my baby brother, Dia. Ingat ka sa byahe, huh? Call me when you're home!" she emphasized as she walked me into my car.
"Yes, Ma'am..." I jested.
Narinig ko pa ang mahinang halinghing niya bago ko sinarado ang pintuan ng sasakyan at pinaandar ito. Mula sa rearview mirror, isang beses ko pang sinulyapan ang resthouse at si Yandra na kumakaway pa rin sa akin.
Maliwanag na nang makabalik ako sa Manila. Umuwi ako sa amin para samahan si Emerald, dala ko lahat ng mga kailangan kong gamit sa pag-aaral dahil finals na namin sa susunod na linggo.
I'm really trying to get a hold of everything, I'm trying not to think too much because it will just lessen my time studying. I want to do well but I'm also so worried about Adam and Yandra. My mother seems to be dealing with a conflict around her company, too, so I couldn't go to her and ask for advice
Kahit na gaano pa ka-strikto si Mama, siya pa rin ang Ina ko. At the end of the day, her advice will enlighten me.
"Calm down, Em. Stop pacing around and don't bite your nails!" I inclined my head to see her then put my pen down. She froze in her place, almost as if she was a robot or something that has her battery taken down. "Inhale... Exhale."
Sinundan niya ako. Umupo siya sa harap ko at pinaulit-ulit pa ng ilang beses ang ginagawa hanggang sa bumalik na sa dati ang kanyang hitsura.
"Ang daming sinasabi ng media tungkol sa mga projects na ginawa ni Tito rito sa atin, mabuti kung pinapaalala nila kung gaano karami ang natulungan niya eh... Kaso sinisiraan lang siya. Baka makita ito nina Adam." Bumaling ako sa TV kung saan nakatutok ang atensiyon niya at doon nakita ang mukha ni Mayor Rivera. "Ano kaya kung sabihin ko kay Angelique na huwag munang mag-air ng news program? Pu-pwede ba iyon?"
"If they do that, it will just make their network appear biased..." I whispered.
Nag-iwas siya ng tingin at pasikretong umirap sa kawalan. Sa kabilang banda, tinikhim ko na lang ang aking bibig saka pinatay ang TV dahil maiinis lang lalo si Emerald kapag narinig niya pa ang ibang sasabihin doon.
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
RomanceGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...