09

639 16 5
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Parang napakabigat ng talukap ng mata ko't hindi rin matigil ang paghikab ko. Pagod at masakit din ang leeg ko dahil anong petsa na kami nakauwi ni Adam—I'm thankful to him for pulling an all-nighter with me even though I did nothing but refute and mock his interest in me.

Hinilamusan ko ulit ang sarili ko gamit ang malamig na tubig mula sa lababo saka ako kumurap nang kumurap. Tinapalan ko rin ng pain relief patch ang aking leeg dahil sa sobrang sakit noon, mabuti nga at hindi pa ako nagka-stiff neck kahit na sa mesa na ko nakatulog kagabi. Aligaga na nga ang mga kilos ko dahil mala-late na ako sa meeting ko kasama iyong mga professor tungkol sa gaganaping math quiz bee sa miyerkules at huwebes.

I'm not a genius when it comes to math but it's not something I cried about a lot as well so I couldn't tell what place I should stand. Whether I could be ambitious enough and expect that I can win or just dismiss all the likelihoods.

Sinuot ko ang beige blazer coat sa likod ng pintuan bago ako dali-daling tinungo iyong coffee shop para bumili ng americano at ng cookies. Naroon na ang professor na syang humahawak sa akin tuwing merong contest at quiz bee kasama ang ibang miyembro ng board at mga shareholders.

"You are facing a student from MEU, Miss Alvaro. How can you be so sure that you're gonna take a place in finals when you don't even pass the entrance exam?"

Professor Ellen Villaflor's upper lip curled in disdain.

Biglang nangunot ang aking noo. I thought I had her support? I thought she believes in me? Hindi ba siya ang nagpasok sa akin sa sitwasyon na ito?

I didn't show them how I was taken aback rather I just smiled and fake the confidence I am losing upon hearing her skepticism in me.

"Well, I also turned down three scholarship offers from the three biggest universities abroad. I am here because I'm capable, isn't that right?"

The president cleared his throat and tried to defend me by listing all the competitions and quiz bee I partook with all the rewards and achievements I earned within the all the years that I had in Alveline.

"But this child had done nothing but a true excellence, Miss Villaflor. I don't think she deserve such doubt," balik ng president habang pinapaunlakan ako ng magandang ngiti.

I sighed in relief.

Nang matapos ang meeting, mabilis na ring lumipad ang oras hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nasa harap ni Adam at meron nang hawak na calculator at papel na punong-puno ng mga formula, solution, at equations. Pinaglalaruan ko ang daliri ko habang tinitingnan ng binata ang mga sagot ko.

I never knew that Adam was a diligent man until I had a glimpse at the pile of sample questions that he prepared for our meeting tonight.

"Sure ka na ba rito sa answer mo?" tanong nito bigla dahilan para dilaan ko ang ibaba kong labi.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon