32

341 8 5
                                    

"Doc Alvaro!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Doc Alvaro!"

Mabilis akong lumingon para hanapin si Eden na siyang humahangos habang hinahabol ako papalabas ng ospital. Nakahawak pa rin ako sa plastic water bottle na wala na sa kalahati ang laman.

"Ayos lang po ba talaga kayo?" anang niya saka dumapo ang mata sa basang-basa kong blouse.

"Sinabi ko naman na sa'yo kanina na okay lang ako," sabi ko. "Kumalma na ba si Jeremiah?"

Agaran siyang tumango nang paulit-ulit na tila ba sinisiguro ako dahilan para makahinga ako nang maluwag. Nandito ako sa Alvaro Mental Health Facility, isang pribadong psychiatric hospital na paga-ari ni Papa. I've been training here ever since I graduated from Med School.

"Pinatulog muna namin bago dinala sa kwarto niya, galit na galit kasi eh."

"Just continue to give him the pills, it'll help to calm him down a bit. Call me if something happens, I just need to go outside for a while."

She nodded her head. "Paano iyong meeting mo kasama sina Doc Sta. Maria? Hahanapin ka na naman no'n at kapag hindi ko alam kung nasa'n ka, siguradong sasabunin na naman 'ko no'n!" singhal niya na ikinatawa ko dahil sa takot na takot niyang hitsura.

"Babalik din ako kaagad."

I arrived at the house after half an hour on the road. Exhaustion immediately creeps out on me as I jumped onto the white long couch that sat across the 36 inches flat screen television.

I've been working nonstop at the hospital and it was the most tiring but fulfilling moment of my day. It should be. I've been working so hard all my life just to get here, and now I'm finally here.

"I thought you have a meeting?" Lumitaw bigla si Dane mula sa kusina. Hawak niya ang isang bote ng beer.

"I have, umuwi lang ako para magpalit. Bakit nandito ka pa rin? Akala ko ba merong pina- paasikaso si Papa sa'yo?" tanong ko at tumayo na.

He shrugged his shoulders before offering the same beer to me which, I refused. He knew I don't drink during weekdays but he still offer one to me every time I came home as tired as I am now.

"I was just about to leave. Anyway, there's an egg and bacon on the table—serve yourself." He walked towards me to pick up his keyfob.

Pinanood ko siyang lumakad papunta sa pinto.

"Ingat sa pagd-drive," pahabol kong paalala at pumunta na sa aking silid para maligo at mag palit ng damit.

Nang makabalik sa ospital, dumiretso kaagad ako sa opisina ng board of directors. Naro'n na si Doc St. Maria pati ang iba pang board members, si Papa na lang ang hinihintay bago magsimula.

Dahan-dahan akong umupo sa pinaka dulong upuan habang pinananatiling magalang ang aking postura. Hindi maaaring magmalaki 'ko rito lalo na at karamihan ng kasama ko rito sa kwarto ay iyong mga tumulong sa aking maka- rating sa pwesto ko ngayon.

Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon