"Sigurado ka ba? Kung sa tingin mo ay 'di ka pa handa, makakapaghintay naman ako. Nariyan lang naman ang ospital..." matotonohan ang pag-aalinlangan sa boses ni Papa pero umiling ako at siniguro siyang nakapagpasya na ako.
"I'm sure, Papa. I wanted to go back to the field... I want to continue what I started."
"Kung ganoon ay sabihin mo lang sa akin kung kailan mo gustong magsimula ulit at ipapahanda ko ang magiging opisina mo..."
"Thank you for being so understanding, 'Pa. I appreciate your support very much..."
Tumayo siya mula sa swivel chair bago ibinuka ang kanyang bisig, hinihintay akong lumapit para tanggapin ang yakap niya kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang bewang at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya, naririnig ko ang tibok ng kanyang puso.
I felt his lips touch the top of my head then he said, "You are very tough, my child."
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya saka pumikit at sinulit ang oras na iyon. Gusto kong malaman niya kung gaano ako kasaya na siya ang naging ama ko, kahit na may mga oras na naramdaman kong kulang ang presensiya niya sa buhay naming dalawa ni Emerald. Alam ko sa'king puso na ginagawa lang din niya ang bagay na sa tingin niya'y tama katulad ng ginawa ko.
Siya ang unang bumitaw sa aming dalawa.
"Naisipan namin ng Mama ninyo na salubungin nalang ang kaarawan ng kapatid mo dahil tiyak may mga plano rin kayo sa araw na iyon... Ayos lang ba sa'yo? Doon tayo sa paborito niyong resto tapos pupunta rin ang lola ninyo," huwestiyon niya na nginitian ko naman 'agad nang marinig na pupunta rin ang lola.
"How about Tito Kendrick?"
Because of that, he chuckled. "Of course! You know how much that guy wants to be included in everything!"
"Then, can I stay here until tomorrow evening? I kind of miss home..."
"Ano bang tanong iyan? Kung gusto mo'y dito ka na tumira hangga't hindi ka pa nag-aasawa eh. Sigurado naman akong kaunting oras nalang bago iyon mangyari."
"Papa!"
Humalakhak siya nang humalakhak bago hinawi ang aking buhok. Pagkatapos ng pagu-usap namin ay dumiretso kaagad 'ko sa aking kwarto kung nasaan si Paz at pinapanood si Amanda na magcrochet ng damit para sa kanya. Makikita pa ang kinang sa mata nilang dalawa pagkapasok ko.
"Hindi ba ini-spoil mo naman masiyado si Paz, Amanda?" nakangiti kong tanong saka dumiretso sa parte ng silid kung nasa'n ang piano.
Amanda smiled softly. "Nagustuhan niya po iyong ginawa kong hat sa kanya last time kaya gusto ko pong bigyan naman siya ngayon ng damit."
"Kaya naman pala tuwang-tuwa siya kapag sinasabi kong dito kami pupunta. Marahil alam niya kapag meron kang regalo sa kanya." Binuksan ko nang dahan-dahan ang fallboard at umupo sa tapat ng aking piano. "Anyway, is it OK if I play the piano, Amanda?"
BINABASA MO ANG
Our Sunlight Escapade (Epiphany Series #1)
RomanceGrowing up dominating the household, Diamond Alvaro finds no solution rather than get away to reduce the pressure she's having around her mother, leaving her sister all behind. If only she was as mighty and smart as everyone paints her to be, she wo...